Hindi man ako kasing sikat ng mga iniidolo n'yong authors, alam kong kahit isa o dalawa ay may humahanga rin sa'kin. Hahaha.. sana nga. Malay natin sa simpleng paghanga ng iilan, baka mas maraming makahikayat na supporters. Manalig.. hehe.
I'm from Legazpi City Albay kung saan tanaw sa veranda namin ang isa sa pinakasikat na tourist attractions sa Bicol, ang Bulkan Mayon. Kasama ako sa minority dito sa Wattpad. Alam naman natin na karamihan sa readers at writers dito ay mga Millennial at ako po ay napapabilang sa Generation X. Wag n'yo ng alamin ang edad ko. Mag-base na lang kayo sa mukha ko.. hehe.
Gaya ng sinabi ko sa kuwento ko, kung ano ang propesyon ko dun bilang isang extra, ganun din ang dati kong propesyon. Sa ngayon, isa muna akong Houseband. May dalawa akong anak na lalake edad walo at apat. Ang panganay namin ay isang special child. Meron s'yang autism kaya hindi pa rin s'ya nakakapagsalita at isa 'yan sa dahilan kung bakit tumigil muna ako sa pagtatrabaho. My wife is a bank employee at dati rin akong employed sa banko.
Presently, I'm taking up master's degree in Home Economics. At dito ko napagtanto kung gaano pala kahirap ang madestino sa bahay. Noon sinasabi ko sa sarili ko, na ang dali-dali lang maging isang housewife. Pero nang maranasan ko, holy shit nakakapagod pala. Take note, wala kaming katulong ha. Luto, laba, linis ng bahay, asikaso sa mga bata, in all four corners of the house ako lahat. Whew!
Kaya nga inabot ng isang taon bago ko ito natapos dahil gabi lang ako pwedeng magsulat and take note part 2, malayo sa pagsusulat ang propesyon ko. Mas inclined ako sa numbers kaysa sa words. Hate ko nga ang pagsusulat kaya kahit ako ay nagtaka kung bakit nakagawa ako ng mahigit 150k words na nobela. Sa susunod na update ko na lang ilalathala kung paano ko ito naisulat at maging ang aking personal commentary na may relasyon sa struggles ko at ang koneksyon nito sa istorya.
Bago ko pala makalimutan, alam n'yo ba na sobra akong napapahanga sa mga young writers ng WP? Grabe ang babata pa nila pero ang gagaling ng mag-sulat. Ako nga halos mapiga't mamilipit ang utak ko matapos lang ang isang chapter pero sa kanila maning-mani lang. Siguro ang lamang ko lang sa kanila ng konti ay sa analysis at wisdom. Ehem pagbigyan n'yo na ang matanda. Pero saludo talaga ako sa mga kabataan natin ngayon lalo na sa pagsusulat. 'Yan na lang sana ang pagtuunan nila ng oras kaysa sa bisyong siguradong makakasama lang sa kanila.
Ang ilan pala sa mga foreign authors na naging inspirasyon ko para maisulat ko ang Alt Key ay sina Dan Brown at James Collins. Pinagsasabay kasi nila ang science, art, paranormal, symbolism at iba pang field of knowledge. Pero Tom Clancy guy talaga ako at minsan trip ko din basahin ang mga akda ni Michael Connely, John Grisham at James Patterson. Kasama na sa binabasa ko ang all about autism books.Sa music, kahit anong genre shoot sa'kin kahit oldies pinapatulan ko maliban na lang sa rap at hip hop. Pero rock 'n rollers talaga ako (metal and alternative) na paminsan-minsan sumasabit sa folk and country music. Hobby ko rin dati (ngayon ala ng time) ang painting, photography kahit walang high tech na camera, digital arts yung basic lang at running. Hindi sa problema kundi yung marathon.
Love to drink simula sa lambanog hanggang sa mga high end na serbesa lalo na kung libre. Mapapansin n'yo naman siguro sa mga akda ko na parating may alak.. hehe. I don't smoke anymore but I'm a coffee adik. Uy, sa mga batang nakakabasa nito, iwas muna sa bisyo ha. Studies na muna pero sa mga matatanda.. drink moderately.
Ano pa ba ang gusto n'yong malaman? Eto na muna siguro. Dadagdagan ko na lang kong may maisip pa ako.
Maraming salamat. Kaching!
Singit lang po: Hindi na muna siguro ako makakapag-update ng stories ko dahil may konting prob sa family at sumabay pang nanakaw ang ipad na ginagamit ko sa pagsusulat at pagbabasa. Hays! At yung mga binabasa ko, di ko rin muna mababasa. Vote na lang muna ako, ha? Sensya po.

BINABASA MO ANG
Alt Key: The Devil's Code (Completed)
Mystery / ThrillerScifi/Paranormal A dark mystery yet to be unfolded. An incident that abruptly altered the life of a simple girl. The catalyst of the Devil to accomplish centuries old plan, exploiting ancient and modern inventions. But the...