Twenty Nine:
- Ayesha's POV -
"Are you trying to kill me or what?" inis pero nagpipigil na sabi ni Steve sa likuran ko. Matapos kasi ng sinabi nyang 'yun ay nailiko ko ng wala sa sarili ang motor atsaka napapreno ng biglaan kaya naman muntik na syang mahulog.
"Wag ka kasing mag salita ng walang kwenta, Perez." sabi ko ulit atsaka pinaandar ang motor.Mukha akong matapang pero sa totoo lang, kinabahan ako sa sinabi nya. May parteng kinilig na kaunti pero mas lamang ang ilang, pagtataka at kung anuman. Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko kung papaniwalaan ko 'yung paliwanag nya tungkol sa pustahan nila ni Coleen.
Ayoko din kasi talaga na ginagawa lang katuwaan 'yung nararamdaman ko. Kahit sabihin nilang sa kanila ay walang ibig sabihin 'yun, sa akin meron.
Buong byahe ay natahimik kaming dalawa hanggang sa makadating kami sa mall. Nauna syang bumaba at inalalayan pa akong bumaba pero siniringan ko lang sya at saka nanguna maglakad sa kanya. Sumabay ako kay Ethan na noon eh tahimik sa likuran nila Louise.
"Ayesha.." sabi nya.
"Hmm.."Walang kamustahang naganap pero alam ko naman ang ibig sabihin ng mga ito. We're cool. And I'm okay with it.
Nakita ko mula sa gilid ng mata ko na sabay na naglalakad si Coleen at Steve, na nagtatawanan pa.
"Alam mo, kung magseselos ka eh pwede mo naman syang tawagin ngayon?" nang-aasar na bulong sa akin ni Ethan.
"Oh yeah? Sino nagsabing nagseselos ako?"
"Wala. Pero damang-dama ko sa sama ng tingin mo sa daanan."Sinamaan ko sya ng tingin. Letse! Lumayo ako sa kanya at nagbalak sanang tumabi kanila Louise at Vincent kaso masyadong nakakadiri ang lumalabas sa bibig nila kaya naman mag-isa akong naglakad sa gilid nila. Ayokong istorbohin ang panti-trip nung dalawa pa sa mga taong nananahimik sa ibang lugar. Tshh.
"Kain muna tayo?" sabi ni Coleen at pumayag naman sila.
Pumasok sila sa Jollibee at parang bata namang ngumiti 'yung dalawang babae.
"Ako na oorder." prisinta ni Perez. Nanguna naman akong maglakad kaya lang hinila ako ni Vincent sa braso.
"Ano?" inis na sabi ko.
"Attitude, Ayesha."
"Tsh."
"Tulungan mo doon si Steve."
"Bakit ako?"
"Kasi hindi ako. Go."Nauna na silang umupo ni Louise. Nakita ko namang pinagdikit nila Mike at Dennis 'yung dalawang lamesa habang si Ethan at Coleen naman eh may sariling mundo yata?
"Ano bang oorderin?" tanong ni Steve kaya naman inis akong tumingin sa kanya.
"Piprisin-prisinta ka dyan, hindi mo naman pala alam ang bibilhin?"
"Tss. malay ko ba!"
"Lumayas ka nga dyan!"Pinaalis ko sya sa pila kaya naman ako na lan ang pumila.
"Good morning Mam! Ano po 'yun?" sabi nung lalaki na nasa counter at sobra sobra ang ngiti.
"Don't smile. Nakakainis." bulong sa akin ni Steve kaya naman sinimangutan ko sya.
"Dalawang bucket ng chickenjoy, walong spaghetti na may large fries, walong sundae tapos walong kanin na may chicken fillet. Pakidagdagan na din pala ng walong coke." nakangiting sabi ko, sinadya kong hindi sundin si Perez.
"Okay Mam. P 2,050.00 po mam."
"Hoy, bayad daw!" sabi ko kay Steve.
"Bakit ako?"
"Tss.. ako pa?"
"H-hindi."
"Geh."Iniwan ko na sya doon na nagbabayad at nauna nang pumunta sa upuan.
"Bakit mo iniwan?" nanunukso ang tingin ni Louise sa akin.
"Tss."
"Kunwari pa 'to!"
"Manahimik ka."
"Asus!! Galit-galitan ang eksena ah?"
"Hindi ka tatahimik?"
"Hahahahahaha!" tawa nila kaya mas lalong kumunot ang noo ko.
BINABASA MO ANG
When A Gangster Fell Inlove
Novela JuvenilHe is nothing compared to her. She is way stronger than him in many ways.. But is he? Is he really that weak and innocent? Is she really stronger than him? Will they accept each other despite of this truths? Will they accept when a gangster fell inl...