Forty Three :

4 0 0
                                        

Ayesha's POV

"Ah!" Nailayo ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Steve.
"Tsk." Parang nauubusan ng pasensyang buntong hininga nya. Masyado syang seryoso sa ginagawa nya.
"Pre! Anong meron dun kay Coleen? Bakit ang sungit?" Nakangusong sabi ni Kurt na galing sa kusina.
"Tsk! Wag mo nga 'yun lapitan!" Sigaw ni Ethan.
"Seloso! Masyado ka!"
"Maghanap ka ng sarili mong babae. Baka hindi kita matantya."

Tumayo si Ethan at pumunta ng kusina kasunod si Kurt kaya kaming dalawa ni Steve ang natira. Nakakunot ng bahagya ang noo nya, masyadong dahan-dahan ang pagdampi ng bulak sa sugat ko pero nararamdaman ko ang hapdi.

"Hindi ko alam na marunong ka palang mag-first aid." Biro ko.
"Wag mo nang uulitin 'yun." Seryosong sabi nya.
"Ha?"
"Pwede mo akong sapakin kapag nafu-frustrate ka. Pwede mo akong gawing unan kapag gusto mo ng kayakap habang umiiyak. Pwede mong ilabas sa akin lahat. Wag mo lang sasaktan 'yung sarili mo."

Tumingin sya sa akin, sinsero at kakikitaan ng pag-aalala ang mata nya.
Napangiti ako sa mga sinabi nya. Para sa isang lalaki ay napaka-drama ng pahayag na 'yun, nakakabakla. Pero parang wala sa kanya iyon at wala syang pakialam basta masabi nya ang gusto nya.

"Sorry." Mahina kong sabi.
"Kailan mo kaya ako papaniwalaan?"

Mahina ang pagkakasabi nya na parang kinakausap ang sarili pero nadinig ko pa. Kaya naman hinawakan ko ang kamay nya at ningitian sya.

"Steve, I---"
"KAIN NAAAAAAAAA!!!!!! PUNTA NA DITOOOOOO! Hoy! Mamaya na kayo maglambingan."

Pareho kaming tumingin ng masama kay Kurt na parang batang tuwang tuwa habang may nakasubong manok sa bibig.

"What?"
"Lumayas ka sa harapan ko at baka hindi kita matantya."
"Anong meron sa pagtantya sa akin? Hindi ako basta-basta natatantya. Dahil ang kaguwapuhan ko---"
"Layas."
"Guwapo ako!"

Nagtatakbo sya sa labas para tawagin sila Vincent habang tinulungan ko naman si Steve na ligpitin ang kalat.

"Hahahahaha! Kailan kaya 'yun magkakaroon ng lovelife?" Natatawang sabi nya pa.
"Parang ikaw meron ah?"
"A-ano? Bakit? Ano bang meron tayo?"
"Meron bang tayo?"
"Hoy Madrigal!"
"There was 'never' an us."

Tatawa-tawa akong pumunta ng kusina.

"Ano na namang ginawa mo dun?" Sabi ni Louise habang naghahain.
"Wala naman. Nagsabi lang ako ng katotohanan."
"Ouch! Truth hurts kaya! Kaya pala nagmamaktol eh!"
"Kailan mo ba balak magkaroon Yesh?" Tanong ni Coleen.
"Meron naman ah?"
"Eh bakit sabi mo kanina wala? Narinig ko noh!"
"Biro lang eh."
"At hindi ka magandang magbiro! Tsk!" Singit ni Steve.
"Ang arte mo oy!"

Nagtawanan lang kami at naabutan kami nila Kurt ng ganun.

"Oh! Anong meron?"
"Pulong ng katapusan mo! Letse!" Sigaw ni Steve at naupo na.
"Ayan. Mangistorbo ka pa ah?!"

Tinawanan lang namin sya. Mukha syang batang aping-api. Hahahahaha !

Hmm. Kailan kaya sila magkakaron ni Mike ng lovelife? Mukha kasing kay Dennis may gusto si Hestia.

"Sleepover?" Tanong ni Mike nang dumilim na pero nage-enjoy pa din kami sa panonood.
"Oo. Wala namang tatanggi ano?" Sabi ni Dennis.
"May pasok pa bukas." Sabi ni Coleen.
"Ipadala nyo na lang ang uniform nyo. Dito tayo lahat sa sala matulog. Ibababa ko 'yung mga folding bed."

Tumawag si Louise sa bahay nila at nagpadala ng gamit naming tatlong babae. Sila Vincent naman ay umuwi sandali para kumuha dinng gamit.

"Ikaw Steve?" Tanong ni Kurt.
"Pupunta kapatid ko."
"Gabi na ah?" Sabat ko sa usapan nila.
"Hayaan mo sila."

When A Gangster Fell InloveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon