Thank you!

360 26 26
                                    

Cheers to my readers!

Umpisahan ko sa aking mga prime readers na hindi talaga bumitaw at dinamayan ako hanggang sa dulo ng halos isang taon. Meron dito na mga hindi pa tapos magbasa pero isinama ko na rin. Alam n'yo na kung sino kayo, kaya hoy pwede ba tapusin n'yo na.. hehe.

LindaAlmazora superbebeng imHUMANimREAL annerie15 Sweetest_A xtianpantalunan angelmartin681 KrizziaMaeTomasFabia JbLamarck NilaReyes crazy_chen angelmartin681 devyleen mico125 izaemjjheyriz kalamansi ClarissaIglesia1 kctamayo96   VhianaMahusay terradegramm lineart21 shails KimiboyDienzo  
(iupdate ko na lang ito kung may madaragdag pa)

Meron akong complete list ng mga bumoto at naglagay ng story sa kanilang reading list sa next chapter.

Sabi ko nga sa sarili ko na kahit isa man lang ang umabot sa dulo, masaya na ako. Pero madami rin pala kayo. Hindi man umabot ng isang daan o higit pa kagaya ng sa ibang akda, sapat na ito para sa akin na bigyan ko ng pagkilala ang sarili ko, ng dahil sa inyo, na isa na rin akong ganap na manunulat kahit pa sabihin nating malayo ang antas sa mga kinikilalang authors sa WP maging sa traditional publications.

Sa totoo lang, hindi ko lubos maisip kung paano ako nagkaroon ng isang nobelang kagaya nito dahil malayong malayo ito sa propesyon ko. Mas inclined kasi ako sa numbers kaysa sa words. Siguro sa next update ko na lang ilalathala kung sino talaga ang inyong mahal na author at paano ko isinulat ang Alt Key, maging ang naging koneksyon nito sa struggles ko and also my personal commentary sa story. (Ang hirap palang gumawa ng scifi/horror.. hehe.)

Sa ngayon, gusto ko lang magpasalamat ng taos sa puso ko sa lahat ng nagbasa, bumoto, nag-iwan ng komento, nag-follow o maging nag-share ng story ko.

Maraming salamat din sa mga nagmamay-ari ng pictures na inilagay ko sa chapter cover. 95% nun ay hindi sa akin. Hindi ko man kayo mapapasalamatan ng personal, sana'y tangayin ng alon ng internet papunta sa inyo ang aking pasasalamat. Isabay ko na ang ilan sa artikulong isinama ko sa aking kwento. Ang iba dito ay inilagay ko sa hulihang bahagi ng chapter para meron kayong reference.

Chapter 33 DNA
http://www.theage.com.au/technology/sci-tech/breakthrough-in-storing-700-terabytes-of-data-in-1-gram-of-dna-20130124-2d89q.html#ixzz2XjHO5n2K

Chapter 60 Elizabeth Francis
http://winsham.blogspot.com/2015/03/third-time-unlucky-elizabeth-francis.html

Catalog of Demons
www.esotericarchives.com/solomon/weyer.htm

Chapter 61 Epigenetics
http://asayamind.com/your-thoughts-have-the-power-to-change-your-dna/

https://www.heartmath.org/articles-of-the-heart/personal-development/you-can-change-your-dna/

Chapter 63 Music video of Jesse Younan's Queeny
https://m.youtube.com/watch?ebc=ANyPxKoENRUYIgxUmX9EQ6Bs1QMxycSxyEoG_Ir--r-S4EdoQwlTioezhP_YAG8MU9Z4Llb6YtzolchjpNzNRC5Y7gACxeASKA&v=GPazC6faX1o

Bio of Jesse Younan
http://www.last.fm/music/Jesse+Younan/+wiki

Chapter 70 Microchimera
http://www.smithsonianmag.com/science-nature/babys-cells-can-manipulate-moms-body-decades-180956493/

https://singularityhub.com/2013/02/05/new-studies-show-cells-from-fetus-end-up-in-mothers-brains-and-hearts/

***

Muli, marami pong salamat sa lahat dahil naging bahagi kayo ng story ko direkta man o hindi ang naging partisipasyon. Sa Wattpad Company,   salamat po. Hulog kayo ng langit sa aming amateur writers.

Pahabol ko lang kung sakali mang silent readers kayo, maaari po ba akong makahingi sa inyo ng feedback kahit sa private message na lang? Negative or positive okay yan sa'kin. Balak ko kasi itong i-offer na movie.

Tsaka yung nagbasa nito from cover to cover, pwede n'yo rin akong sabihan para maisama ko kayo rito at makapagpasalamat na rin ng personal.

Dios Mabalos po.

Kampai!

Alt Key: The Devil's Code (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon