26. Lensmen 1.5

448 48 18
                                    

CHAPTER 26

January 15, 2012  2:49 pm

Barakoffee ang destinasyon nila. Kabubukas pa lang nitong coffee shop noong isang buwan kaya't inasahan na ni Ulysses na maraming baguhang parokyano ang susubok sa kalidad ng serbisyo at produkto nito, kasama na s'ya.

Maswerte sila dahil may papaalis na sasakyan sa natitirang isang parking space. At matapos mai-park, lumabas silang kapwa bitbit ang mga camera. Walang ibang bakante kundi sa labas. May anim ditong mesa. Dalawang hilera ng tigtatlohang mesa at sa kaliwang dulong bahagi katabi ng salamin na dingding ng shop,ang tanging bakante. Kinuha na lang nila ito dahil medyo mahangin naman at nababakuran naman ito ng isang trimmed na halamang may malilit na bulaklak gaya ng sa sampaguita at may taas na apat na talampakan. Bago umupo si Art malapit sa may bakod, pumitas muna ito ng isang bulaklak at inamoy. Magkaayon sa salamin ang naging pwesto nila kaharap ang isa't- isa. Inilapag ang kani-kanilang camera sa bilugang mesang gawa sa rattan pero pinatungan ng salamin sa ibabaw.

Nagpaalam saglit si Ulysses at pumasok sa loob para umorder ng kape at makakain. Marami ang choices pero ang bestseller daw dito ay barako na may flavor. Pero simpleng brewed black coffee lang ang kinuha nito at apat na chocolate rice muffins. Matapos ang ilang segundong pagproseso, lumabas ito dala ang isang maroon tray ng mga inorder.

Ilang saglit matapos mailatag ang umuusok na kape, nagsimula na ring uminit ang kanilang talakayan. Malaki ang respeto ni Ulysses kay Art kaya't muli, humingi ito ng paumanhin sa inasal noong mga nakaraang buwan. Dahil para na ring anak ang turing ni Art dito, naunawaan na rin n'ya ito at tinanggap ang paumanhin ng binata. Hindi na rin humingi ng update si Art sa ginagawa nilang Project dahil alam naman nilang pareho na walang ginawa si Ulysses nitong nakalipas na apat na buwan dahil sa bago nitong pinagkakaabalahan.

"Isa lang Uls ang hinihiling ko sayo na huwag mong ipipilit na ipasok ang mga natutunan mo, kung ano man ang mga yun, sa Project natin. Kung para sa personal na hangarin mo lang ito ay walang isyu yan sa akin basta wag sanang mawawala ang focus mo sa Project. Hangga't maaari sana ay pure scientific lang ang lahat, okay? Sana maintindihan mo ako sa posisyon kong ito." Mahinahong paalala ni Art at muling humigop ng kape.

"Naintindihan ko po." Hindi na rin iginiit ni Ulysses ang gusto sana n'yang mangyari dahil kahit s'ya ay hindi naman din sigurado sa bago n'yang kaalaman.

"Thank you. So saan tayo after dito? Ano ang gusto mong theme sa photo shoots natin mamaya?"

Sa tanong ni Art, naalala n'ya ang hamon ni Miko sa kanya sa Facebook. Hindi n'ya alam kung paano n'ya ito isa-suggest sa kasama o kung anong theme ang pedeng sumangayon sa komento ni Miko.

"Ahh, Sir siguro naman bihasa na ako sa mga.. sa mga positibong imahe." Nagdadalawang isip s'yang ipagpatuloy ito.

"Anong ibig mong sabihin?"

May isang motorsiklong pumarada sa labas ng halamang bakod sa tapat nila, lulan ang dalawang nakahelmet. Napansin ito ni Art.

"Kung maaari sana, kung okay lang, na ano... na ibalanse ang.. Ang ibig kong sabihin, yung other side ng positive, I mean, something about the negative side of life. Yun, para at least alam ko din, o mapag-aralan ko din ang emotion behind the images." Tumango-tango lang si Art na parang hati ang pakikinig.

Bumaba ang naka-leather jacket na angkas nito at nagpagala-gala ng tingin. Iniwan ang driver at lumakad papasok sa bukana ng bakod.

Hindi ito binitawan ng tingin ni Art. At ilang saglit pa'y dahan-dahan nitong kinuha ang kanyang Sony Alpha A65 camera at inihanda.

"Kaya mo bang masikmura ang maaari mong matunghayan?" Tanong ni Art na bahagyang tumingin kay Ulysses.

Tumango ito, "Siguro. Exposure lang.. ang kailangan," nagtataka si Ulysses sa ikinikilos ni Art lalo na ng makita nitong iniaangat ang camera nito.

Alt Key: The Devil's Code (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon