62. Absolution

267 33 3
                                    

CHAPTER 62

June 10, 2013

Kahapon ang libing ni Ulysses pero hindi na sila pumunta. Wala na rin kasing saysay na bigyan pa nila ito ng huling pagkilala dahil alam naman nilang katawang lupa lang ang namatay hindi ang tunay na katauhan nito.

Naging matahimik ang naging takbo ng araw nila kahapon pero sumama naman ang pakiramdam ni Yasmine. Medyo bumagsak muli ang katawan n'ya dahil na rin sa sobrang tensyon at pagod na pinagdaanan nila.

Humiling si Queeny kahapon na mag-usap sila tungkol sa ibinunyag ni Ulysses sa kanila. Hindi na kasi sila nakapag-usap noong sabado dahil agad din s'yang umuwi matapos ang paghaharap nila nina Ulysses. Dahil sa kondisyon ni Yasmine, pinuntahan na lang ni Queeny ang kaibigan sa bahay nila.

Sa pag-uusap nila sa sala, muling iginiit ni Queeny na wala talaga s'yang alam sa sinabi ni Ulysses na ang kanyang Daddy ang naging dahilan sa aksidenteng kinasangkutan ng kanyang pamilya. Pero inamin n'yang alam nila ng kanyang Mommy ang ginawang pakikiapid ng kanyang Daddy at matagal na rin nila itong napatawad.

Ang hindi malilimutang tagpo ni Yasmine ay nang lumabas ng saglit si Queeny para sunduin sa labas ang isang taong hindi n'ya inaaasahang magpapagaan sa bagaheng pasan-pasan n'ya ng mahabang panahon. Si Noel.. ang Daddy ni Queeny.

Nang bumungad ito sa pinto, hindi na napigilan ni Yasmine ang mapahagulhol ng iyak. Napaluhod naman ang Daddy ni Queeny at para itong batang humagulgol din ng iyak. Bigla namang lumabas sina Beatriz at Rodolfo sa kusina na nakikinig pala sa kanilang usapan. Lumapit si Rodolfo kay Noel at tinapik ito sa balikat. Si Beatriz naman ay umupo sa tabi ni Yasmine habang nakatayo si Queeny sa tabi ng ama. Walang matang hindi nabasa ng mga luha nang mga oras na yun.

Kalauna'y napatawad na rin ni Yasmine si Noel nang humingi ito sa kanila ng tawad sa nagawa nito sa kanyang pamilya. Ipinaliwanag nito na hindi n'ya alam na may kinasangkutan pala s'yang aksidente nang magtangka s'ya noong magpakamatay. Sinabi rin n'ya na tuliro ang isip n'ya at nakainom din s'ya noong araw na yun.

Nakumpirma ito ni Queeny nang maghalungkay s'ya ng news clip sa internet at tumugma ang naging salaysay ng mga nakakita sa naaalala ng kanyang Daddy nang ipakita n'ya ito sa kanya at s'ya nga ang tinutukoy nilang iniwasan ng puting kotse bago naganap ang malagim na aksidente. Pero hindi na sinabi ni Queeny sa ama kung paano n'ya yun nalaman.

Sa puntong iyon, medyo gumaan ang pakiramdam ni Yasmine na sa kabila ng panganib sa kanilang buhay may dumating pa ring positibong pangyayari. Pero may isang bagay na hindi pa rin n'ya magawang tanggapin. Umaasa naman s'yang yun na ang simula.

Kaninang umaga naman bumisita si Meynard para mangumusta. Maganda na ang pakiramdam ni Yasmine. Ikinuwento rin n'ya ang paghingi ng tawad ng Daddy ni Queeny. Ipinaliwanag din ni Meynard na maaaring hindi talaga s'ya kasama sa balak patayin ni Ulysses base sa kanyang pangalan at katumbas nitong mga simbolo sa Wingdings.

 Ipinaliwanag din ni Meynard na maaaring hindi talaga s'ya kasama sa balak patayin ni Ulysses base sa kanyang pangalan at katumbas nitong mga simbolo sa Wingdings

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Alt Key: The Devil's Code (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon