CHAPTER 23October 14, 2011
Sa anim na beses na sila'y nag-usap ng personal, napapansin ni Yasmine na medyo napapadalas na ang kanilang pag-uusap patungkol sa mga kaalamang itim. Ang huli ay noong isang linggo na halos iba na ang ayos at pangangatawan ni Ulysses na tila ba pinagtaksilan na ng tubig, sabon at gunting. Maging si Art ay nangangamba na rin sa ikinikilos at pinaggagagawa ni Ulysses taliwas sa dapat sanang scientific at hindi mahaluan ng mga superstitions ang kanilang Project. Nais sana ni Art na kahit may bago itong pinagkakaabalahan, hindi mawala ang focus nito sa Project. Dahil dito, namuo ang tensyon sa pagitan ng dalawa na maaaring ikasira ng kanilang partnership. Ngunit kahit pinagsabihan na ni Art si Ulysses na iaatras ang suporta kung hindi ito maghinay-hinay, lalo lang itong nagmatigas at ipinagpatuloy ang lalong lumalalim na pananaliksik sa isang kaalamang hindi malaman kung saan ang kahahantungan.
Dahil nag-aalala si Yasmine sa kasalukuyang kalagayan ni Ulysses, minabuti nitong kausapin si Meynard. Makalipas ang tatlumpung minuto matapos tawagan ni Yasmine si Meynard para makipagkita sa kanilang canteen, dumating itong pinagpapawisan.
"Hi Yas." Kinuha ang panyo sa bulsa at madaliang pinunasan ang mukha.
Napalingon si Yasmine, "Hello. O, ba't ganyan ang ayos mo? Para kang niluwa ng sawa."
"Niluwa kaagad. Di ba pwedeng linawayan muna. Nag-commute kasi ako tapos naglakad na lang ako papunta dito. Shit, ang init." Punas ulit sa bukal ng pawis.
"Bakit, sira kotse mo?"
"Hindi. Iniwan ko sa opisina. I need new perspective. Hindi ko kasi ma-crack error sa ginagawa kong program. Tara dun na lang tayo sa park, let's walk. Wag na dito at lagi na lang tayong naka-enclose."
"Three points ka my friend. Tara." Isinilid ang ballpen sa holder ng kanyang planner, binitbit ito kasabay ng kanyang bag at nagsimulang maglakad palabas ng canteen. Nakasalubong nila ang isang lalakeng estudyante ni Yasmine. Nagmamakaawa..
"Mam, please, baka po pwedeng mag-special exam na lang ako? Sayang naman po kasi kung uulitin ko yung subject. Hindi talaga kasi ako pinayagan ni boss na mag-absent dahil may special event kasi kaming inihanda at kulang kami sa tao. Sige na po, Mam." Pagmamakaawang sabi ng estudyante.
"Okay Karl. Bukas sa room 306, 8 o'clock, apat kayong mag-reremedial para sa final exam n'yo."
"Talaga po? Thank you so so much Mam. Hindi ko po kayo makakalimutan" pabolang sabi ni Karl.
"Don't be late"
"Yes, Mam. Maraming salamat po ulit."
"Okay." At lumakad ito ng mabilis papalayo sa kanila.
"Wow, ang bait-bait naman ni Prof." sabat ni Meynard at inumpisahan na rin nilang maglakad palabas ng paaralan.
"Si Karl kasi ang tipong estudyanteng hindi mo p'wedeng pabayaan. Working student, part-time waiter. Nagpupursiging makatapos ng pag-aaral."
"Agree."
Malapit lang ang parke at sa 300 meters na layo nito, tanaw na nila ito matapos tumawid sa kabilang kalye at saka lang muling pinag-patuloy ang pag-uusap.
"Mahirap bang magturo?" tanong ni Meynard.
"Sa umpisa, oo mahirap. Pero kapag nakasanayan mo na, fulfilling sa pakiramdam lalo na kapag nakita mo na silang umakyat sa entablado para kunin ang kanilang diploma."

BINABASA MO ANG
Alt Key: The Devil's Code (Completed)
Mystery / ThrillerScifi/Paranormal A dark mystery yet to be unfolded. An incident that abruptly altered the life of a simple girl. The catalyst of the Devil to accomplish centuries old plan, exploiting ancient and modern inventions. But the...