Fourteen : Friendly Date?

12 0 0
                                    

Ayesha's POV

Dahil sa hindi ako makatulog kagabi, eto ako naglalakad at medyo bangag pa. Maaga aga pa naman kaya mabagal ako maglakad.

Malapit na ako sa gate nang may bumatok sa akin.

"Bad morning Ayesha!" Sabi nya pa na parang naninira ng umaga.
"Feeling close ka? Tsk."
"Close naman tayo diba?"
"Sino nagsabi? Bakit hindi ako inform?"

  He just rolled his eyes. Tss.. bakla talaga.

"May gagawin ka after practice?"
"Matutulog."

Huminto sya bigla ng lakad at tinignan ako sa mukha. Nailang naman ako bigla kaya itinulak ko sya. Buti kaunti pa lang estudyante dito.

  Maglalakad na sana ulit ako nang tumawa sya bigla ng malakas.

"Tol dapat nag aalmusal ka bago pumasok. Nasisiraan ka ng bait eh." Sabi ko at naglakad na.
"Mukha kang zombie! Hahahaha!"
"Eh ikaw? Mukhang halimaw."
"Sus! Aminin mo nga Yesha, dahil ba sa akin yan?"
"Kilabutan ka naman sa sinasabi mo oy!"

Dahil kaya kay Coleen kaya hindi ako makatulog. Assuming sya -___-

"Sus! Kunwari ka pa!"
"Manahimik ka nga."

  Umupo agad sa upuan ko nang makapasok kami ng room at tumungo.

"Tss.. inlove ka na ba sa akin?" sabi nya sa tonong nang aasar at nakangisi pa.
"Wag ka magsabi ng mga nakakakilabot na bagay dyan Perez."
"Amin---"

  Tinaas ko yung ulo ko, may kinuhang sandwich sa bag at inabot sa kanya.

"Ano to?"  Ang napaka tangang tanong nya.
"Zonrox. Inumin mo."
"Tss.. anong gagawin ko dito?"
"Ipanglaba mo. Ang dumi ng mukha mo eh."

Tumungo na ulit ako.

"Kainin mo na nang hindi ka sinasapian ng mga masamang espirito dyan." Sabi ko sa kanya habang nakatungo ako.
"Uy ano yan?" Dinig kong sabi ni Louise.
"Zonrox toh. Pang paligo mo." Sagot sa kanya ni Steve.
"Whatever. Hoy Ayesha! Hindi daw papasok sila Vince! Pero sabi nya mamayang 6:00 daw sa .. fern street ba? Weird name."

  Tinignan ko sya.

"Ano daw meron?"
"Uhh.. sabi nya ilalim daw ng lupa? Ewan ko sa inyo. Ang weirdo nyo!"

  Ilalim ng lupa? Anong kaengengan nun ni Vincent? Ilal---

Ahh.. underground battle.

Napatingin ako kay Steve nang madama ko yung tingin nya.

"What?"
"May laban?"
"Hindi. Inuman. Sali ka?"

  Pakialamero po sya sa mga laban namin. Minsan nga gusto pa sumama eh. Abnormal >____<

Nang mag start ang third class namin talagang umiikot na yung paningin ko.

"Ayos ka lang?"

  Tanong nya kasi bigla kong binitiwan ballpen ko. Naga-activity kasi kami.

"Ahh oo. Antok lang to."

  Bigla syang tumayo.

"Mam, can we go out? Nahihilo po si Ayesha."
"Sure. Go on."

Ang alam ko lang hinila na nya ako pero siguro dahil feeling ko, hindi na ako makalakad ng matino, binuhat nya ako.



Nagising ako ng mga 11:00 na dito sa Office slash Room ko na katabi ng library. Buti naman dito. Pero sino nagdala sa akin? Si Steve ba? Alam nya?
  Pero baka naman sinabi lang nung nurse.

When A Gangster Fell InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon