53. Roadkill

308 36 5
                                    

CHAPTER 53

Nagpaalam si Teeny sa kanilang receptionist na si Chloe na pupunta s'ya sa bahay ni Mrs. Sandoval para sa kanyang yoga home service. Matagal na kasi nila itong kliyente at marami na rin ang naibigay nitong referral sa kanila kaya bilang pagtanaw na rin ng utang na loob, s'ya na lang ang bumibisita dito lalo pa't senior citizen na rin ito. Bonus na rin dahil may na-recruit din itong dalawang kaibigan na kanya ring tuturuan ng basic. Meron din kasi silang program para sa mga matatanda para maging flexible pa rin ang kanilang katawan, mapanatili ang balance at maiwasan na lalong maging brittle ang kanilang mga buto.

Sa biyahe, inabutan n'ya ang mabigat na traffic at halos hindi na gumagalaw ang mga sasakyan. Nang biglang tumunog ang kanyang naka-charge na cellphone na nasa ibabaw ng dashboard. Binuksan at isang notification sa Facebook galing kay Ulysses ang kanyang natanggap. Hindi n'ya pala naisara ang kanyang mobile data.

Nang buksan n'ya ito, isang tagged picture ang bumungad sa kanya kung saan magkatabi na sila ni Ulysses na dati naman ay wala ito . Napangiti si Teeny at nagkomento.

"Nice edit Uls. Para lang tayong mag-jowa. Pero hindi ako umiinom ng iced te--"

Bigla n'yang naalala na may ipapahiram pala s'yang libro, ang Light On Yoga ni B.K.S. Iyengar, sa isang kaibigan. Sakto namang nasa U turn area na s'ya kaya itinabi na muna n'ya ang kanyang cellphone at lumiko ng pakaliwa sa center island para lumipat sa kabilang lane pabalik. Dito walang traffic at maluwag ang kalsada.

Tumingin s'ya sa relo ng dashboard, 3:46. Malapit lang naman ang bahay ng kanyang kaibigan kaya't kakayanin pa naman n'ya ang 5 o'clock na usapan nila ng kanyang kliyente.

Nakaramdam s'ya ng uhaw kaya itinabi n'ya ang kanyang sasakyan sa pagitan ng isang delivery truck ng mga frozen goods at puting kotse sa isang bakanteng lote para bumili ng bottled water sa List & Shop convenient store. Kahilera naman ng tindahan ang Alert Awake Coffee Shop na napapagitnaan ng bakanteng loteng kasya lang apat na sasakyan. Nababakuran ng yero ang likurang bahagi ng lote. Nakaharap sa kalsada ang truck habang kabaliktaran naman ang sa kanya maging ang puting kotse. Katabi ng truck ang tindahan.

Bago s'ya lumabas ng sasakyan, kinuha n'yang muli ang cellphone at itinuloy ang pagsusulat ng comment sa larawan ni Ulysses.

"... tea.. hehe. Good to hear you're fine Uls. See you someday." at i-senend.

Hinugot ang cellphone sa charger at sa paglabas n'ya, napansin n'ya ang isang lalakeng naglalakad na naka-earphone sa dulo malapit sa nakaparadang puting kotse. Ilang hakbang bago s'ya lumiko sa likod ng truck, sumulyap s'yang muli sa lalake na nasa tapat na ng puting kotse. Nakayuko at nakatago sa likuran ang kanang kamay nito.

*****

Hindi makasabay si Queeny sa naging unang reaksyon ng dalawa. Pero nang maalala n'ya ang larawang ipinakita sa kanila ni Meynard sa ospital na pinagdalhan kay Miko at ang kaninang larawan ni Reyner na madalian lang n'yang nakita, saka lang n'ya naproseso ang posibleng nakaambang panganib.

"Oh God, wag naman sana. Tawagan natin si Teen!" nasindak na pahayag ni Queeny.

Nang biglang lumitaw ang comment ni Teeny nang mag-auto-refresh ang Facebook. Halatang wala itong kaalam-alam sa mga nangyayari. Ngunit ang mas ikinabigla nila ay ang sumunod na comment.

"See you soon Teen. :)" sagot ni Ulysses.

"Oh, shit!" Agad na kinuha ni Yasmine ang kanyang cellphone sa bag.

*****

Sumipa kaagad ang instinct ni Teeny at binilisan ang pag-lakad. Pagliko n'ya sa likuran ng truck, nag-ring ang kanyang cellphone. Dahil hawak n'ya ito, agad n'yang nalaman kung sino ang tumatawag. Si Yasmine.

Alt Key: The Devil's Code (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon