29. Pointless

362 49 3
                                    


CHAPTER 29

May 5, 2012  4:35 pm

Halos malunod na sa kape si Yasmine pero hindi parin maalis-alis ang kanyang antok. Marahil dahil sa boses ng kanilang Dean. Kung pakikinggan kasi ito ng nakapikit, si Patrick na bestfriend ni Spongebob ang rumirehistro sa kanyang isip. Minsan nga, na tawag ang kanyang atensyon ng kanilang Dean dahil matapos n'yang imulat ang kanyang mga mata, nakangiti s'yang nakatitig sa malapad nitong noo. Hindi lang kasi sila magkaboses, magkamukha din.

"..meeting is adjourn." Huling pahayag ng kanilang Dean. Sa wakas natapos na rin ang kanilang makalaglag-pilikmatang faculty meeting. Agad n'yang kinuha ang kanyang bag at mabilis na lumabas sa conference room.

Habang naglalakad s'ya sa alley, hindi s'ya mapakali sa feeling na parang bumibigat ang kanyang bag. May naglagay ba ng kung ano sa bag ko? tanong n'ya sa sarili. Binuksan n'ya ito at wala naman s'yang nakitang kakaiba sa loob. Biglang umilaw ang kanyang cellphone na kanina ay inilagay n'ya sa silent mode. Tiningnan kung kanino galing ang message at sumikip ang kanyang dibdib sa nakita. 53 text messages lahat galing kay Queeny. Kung sa koreo ito dinaan, marahil punong-puno na ang kanyang bag.

May dumating na namang isa. 54 and counting! Agad n'ya itong binuksan at tumambad sa kanya ang pare-parehong mensahe..

"I need an explanation. I need a fucking explanation."

Agad s'yang nag-reply, "what's wrong sis?"

Hindi ito nag-text back pero huminto na ang pagpadala ng mensahe. Sinubukan n'ya itong tawagan pero panay lang ang ring. Kilala n'ya si Queeny na hindi ito makikipagusap sa kanya sa telepono kapag galit ito kaya't muli s'yang nagpadala ng text message.. "I'm coming." Alam din n'ya kung saan ito matatagpuan.

Dumaan muna si Yasmine sa park para bumili ng paborito ni Queeny na isaw. Bumili s'ya ng lima. Tumawag ng taxi at habang nasa kalye, sinusubukang alamin kung ano naging problema nila. Wala s'yang maisip na dahilan maliban sa...

"Shit Miko!" napatingin ang driver. "Sorry po manong."

Napapikit na lang s'yang habang iniisip kung paano n'ya ipapaliwanag ang lahat sa matalik na kaibigan. Alam n'yang may kasalanan din s'ya. Bakit kasi hindi ko na lang sinabi kay Queen ng maaga ang.. damn! naiinis na sabi n'ya sa sarili. Bahala na si Evil Witch..

Pagbaba n'ya ng taxi, huminga s'ya ng malalim at kumatok sa maliit na pintuan ng gate. Tinulak n'ya ng bahagya at bumuka ito ng kunti. Sumilip s'ya at nakita ang pakay. Dahil hindi naman s'ya iba sa pamilya, pumasok na s'ya at tinungo ang kaibigan na nakaupo sa maling pwesto ng swing. Hindi s'ya pinansin nito pero alam nitong nakapasok na s'ya.

"Hi, Queen." Dedma parin ito. "P'westo ko ata yang kinauupuan mo." Nagbabakasakaling pansinin s'ya nito. Saka din lang n'ya napansin ang isang bote ng SanMig Light na nakapatong sa maliit na mesa.

"Para naman sa susunod ikaw naman ang umiyak." madiin na sabi ni Queeny. Hindi na ito ikinabigla ni Yasmine. Noong una kasing nag-away sila, naalala n'ya na si Queeny ang umiyak. Kahit pa kasing astig nito si Doris Bigornia, mababaw pa rin ang luha nito.

Ipinatong ni Yasmine ang dalang pasalubong sa tabi ng alak. "Queen naman." Umupo sa swing na bahagyang nakaharap sa kaibigan. "Sis, I'm so sorry. Oo, kasalan ko din. Pero mali yang iniisip mo."

Alt Key: The Devil's Code (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon