CHAPTER 51
"Sis, umiiyak ka ba?" tanong ni Queeny sa kabilang linya.
Ngunit tanong ang isinagot ni Yasmine sa tanong na iniwasang sagutin. "Makakapunta ka ba ngayon sa apartment ni Meynard?"
"As in ngayon na? Magtu-two palang naman, ah. Sabi ko kasi kay Meynard, mga four na ako makakapunta sa kanila."
"Opo, ngayon na. Papunta na ako dun ngayon," matamlay na sabi ni Yasmine.
"T-tingnan ko. Anyway, tapos ko naman pinapagawa sakin ni boss. Sige, subukan kong magpaalam."
"Thanks sis, see you."
"Okay ka lang--" hindi na naipagpatuloy ni Queeny ang sasabihin nang putulin na ni Yasmine ang linya. Hawak pa ang cellphone, tumingin s'ya sa labas ng bintana ng taxi, malayo ang iniisip.
*****
"..sis, hello.. sis. Shit! Ano bang problema nun."
Tinawagan n'ya si Meynard at agad naman itong sumagot.
"Yes my Queen," sagot ni Meynard sa kabilang linya.
"Hey Nard. Try kong makapunta d'yan sa inyo ngayon." ani Queeny.
Habang kinakausap si Meynard, inaayos na n'ya ang ilang dokumentong nakakalat sa kanyang mesa. Natuon ang kanyang tingin sa pinto ng kanyang opisina nang may sumilip na ka-officemate n'ya. Sumenyas s'ya dito ng sandali lang.
"Ngayon na? Kala ko ba four ka pa makakapunta rito."
"Ewan ko kay sis, parang may problema kasi, eh. Parang matamlay s'ya na parang umiiyak nang tumawag s'ya sakin kani-kanina lang. On the way na raw s'ya papunta dyan sa inyo."
Isinilid ni Queeny ang dalawang folders sa drawers at ini-lock.
"Ganun ba? Mamaya, malalaman din natin yan." sabi ni Meynard.
"Okay. Ano bang gusto mong dalhin kong pagkain?"
*****
Lumabas ng kuwarto si Meynard habang kausap si Queeny, bitbit ang kanyang laptop at isang maliit na notebook. "Wag na Queen. Pero kung makakadaan ka sa Shakeys, kahit anong pizza shoot na yan." At ipinatong nito ang laptop sa center table ng sala katabi ang notebook.
"Shoot. Magpapaalam lang ako kay boss and... mga.. 30 minutes plus--"
Binuksan ang laptop. "Wag ka na kayang bumili Queen at baka matagalan ka lang n'yan."
"Ayos lang. Ipapa-deliver ko na lang naman."
"Ah okay, kaw bahala. Thanks."
"No probs. See you later. Bye."
"Bye, see yah."
Matamlay, umiiyak at papunta na rito? Oh God, wag naman sana, sabi ni Meynard sa sarili.
Halos mabangag s'ya sa tindi ng tama ng eksena kanina sa Lab na magpahanggang sa ngayon ay patuloy pa ring tumitimbre sa kanyang memorya. Ang hindi n'ya makalimutan ay ang biglang pag-kalma ng Tita Sonia n'ya na tila nawala ito sa katinuan o kaya lumutang ang isip sa kawalan.
![](https://img.wattpad.com/cover/63279792-288-k315868.jpg)
BINABASA MO ANG
Alt Key: The Devil's Code (Completed)
Tajemnica / ThrillerScifi/Paranormal A dark mystery yet to be unfolded. An incident that abruptly altered the life of a simple girl. The catalyst of the Devil to accomplish centuries old plan, exploiting ancient and modern inventions. But the...