Ayesha's POV
Nang makarating sa bibilhan namin, hinayaan ko syang magbitbit ng basket at mamili ng bibilhin. Sya naman ang marunong eh dahil hindi ako mahal ng kusina -__-
Sa kakalakad ko, napunta ako sa side ng mga chocolate. Agad na kumislap ang nga mata ko at naglakad sa area na yun.
Kumuha ako ng tig isang box ng tatlong uri ng chocolate at isang balot ng flat tops. Mahal na mahal ko ang mga 'to.
"Ayesha.."
"Ay chocolate!"Nakita ko si Steve na nakatingin sa dala dala ko. Bigla syang napatawa kaya naman umirap ako.
"Tapos ka na?" Tanong ko.
"Oo. Magbabayad na a--"
"Ako na." Prisinta ko naman.
"Ako na."
"Ako na magbabayad."
"Ako na."
"Bahala ka nga."Nagulat naman ako nang kunin nya yung mga hawak ko.
"Isasabay ko na mahal na reyna." Sarkastiko nya pang sabi. Tss..
Naghintay na lang ako sa labas. Bahala na sya magdala nun tutal kaunti lang naman yata yun? Tumingin-tingin ako sa paligid. Nagugutom na kasi ako -__- 8:30 na din pala kasi.
Nang makita ko sya, kinuha ko yung plastic ng binili kong pagkain at hinayaan syang magdala sa dalawa pang plastic na pang bake namin.
"Kumain muna tayo?" Bigla nyang tanong kaya napalingon ako.
"Male-late na tayo." Sabi ko.
"Hindi yan. Tara!"Saka sya nagpatiunang maglakad papuntang food court. Ako na ang nagkusang bumili ng pagkain. Isang maliit na pizza lang ang binili ko at tig isang burger.
Tahimik kaming kumaing dalawa. Walang nagsasalita. At hindi man lang nagtitinginan. Mapagkakamalan kaming strangers na nag share sa iisang lamesa.
Nang pauwi na kami, nahirapan na kaming sumakay dahil punuan ang mga jeep.
Pero may isang dumaan at isa na lang ang kasya.
"Sumakay ka na. Sasabit ako." Sabi nya kaya naman napataas ang kilay ko.
"Tss. Maghintay pa tayo."Almost 10 minutes passed pero hindi pa din kami nakakasakay at baka malate na kami kaya naman hinila ko na sya nang may dumaang jeep.
"Sakay." Sabi ko sa kanya.
Nagtataka man pero sumunod na lang din sya. Ako naman eh umupo sa may mismong pinto ng jeep.
"Ayesha, palit tayo." Pamimilit nya pa.
"Manahimik ka na lang dyan."Dahil sa ang byahe namin ay 15 minutes medyo matagal yun. Pero agad din namang may bumaba kaya naman umupo na ako sa tabi nya.
"Abnormal ka talaga." Bulong nya pa.
Inirapan ko na lang sya. At pumikit.
Naramdaman kong may tumutusok sa pisngi ko.
"Tulog ka na naman. Malapit na tayo."
"Ha?"
"Malapit na tayo."Nakaidlip na naman pala ako. Inaantok talaga ako.
Nang makababa ng jeep, agad na kaming dumiretso sa kitchen at doon nagsimula kaming gumawa.
"Mali. Tantyahin mo yung tubig kasi hindi magiging pang-tinapay yan." Sermon nya.
Ako kase ang naatasan nyang maghalo nung pangtinapay daw at sya na halos gumagawa lahat. Ang dungis ko na din dahil sa harina at kung anu ano pa dahil lagi na lang tumatapon sa akin. Nakakainis lang dahil itong kasama ko eh enjoy na enjoy at napakalinis pang tignan.
Inilagay ko na sa hand mixer yung mixture kaso hindi ko alam kung anong gagawin. Napatingin sa akin si Steve kaya naman lumapit sya sa likuran ko.
Hinawakan nya ang kamay ko mula sa likuran at inilagay ang isa sa may switch buttons. Ang isa naman ay sa ibabaw nung mixer.
BINABASA MO ANG
When A Gangster Fell Inlove
Teen FictionHe is nothing compared to her. She is way stronger than him in many ways.. But is he? Is he really that weak and innocent? Is she really stronger than him? Will they accept each other despite of this truths? Will they accept when a gangster fell inl...