Part 1- 1. Y-O-U

3.3K 127 29
                                    

CHAPTER 1

1999

Balewala ang mga parangal kung hindi maikukumpara ang kanyang mga obra sa mga kinikilalang photographers sa bansa. Ang tangi n'yang hiling ay makasali sa isang photo exhibit ng mga elite. Pagkakataong dumating na hindi n'ya p'wedeng palagpasin. Kaya't limang araw bago ang opening ng photo exhibit, last day ng registration, sinubukan ni Ulysses Meneses na magparehistro. Dahil may age bracket na 15 and above, hindi siya nakapasok sa edad na trese. Pero nagpumilit pa rin siya at nakipag-argumento.

"Bakit po ba kasi hindi p'wede eh next month graduate na ako ng elementary. At tsaka mas magaling pa nga ako kaysa sa ilang kalahok dyan, eh", pagpupumilit na sabi ni Ulysses.

"Hijo" pangiting sagot ng babaeng in-charge sa registration, "alam kong magaling ka dahil ako mismo ang isa sa nag-judge ng photo entry mo sa isang photo contest... two years ago ata yun at ikaw ang nakakuha ng first prize.  Pero ang professional sumusunod sa reglamento at ikaw para sa'kin professional ka na."

Sa narinig ni Ulysses, biglang siyang napatikas nang tindig at napangiti na lang. "Sige na nga, manonood na nga lang ako. Sa susunod gawin n'yo ng onse ha, di na kasi ako supot n'yan." Sa mga nakarinig sa kanya, tawa at ngiti na lang ang kanilang naging reaksyon. Kasama na dun si Arturo Mendivel na nasa likuran n'ya at masayang nakikinig. Isa sa mga hinahangaan n'yang photographers.

"Bilib ako sa determinasyon mo bata". Biglang napalingon si Ulysses sa likuran n'ya at napanganga. Ang iniidolo n'ya, nasa harapan n'ya at nakikipag-usap sa kanya. "Halos mag-kasing edad lang tayo ng una din akong sumali sa ganitong exhibit kaso ako pasok sa kinse.

"Ganito na lang, dahil sa ipinakita mong gilas, bibigyan na lang kita ng isa sa mga obra ko na may dedication pa sa likod. Ano sa tingin mo?" Naputol ata dila ni Ulysses at di siya makasagot. Napatango na lang siya.

At Mula sa dalang bag, dinukot ang isang 12x12 na larawan ng isang batang lalakeng nakasuot ng puting damit na may nakaimprentang 'mɛ', edad tatlo, labas ang lawit at nakapormang boksingero. At isinulat ang katagang, 'Me and My Minyot' linagyan ng petsa 3/15/1999 tsaka pinirmahan.

"O hayan bagay yan sayo, maliit pa lang pero may angas na."

"Di ah, siya supot pa ako di na hahaha! Maraming salamat po Mr. Art, pinagaan n'yo po loob ko ngayon."

"Walang ano man..."

"Ulysses po. Ulysses Meneses"

"Ulysses, heto calling card ko, kung gusto mo ng ilang tips at advice, tawag ka or visit ka na lang sa studio ko. Ok ba yun?"

"Great! Thanks a lot sir... gonna go."

Sa edad na katorse, maikukumpara na ang galing ni Ulysses sa larangan ng photography sa ilang propesyonal. Sampung taong gulang pa lang siya nang makitaan na nang kanyang mga magulang ang pagkahilig at galing nito sa photography. Dahil may kaya ang pamilya, di mahirap ibigay ang wish ng batang si Ulysses sa kanyang panglabin-tatlong kaarawan - isang high resolution camera. Dito na lalong nahubog ang talento nito at minsan nang naparangalan para sa junior category ng isang photo contest. Ang kanyang obra, dalawang may kapansanan, isang bulag at pilay na masayang magkaakbay at nagtatawanan habang nababasa ng ulan.

****
March 20, 1999

Ayaw na sanang sumama ni Yasmine Serrano, ngunit dahil sa kakulitan ng bestfriend n'yang si Queeny Romano, walang sino mang makakahindi sa kanya. Si Queeny, na mula pa sa pagkabata ay kaibigan n'ya na nang mahigit sampung taon. Photography din ang kanyang hilig. Kaya't kasama ng isa pang nilang kaibigang babae, masaya si Queeny na manonood ng photo exhibit kahit alam n'yang mabobore lang dito si Yasmine .

Alt Key: The Devil's Code (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon