7. The Mark

1.2K 75 31
                                    

CHAPTER 7

June 4, 2006

Dalawang araw na lang ang hinihintay ng iilang taong walang magawa, ang kinakatakutang araw dahil sa dala nitong stigma. Doomsday. Ang paglabas ng anak ng dilim o ang anti-Christ at kung anu-ano pang senaryo.

Sa bahay ni Queeny dumiretso nang punta si Yasmine pagkatapos n'yang makuha ang pinaimprentang t-shirt.

"Tingnan mo nga 'to Queen. Susuotin ko yan sa Tuesday para ipaalala sa mga natatakot sa araw na yan na ang 666 ay walang relasyon sa June 6, 2006."

"Oo nga pala 06/06/06 sa Tuesday. Tingnan ko nga."

Front Shirt

Who's afraid of 666?

666                 Number of the beast
668                Neighbor of the beast
660               Approximate number of the beast
DCLXVI        Roman numeral of the beast
00666           Zip code of the beast
P665.95        Retail price of the beast
P333.00        Midnight sale price of the beast
665                Older brother of the beast
667                Younger brother of the beast
666 UP          Soft drink of the beast
-666 C          Freezing point of the beast
666 F           Oven temperature for cooking roast "beast"

        --more from the back--

Back shirt

1-800-666-6666  Toll-free number of the beast  
6"X 6"X 6"          Lumber of the beast
66.6 GHZ           Computer processor of the beast
666-66-6666     Social security number of the beast
6/6/66               Birth date of the beast
IAM 666            License plate number of the beast
969                     Dyslexic number of the beast
66.6 MHz         FM radio station of the beast
666 KHz          AM radio station of the beast
666%               What the beast gives in his game
669            Threesome of the beast

Hexakosioihexekontahexaphobiacs    fear of the number 666

Natawa si Queen sa ilang nakasulat.

"Maganda sis. Sakin na ba 'to?"

"Sorry isa lang yan. Pero pwede kitang pagawan pero di ko alam kung makakahabol sa Tuesday."

"Pupunta-punta ka dito tapos ipapakita mo pa yan tapos ako wala. Ay gawan mo yan ng paraan."

"Oo na. Babalik ako dun mamaya."

"Good. Saan mo naman 'to nakuha?

"Sa internet, religioustolerance.com sa isang column ni Todd Strandberg. Kahit pa nga na-mention ang numero ng beast sa Book of Revelation... Chapter 13:16-18, di pa rin natin alam kung yan ba talaga ang simbolong kinatatakutan ng marami. Pwede kasing ang tatlong 6 ay root numbers lang para sa isang simbolo. Pero para sa mga fanatics lahat na lang iniuugnay ang 666 sa doomsday."

"Correct ka dyan sis. Pwedeng di literal ang kahulugan ng 666. Pwedeng sum of digits or it could be a code. Kaya maganda 'tong tshirt mo napapanahon lalo na yung last part... hahaha"

"Pilya ka talaga. Anong ibig mong sabihin ng sum of digit?"

"Kung related ang date sa 666, pwede syang June 24, 2004 or June 15, 2004 kaso tapos na. Which is 2+4 equals 6 yung date and year or 1+5 equals 6 din. Pero wala namang nangyaring apocaliptic events diba?"

Alt Key: The Devil's Code (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon