18. Kismet

517 55 9
                                    

CHAPTER 18

Masaya at proud si Meynard sa tagumpay ng kaibigan. Pero, gaya nang una n'yang naramdaman matapos makita nito ang cyber-clone ni Ulysses, sa pagkakataong ito, lalo pang bumigat ang kanyang pangamba sa ano pang  p'wede posibleng gawin nina Ulysses at Art.

Muli tuloy nitong naalala ang naiwan at nakabiting tanong na kung p'wede bang ma-clone ang kaluluwa ng isang tao. Kung hindi ito dumaan sa natural conception, papayagan kaya ng Holy Spirit na bigyan ito ng espirito? Tanong n'ya sa sarili na sinundan pa ng maraming tanong. How about artificial insemination o ang sinasabing test tube baby? Maaaring p'wede, sagot nito sa sariling tanong.

Ang isa pa sa hindi n'ya kayang hugutan ng sagot ay kung sakali talagang makalikha ang science ng clone ng isang tao, magiging kasing edad kaya nito ang papasok na soul? Halimbawa, kung ang na-clone na tao ay may edad na tatlumpo, kasing edad ba, mas bata o mas matanda ba ang magigi nitong kaluluwa? Hindi naman siguro aabutin ng tatlumpung taon ang magiging proseso nito para makalikha ng clone. Hindi kagaya ng artificial insemination na maaaring inosente or pure soul ang magigi nitong kaluluwa dahil dadaan ito sa natural stage of conception to birth na aabot pa rin ng siyam na buwan kahit pa may intervention dito ng science.

Kung sakaling hindi galing sa Holy Spirit ang soul o hindi ito new soul, dito kaya p'wedeng pumasok ang reincarnation o kung hindi man ang sinasabing sanib ng masamang espirito? Ano kaya ang magiging stand ng Roman Catholic o ng ibang relihiyon sa isyung ito?

Gaya ni Dolly the sheep, ang unang hayop na na-clone ng science at ang butterfly na unang nagawan ng cyber-clone ni Ulysses kung saan kapwa sila walang kaluluwa, ang kanyang tanong : kaya kayang ma-codify ni Ulysses ang kanyang soul para gumalaw ito ng nararapat o tanging ang consciousness lang nito kinakailangan?

"Wow, sumakit ulo ko dun ha. But for me, one thing is sure. A soul can't be cloned." Ang kanyang ultimong argumento. Tumunog ang cellphone ni Meynard.

Makalipas lang ang limang minuto matapos n'yang tawagan si Ulysses, tumawag naman si Ulysses at nagpaliwanag na hindi pala s'ya available ngayon dahil may party s'yang kailangang puntahan. Pero pumayag naman ito sa makalawa. Hindi na rin sinabi ni Meynard na may lakad din s'ya ngayong araw.

****

Pahinto pa lang ang bus, natanaw na ni Queeny si Ulysses na matiyagang naghihintay sa kanya habang umiinom ng softdrinks, nakasandal sa kanang pinto ng kanyang itim na Honda Civic na naka-park sa kabilang kalye. Pasigaw na tinawag nito si Ulysses matapos makababa ng bus. Agad namang s'yang nakita ni Ulysses at sinalubong para alalayan sa dala nitong traveling bag. Naaninag ni Yasmine ang excitement sa mga mata ng binata.

"Hey, lover boy."

"My Queen. Your Highness." Sabay luhod para magbigay ng paggalang.

"Get up and serve me." Kinuha nito ang bag.

"Lavish lunch is waiting as you wish my Queen."

"That's good."

Fine dining at linubos-lubos na ni Queen maging sa dessert, malayo sa Mcdo treats na kanyang ipinangako bilang reward. Dahil late afternoon ang party, may oras pa si Queeny para magshopping para sa ireregalo nito kay Yasmine. At pagkatapos, nagrequest si Queeny ng coffee sa Starbucks bago tumulak papuntang party.

Sa loob ng kotse bago pa man ipihit nito ang susi, tumingin ito sa kasama, "Hoy Queeny siguraduhin mo lang na di ka magmimintis dito ha. Malaki na ang nainvest ko sayo."

"Hundred point one percent."

Si Queeny ang guide habang si Ulysses ang nasa manibela. Bago pa man sila makarating sa kanilang destinasyon, pamilyar na kay Ulysses ang dinadaanan nilang kalye. At nang matapat sila sa gate, saka lang n'ya naalala ang lahat. Nagpark sa unahan ng gate at naunang bumaba si Yasmine.

Alt Key: The Devil's Code (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon