9. Ηεξον

937 67 5
                                    

CHAPTER 9

February 10, 2007 (Sabado)

Kahit ang ilan sa mga members ay magiging busy dahil sa nalalapit nilang graduation, di nila maaring palampasin ang araw na ito. Ang araw kung saan pagbibigkisin sila ng tadhana.

Sa isang mataas na lugar nila ito gaganapin kung saan malayo sa mapang-akit na ilaw ng lungsod. Isang camping site ang binuo ni Yasmine sa ibabaw ng isang bundok. Di naman ito kataasan at kalayuan ngunit abot tanaw ang liwanag ng buong kabihasnan. Malapit sa isang bangin ipinuwesto ang camp site. Nagpa-set up din siya ng isang malaking tent sa tulong ng dalawang taong kakilala n'ya na kanyang renentahan, paghahanda kung sakali mang umulan. Lininis din nila ang lugar. Kaya't isang araw bago ang seremonyas, nakahanda ang lugar.

Ngunit kahit siya ang nagplano ng lahat, mismong si Yasmine ay hindi alam ang lugar. Sa tulong ng isang kaibigang mountaineer, pinahanap ni Yasmine ang nasabing lugar na naaayon sa kanyang gusto. Nagpagawa din siya ng anim na sketch  map  para maging kanilang guide at isinilid sa isang brown envelope at sinilyohan.

Isang araw bago ang araw na itinakda, ibinigay ni Yasmine ang sketch sa bawat isa at nagbigay ng ilang reminders at mga dadalhin. Alas Otso ng gabi magsisimula ang seremonyas kaya't hanggat maaari habang maliwanag pa dapat nandoon na ang lahat.

****

Maaga pa lang sinimulan na ni Yasmine ang paghahanap. Kinakailangan kasing maaga siyang makarating dahil may mga aasuyin pa s'ya. Alas quatro pa lang, tumulak na s'ya sa nasabing lugar.

Medyo nahirapan siyang hanapin ang lugar lalo pa't bit-bit nya ang ilan sa mga kakailanganing gamit. Ngunit dahil mas maaga siyang nag-umpisa, siya pa rin ang nauna. Sinundan siya ni Reyner at si Meynard naman ang sumunod. Si Queeny sana ang pangalawa, kaso naligaw siya at mabuti na lang may tumulong sa kanyang mag-ama.

Sumunod si Teeny pero muntik na itong matuklaw ng ahas. Buti na lang alam n'ya kung pano paamuhin ito gamit ang isang technique na natutunan n'ya sa kanyang Tito na expert sa snake handling. Lahat sila nakarating sa lugar bago pa man mag ala sais maliban kay Connery na alas siete na nakarating dahil may tinapos pa sa opisina. Dahil isang mountaineer din, hindi siya nahirapang hanapin ang lugar kahit madilim na.

Isang saglit pa, handa na ang lahat. Sa isang customized mat na hugis hexagon na hinati sa anim, umupo sila nang naka-cross leg sa bawat triangle. Bawat isa ay may tig-iisang kandila, maliit na black box, ilang pirasong papel, sterilized blade, alcohol, cotton buds at band aids. Sa gitna ay may isang malaking silver cup na hugis hexagon.

Bago nag-umpisa, sinindihan muna nila ang anim na kandila na nakalagay sa transparent na basong kulay pula at pinatay ang mga nakasinding camping lights. At inumpisahan nila ito ng panalangin. Isa-isang nagbigkas ng kani-kanilang panalangin ayon sa kanilang paniniwala. Matapos ang oral prayer, pumikit naman sila para sa tatlong minutong katahimikan. Pagkatapos, binasa nila ng sabay-sabay ang Pledge of Allegiance, kasama dito ang vision at ilang principles ng grupo.

Sa pangalawang bahagi ng PA, nakalagay ang kani-kanilang pangalan  sa dalawang piraso ng papel na lalagdaan nila ng dugo gamit ang kanilang fingerprints. Pinunasan muna nila ng alcohol ang kanilang kaliwang hinlalaki at humiwa ng kaunting sugat sa may bahaging ibaba ng fingerprint. Gamit ang kanang hinlalaki, ipinantay ang bumuhos na kunting dugo para ang buong dalawang hinlalaki ay malagyan din ng dugo. Ang kaliwang fingerprint ay para sa kopya nila kung saan nakalathala ang Pledge Of Allegiance. Ang kanan naman ay sa master copy ng grupo kung saan nakasulat ang lahat ng pangalan ng m'yembro sa palibot ng isang hexagon at sa loob ng bawat triangle ilalagay nila ang kanilang 'pirma'.

Matapos makapirma ang lahat, kumuha ng red wine si Yasmine na nakalagay sa isang crystal bottle. Naglagay ng kahati sa cup, uminom ng kaunti at ipinasa sa katabi at katulad din ang ginawa nang katabi nito hanggang sa panghuling m'yembro. Ibinalik ni Yasmine ang cup sa gitna matapos makainom ang lahat.
Sabay-sabay naman nilang kinuha ang maliit na black box sa harapan nila sa tapat ng kandila, binuksan at kinuha ang 3 inches na triangle sa loob. Gawa ito sa silver na may nakaemboss na isang hexagon at may nakasulat na salitang Ηεξον (Hexon) sa Greek sa ibaba nito. Isinawsaw ang triangle sa cup na may natirang red wine, itinaas habang hawak ito ng dalawang kamay at binigkas nang sabaysabay ang... "Ito ang simbolo ng aking pagkakakilanlan bilang kasapi ng Hexon Group, pangangalagaan ko ito at ipaglalaban."

Alt Key: The Devil's Code (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon