69. Mike

351 33 31
                                    

CHAPTER 69

11:41 pm

"Shit, di ba sinabi ko sayo na wag kang susunod? Delikado at meron pang isang bantay dun sa loob ng bahay" habol na hiningang sabi ni Marlyn habang sumusilip sa may puno.

"P'wede mo namang ipahiram sa'kin yang isang baril." pakiusap ni Miko.

Napakunot-noo si Marlyn at hinaharap si Miko.

"Marunong ka bang gumamit nito?" itinapat ni Yasmine ang baril sa mukha ni Miko.

"M-marunong naman."

Natigilan si Marlyn nang makilala nito si Miko, "T-teka, kilala kita ah. Diba ikaw yung boyfriend ni Yasmine na nasaksak sa--"

"Ako nga."

"Oh shit. Okay ka na? Bakit ka napasugod dito?"

"Ayos lang ako. Basta mahabang kuwento. Kailangan na nating magmadali. Nanganganib ang buhay ni Yasmine."

"Alam ko. And speaking of Yasmine, actually nandun s'ya sa may bintana.. sa taas."

Sumilip si Miko at nagkatinginan silang dalawa. Kumaway si Miko at kumaway din si Yasmine. Ngunit pinutol ito ng sunod-sunod na putok galing sa pinto ng bahay. Agad ikinubli ni Miko ang sarili sa puno at bahagyang nayanig ang puno nang tamaan ito ng ilang bala.

Ibinigay naman ni Marlyn ang kalibre 45 na baril kay Miko at gumanti ng ilang putok  hanggang sa maubos ang bala at nag-reload.

"I-cover mo ako. Iikot ako sa likod ng bahay. Doon ako sa may kusina dadaan." suhestiyon ni Miko.

"Sure ka?"

"Yeah."

"Okay sige, mag-iingat ka."

Muling sumilip si Marlyn,  "Bistado ka na Carlo!" sigaw ni Marlyn.

"Ooh Maar..lyn! Ikaw ba yan?" sagot ni Carlo.

"Wag kang magtago akong harapin mo!!"

"Oh sure, gladly. Pero wag harapan, talikuran na lang coz I miss your lovely ass my dear!!"

"Okay, pagbilang ko ng tatlo, tumakbo ka na." sabi ni Marlyn kay Miko.

Tumango si Miko. "Okay."

"1..2..3 go. Go to hell asshole!!" halos sabay silang lumabas ng puno at bahagyang tumakbo si Marlyn ng pakanan habang nagpapaputok. Samantalang sa kaliwa naman ang takbo ni Miko.

Sa pagkakataong iyon, nakipagsabayan na rin si Carlo, lumabas at gumanti rin ng putok. Tinamaan si Carlo sa kaliwang balikat pero napuruhan sa tiyan si Marlyn kaya't nawalan s'ya ng balanse at nabitawan n'ya ang baril. Patagilid na bumagsak si Marlyn sa lupa.

Hindi naman ininda ni Carlo ang tama nito sa balikat at lumapit kay Marlyn habang pinapalitan ng bagong magazine ang baril.

"Sinabi ko na sa'yo na wag kang makikialam. Ang tigas talaga ng ulo mo, Lyn. Ngayon, tingnan natin kung hanggang saan katigas pa yang ulo mo kapag tinamaan ka na nitong bala."

Huminto sa layong isang metro si Carlo at itinutok ang baril sa ulo ni Marlyn na kita sa mukha ang nararamdamang hapdi.

"Adios.." at ilang putok ang umalingawngaw.. hindi galing sa baril ni Carlo kundi galing kay Miko.

Sigurado si Marlyn sa nakita n'ya na tinamaan sa katawan si Carlo, di lang n'ya alam kung saan. At dahil nasa kay Miko na ang threat, basic instinct na ilipat ni Carlo kay Miko ang depensa at opensa. Pero hindi na nito nagawa dahil simbilis ng kidlat na inabot ni Marlyn ang nabitawang baril, itinutok at inubos ang natitirang bala. Padapang walang buhay na bumagsak si Carlo.

Alt Key: The Devil's Code (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon