Scifi/Paranormal
A dark mystery yet to be unfolded.
An incident that abruptly altered the life of a simple girl.
The catalyst of the Devil to accomplish centuries old plan, exploiting ancient and modern inventions.
But the...
Naging magkaklase sina Queen at Ulysses na parehas may angas sa larangan ng photography. Si Queen, Accountancy ang kinuha. Samantalang I.T. naman kay Ulysses. Sila din ang official photographers nang kanilang campus publication. Nagsimula ang kanilang partnership nang mag-tie ang kanilang obra sa second spot sa ginawang fund raising contest ng isang non-profit organization. Kaya't naisipan din nilang mag-organizer ng isang photo exhibit ng kanilang mga obra. Ganti rin ito sa frustration ni Ulysses limang taon na ang nakalipas nang hindi siya payagang makasali sa exhibit. Ang kalahati sa kanilang makokolektang entrance fee ay kanilang i-dodonate sa AKAP, isang organization na kumakalinga sa mga may kapansanan.
Habang abala sina Queen at Ulysses sa pagpaplano sa nalalapit nilang campus photo exhibit, isang masamang balita ang natanggap ni Queen galing mismo sa matalik na kaibigang si Yasmine. Humahagul-gol ng iyak, di maintindihan ang sinasabi pero isa lang ang malinaw... wala na ang kanyang pamilya. Isang malagim na aksidente na sa isang iglap naglaho ang mga pangarap ni Yasmine. Kung pwede lang sanang lumipad papunta dun para damayan ang kaibigan, gagawin n'ya yun.
Napansin ni Ulysses si Queen na umiiyak habang may kausap sa phone.
"Sinong kausap mo kanina at bakit parang sobrang affected ka?" Tanong n'ya matapos ibaba ang phone.
"Si Yasmine, yung bestfriend ko. Masamang balita. Namatay lahat ng kapamilya n'ya sa isang malagim na aksidente kahapon. Bukas daw iuuwi dito ang mga labi," pahikbing sagot ni Queen.
"I'm sorry. Magpahinga ka na muna siguro. Ako na bahala dito. Sa makalawa na lang natin i-finalize ilan sa natitirang detalye. And condolence kamo."
****
Sa airport, kasama ang Lolo at Lola ni Yasmine, sinalubong nila si Yasmine. Kung sa phone naging vulnerable siya, at sa pagkakakila ni Queen kay Yasmine bilang mahiyain at mahinhin, sa pagkakataong yun nakita n'ya ang isang babaeng tumigas ang damdamin, walang emosyon.
Isa-isa nilang niyakap si Yasmine, ngunit para lang silang yumakap sa isang rebulto. Naiintindihan ni Queen ang nararamdaman ng kaibigan. Ngunit hindi katatagan ang nakikita n'ya kundi isang matinding galit ang namumuo sa kanyang dibdib na maaaring manirahan nang mahabang panahon.
****
Gusto sanang alisin ni Yasmine ang mga imahe sa burol ng kanyang pamilya, kaso ayaw n'ya nang dagdagan pa ang dalamhati ng ilan sa mga kaanak n'ya, pero kung siya lang sana ang masusunod, wala na sanang masyadong seremonyas.
Dahil sa kanyang inisip, biglang namatay ang tatlong nakasinding kandila kahit wala mang hangin sa naka-aircon na silid, na pinagtaka ng lahat ng mga taong nakakita. Hindi na s'ya nabigla sa ganoong pangyayari at nagpahangin na lang sa labas.
****
Sa araw ng libing, hindi magawang sumaya ni Queen kahit ngayon din ang araw ng kanyang pinapangarap na photo exhibit. Gusto sana n'yang i-cancel at ilipat sa ibang araw yung exhibit, kaso nagawa na nila yung invitation at baka marami ang magalit sa kanila.
"Uls I'm so sorry. Gustong-gusto ko sanang ako ang mag-open ng exhibit natin pero sana maintindihan mo ang sitwasyon ko ngayon. Kailangan ako ni Yasmine lalo na't ngayon ang libing ng kanyang pamilya."
"Naiintindihan ko, Queen. Marami pa namang susunod, di ba? Tsaka kung di ka pwede sa opening, di dun ka sa closing...hehe," pabirong sabi n'ya. "Hey, cheer up. Three days naman ang exhibit natin, so bukas pwede ka naman dumalaw dito at mag-entertain ng ilang guests natin."
"Thanks, Uls. Goodluck sa exhibit natin mamaya. See you later."
"No problemo, Queeno. Please hug her for me na lang, Queen."
****
Kahit ang panahon ay nagdadalamhati. Umiiyak ang langit sa huling araw na masisilayan ni Yasmine ang kanyang pamilya. Ngunit kabaliktaran sa mga mata ni Yasmine. Wala kahit isang luhang pumatak.
Pagkatapos ng libing, nagpasyang magpaiwan dun si Yasmine nang ilang saglit taliwas sa mga pamahiin ng mga matatanda. Gusto sanang samahan ni Queen ang kaibigan pero mas pinili nitong mapag-isa. Hinintay na lang ni Queen si Yas sa renenta nitong taxi sa labas.
Lumipas ang labin-limang minuto, lumabas si Yasmine sa sementeryo na walang dalang payong at basang-basa sa ulan. Lumabas si Queen at sinalubong ang kaibigan.
"Di ba may iniwan akong payong sa'yo dun? Bakit ka sumagasa sa ulan? Kaw talaga."
"Ok lang ako, Queen. Tara uwi na tayo."
"Anong ok 'yang pinagsasabi mo? Di ka ok, ok. Dun ka na muna sa bahay magpalit ng damit at may naiwan ka naman atang damit dun. Magpainit ka na rin dun ng sikmura at namumutla ka na sa lamig."
Ngumiti na lang ng bahagya si Yasmine pero sa oras na yun halata na ang nararamdamang pagod sa kanyang mga mata.
****
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.