Thirty Two :

12 0 0
                                    


Thirty Two :

- Ayesha's POV -


-- Hindi ako ganun kadaling makuha, Perez.

Pagkasend ko nyan ay napangisi na lang ako. Tss. Let's see kung hanggang saan sya tatagal.

-- Let me prove my worth. Good night Ayesha.

Napangisi ulit ako. Kakornihan. Tsk! Humiga ako sa kama ko at inalala ang lahat ng bagay.

Masyado nang madami ng nangyari para sa akin. Naniniwala naman ako sa kanya at hinahanap ko lang 'yung effort nya para patunayan 'yun. But I can't deny the fact that I like him.. No.. I love him. Really. At handa akong masaktan para doon.

Dumating ang Biyernes at maaga akong gumising. Hindi ko din dinala ang motor ko para makapaglakad-lakad. Mahangin kasi sa labas at hindi ganoon kainit. Sabagay, wala pa naman kasing alas-syete.

Nang malapit na ako sa school, may nakita akong humintong sasakyan sa tapat ng school, at bumaba doon ang kambal. Hindi ko pa nakakausap si Dad tungkol sa dalawang 'yan. Mamaya na lang pagkauwi. Sunod na nakita ng maganda kong mga mata si Steve, na nakangiti at mukhang ewan sa tapat ng gate. Nang makita sya nung kambal, nagbatian siguro sila at nakita kong ngumiti ng pagkatamis-tamis si Steve. Bigla na lang uminit ang ulo ko sa nakita kong 'yun kaya naman mabilis akong naglakad papunta sa tabi nya.

"Hi Ayesha, good morning!" agad na bungad ni Steve at hinalikan ako sa pisngi kaya naman naramdaman ko kaagad ang nag-uunahang daga sa dibdib ko. Ni ang balak ko kaninang pagsigaw sa kanya ay hindi na natuloy.
"Oh! Girlfriend mo?" tanong ni Hestia na nakakapit sa braso ng kapatid nya.
"No. But soon to be."

Napangiti si Hestia at animong kinikilig. Tsk! Akala mo naman sya 'yung tinutukoy.

"Good morning, Ayesha." sabi ni Heist. Ngumiti ako sa kanya atsaka tinignan ng masama si Steve.
"Ano?" inosenteng tanong nya.
"Tsk! Wala!"

Tinanguan ko muna 'yung dalawa bago ako pumasok ng school. Narinig ko pang nagpaalam din si Steve sa kanila, at nakipagbolahan pa yata kaya naman nasa may hagdan na nang mahabol nya ako.

Nandito na naman kami! >.<

Tumingin ako sa paligid at meron na namang mga estudyante dahil pasukan pa lag kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi na mauulit ang nangyari kahapon. Pero...

'Iba 'yung dahilan ng kaba ko ngayon. At dahil 'yun sa ginawa nya kanina.'

Tsk! Baka pinagtatawanan na ako ng dalawa dun!

"Yesha.." sabi nya at hinawakan ako sa braso para humarap sa kanya pero hindi ako tumingin. Pilit kong iginagala ang mata ko sa paligid.
"Yesh.." sabi nya ulit.
"Papasok na ako. M-may quiz sa math mamaya. Magre-review pa ako." sabi ko at akmang aalis na pero mas hinigpitan nya ang kapit sa akin. "A-ano ba?"
"Wag ka nang magselos." sabi nya na ikinalaki ng mata ko.

Selos?! What the fudge?! Saan nya naman napulot 'yun?

"Sinong nagseselos?"
"Ikaw. Nagseselos ka dun kay Hestia."
"Sino naman nagsabi?"
" 'Yung puso mo."
"Tss. kalokohan."

Nagulat sya sa sinabi ko kaya naman nakatyempo akon umalis mula sa pagkakahawak nya sa akin. Mabilis akong lumakad pataas pero nasalubong ko naman si Kurt.

"Oh! Hi Ayesha!" masayang bati nito.
"Good morning! Ang aga ah?" nakangiti ko ding sabi.
"Lagi akong maaga. Ikaw ang nakakapanibago! Hahahaha!"
"Tss. Anong section ka nga ulit?"
"C. Ikaw ay A diba?"
"Oo. Alam mo naman itatanong mo pa. Tara na nga." sabat bigla ni Steve na hinila ako paalis sa harapan ni Kurt. Napapangisi naman ako sa likuran nya kaya kinawayan ko na lang 'yung isa.
"Geh Kurt! Mamayang break na lang!"

When A Gangster Fell InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon