70. Microchimera

393 32 11
                                    

CHAPTER 70

June 17, 2013

Dalawang araw ding walang malay sa ospital si Yasmine. Malaki ang naitulong ng staff ng Kaloy's Angels sa pag-asikaso sa kanya lalo na sa kanyang pamilya. Tumulong din sila sa pagsasaayos ng burol ni Lola Beatriz. Samantalang diretso namang crematorium si Miko gaya ng kaibigan nitong si Gab.

Sa pagmulat ng mga mata ni Yasmine, hindi kaagad n'ya mai-focus ang kanyang paningin. Hindi rin n'ya alam kung nasaan s'ya at kung bakit s'ya nakahiga. Wala ding lakas ang kanyang mga kalamnan para gumalaw kahit man lang ang kanyang kamay.

Ang isa sa rumehistrong sagot sa tanong na kung nasaan s'ya, ay nang makarinig s'ya ng boses na sinasabing tumawag ng doctor dahil nagising na s'ya. Hanggang sa unti-unting napawi ang tila usok na bumalot sa kanyang utak at sapat na ang dextrose na nakakabit sa kanyang kanang kamay, ang beeping sounds at amoy ng disinfectant para sabihin n'yang nasa ospital s'ya.

Ano ang ginagawa ko rito at ano ang nangyari sa'kin? pangalawa n'yang tanong na maaaring masagot ng dalawang bisitang pumasok. Isang matandang lalake at isang babaeng kasing edad n'ya. Naantala ng tatlong segundo bago n'ya nakilala ang kanyang Lolo at ang waitress ng Kaloy's Angels na nakasuot pa ng headband na may maliit na pakpak.

"H-hi.. L-lo." nahirapan s'yang magsalita dahil nanunuyo ang kanyang bibig at lalamunan.

"Yasmine, apo! Salamat sa Diyos at nagising ka na." umupo ang matanda sa tabi ni Yasmine at malumanay na hinaplos ang kanyang kaliwang kamay.

"Hi Yas. Welcome back." sabay kaway na sabi ni Kristy.

"H-hello Kris. B-bakit, ilang araw na ba akong.. walang malay?"

"Two days apo--"

"N-nasaan po pala si.. si Lola?"

Nagtinginan ang dalawang kapwa humihingi ng pahintulot kung sasabihin ba nila ito o hindi.

"Yas, wag ka sanang mabibigla pero.. w-wala na.. wala na ang Lola mo. Nakuryente s'ya sa bahay ng Tita Nora mo--"

Naputol ang pagkuwento ng kanyang Lolo nang bumukas ang pinto at napalingon ito sa pumasok na doktor.

"Thanks God, Yasmine you're awake. Musta ang pakiramdam mo?" pagbating tanong ng doktor. Nagulat si Yasmine dahil ang inakala n'ya, si Adele ang pumasok. Kamukhang-kamukha n'ya kasi ito maging ang pangangatawan. Starstruck kaagad s'ya. Dr. Nebres ang nasa nameplate nito.

"G-groggy pa rin po, doc." sagot ni Yasmine pero hindi nito pinalagpas ang ibinalita ng kanyang Lolo. "Lo, ano po yung sinasabi n'yo kanina, nakuryente si Lola?" nag-alala n'yang tanong.

Napalingon ang doktor sa matanda, "S-sinabi n'yo na po pala, Lo?" nag-aalala tanong ng doktor. Kalimitan kasi, hindi muna sinasabi sa pasyente ang mga ganoong pangyayari hanggang hindi pa nakaka-recover ng maayos ang pasyente.

Tumango ang matanda,"Y-yes, doc. Anyway, malakas naman ang loob n'yang doc, diba Yas?" Tinitigan lang s'ya ni Yasmine. "Ah.. t-tama ang narinig mo apo, wala na ang Lola mo." malungkot na sabi nito.

Napatingin na lang si Yasmine sa baba, sinisikap na may maalala, ang kaso, wala talaga s'yang mahugot sa kanyang memorya. "B-bakit po pala wala akong naaalala, doc? I mean, yung bago ako mapunta rito."

"Aah, okay. Ayos lang yan. Temporary amnesia lang naman yan. Marami kasing dugong nawala sayo at maaaring ding dahil sa traumatic experience. Don't you worry, babalik din kaagad yan. Sa tingin ko nga mamaya okay na yan." nahinto ng saglit ang doktor. "C-condolence pala sa nangyari sa Lola n'yo."

Tumango si Yasmine, "Salamat." Marami pa sana s'yang gustong itanong pero ipinagpaliban muna n'ya hanggang hindi pa bumabalik ng maayos ang kanyang memorya.

Alt Key: The Devil's Code (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon