CHAPTER 42
June 2, 2013
Halos isang linggo ng walang kontak si Mrs. Meneses sa kanyang anak. Ang huli nilang pag-uusap ay noong gabi ng May 25 kung saan humingi pa ito ng alak at sinabing pupunta lang sa Lab. Pero nang bisitahin nila ang Lab kahapon, wala silang kotseng nakitang nakaparada sa labas.
Kinukutuban at may namumuo ng kaba sa mag-asawa dahil kalimitan naman kasi, kahit gaano man ito ka-busy o kahit saan mang lupalop ito mapunta, every 5 days nattext si Ulysses sa kanyang ina na im fine love u. Kaya humingi na sila ng tulong kay Meynard kung may nalalaman ito sa kinaroroonan ni Ulysses. Nangako naman si Meynard na tutulong sa paghahanap sa kaibigan kung talagang nawawala ito. Mahirap kasing hanapin ang taong ayaw magpahanap.
*****
Kahit medyo pagod pa dahil sa rescue mission na sinagupa nila ni Connery kagabi, kailangang maganda ang ayos n'ya ngayon dahil meron s'yang ilalahad na desisyong magpapabago sa kung ano ang magiging tingin n'ya sa kanyang sarili sa hinaharap. Matapos tawagan si Miko para magpasundo sa kanilang lunch date, habang hinihintay ang sundo, binuksan muna n'ya ang kanyang Facebook. Isang tagged picture galing kay Ulysses ang agad n'yang nakita.
May pagka-weird nga lang ang picture dahil sa selfie wacky shot nito na labas ang dila at hawak-hawak naman nito ang kanya close-up picture na idinikit sa kanyang mukha. Para na rin tuloy silang nag-selfie. Hindi n'ya matandaan kung saan at kailan kinunan yung litrato pero nakangiti lang s'ya dun. Kahapon lang ito ipinost ni Ulysses at may caption pa na can't wait to meet the real me. Ipinagkibit-balikat na lang ito ni Yasmine dahil ang mas importante ay okay lang si Ulysses.
Maya-maya pa, narinig na n'ya ang tunog ng motorsiklo ni Miko at dali-dali s'yang bumaba, nagpaalam sa Lola at sinalubong si Miko na may baong ngiti at saya.
*****
Ilang araw na ring hindi nabubuksan ni Mr. Meneses ang kanyang email. Nito kasing nakalipas na ilang araw, binuhos n'ya ang kanyang sama ng loob sa alak dahil sa nangyari sa kanilang kompanya. Nang buksan n'ya ito, halos karamihan ay business related at isa lang ang binuksan n'ya. Wala pa rin kasi s'ya sa mood na ibuhos muli ang panahon sa pagsalba sa kompanya. Ang sulat galing sa isang potential investor. Nang buksan n'ya ito, hindi na n'ya ito itinuloy nang mabasa ang we are sorry.
Muli n'yang itinaas ang page sa pinaka latest para muling tingnan kung may nakaligtaan s'yang importanteng sulat. Isang bagong sulat ang kakapasok pa lang... galing kay ulsmeneses@gmail. May title itong Click The Link. Agad n'ya itong binuksan at ang laman ay..
Hi Dad, open your webcam, click the link below and let's talk.
Binuksan n'ya kaagad ang kanyang webcam pero medyo nag-alangan s'yang i-click ang link dahil sa tono at dating ng pagkakasulat nito. Dahil wala naman mawawala sa kanya dahil dati namang walang-wala na sila, clinick n'ya ito at isang video frame ang lumabas. Bookshelf ang background nito pero wala namang tao. Akmang isasara na sana n'ya ito nang mula sa kanan ay lumabas si Ulysses na hanggang tenga ang ngiti.
"Hello Dad. Musta kayo?" Inayos nitong saglit ang webcam.
"Ulysses! How are you son? Asan ka pala ngayon? Worried na ang Mom mo."
"Don't worry about me, I'm fine Dad. May gusto lang akong ibalita s'yo."
"Ibalita?"
"Yes at talagang matutuwa ka nito. Narecover ko na ang ninakaw na pera ng mga balasubas mong empleyado. Lahat.. 200 million di pa kasama interest..."
"What? Paanong... Uls hindi ko gusto yan--"
"Let me finish first. Pera natin yun Dad at dapat lang na bawiin natin. Kung paano? I'm the best hacker in the whole fucking world wide web. Check your account. It's all there. 210 plus million."

BINABASA MO ANG
Alt Key: The Devil's Code (Completed)
Mystery / ThrillerScifi/Paranormal A dark mystery yet to be unfolded. An incident that abruptly altered the life of a simple girl. The catalyst of the Devil to accomplish centuries old plan, exploiting ancient and modern inventions. But the...