CHAPTER 61
Para siyang bahay na gawa sa pebbles na sa kaunting alog lang ay maaaring gumuho ang pundasyon... ang pundasyon ng kanyang pagkatao. Sa ngayon, pinipilit n'yang magpakatatag pero hindi n'ya alam kung hanggang saan mananatili siyang nakatayo.
Bakas naman sa mukha ni Queeny ang sobrang pag-alala sa kaibigan. Kung sakali mang totoo ito, alam n'yang kapantay nito ang nangyaring trahedya sa kanyang pamilya. Para kasing binura ng rebelasyon ang kanyang pagkakakilanlan.
Nababahala naman si Meynard sa posible nitong kahahantungan lalo pa't tatlo na ang nalagas sa kanilang grupo. Humihiling s'ya na sana'y hindi ito maging mitsa para husgahan ni Yasmine ang kanyang sarili at isisi n'ya sa kanya ang lahat ng nangyari sa kanila. Sa ngayon, hindi maalis kay Meynard ang mangamba sa kanilang kaligtasan lalo pa't wala silang kalaban-laban sa kalabang dati nilang naging kaibigan.
Hinayaan na lang muna nina Art at Ulysses na mag-sink in ang kanilang mga isiniwalat. Kalmado at lubos na nasisiyahan ang dalawa sa mga natutunghayan.
"Hahayaan ko na si Ulysses na magpaliwanag sa inyo kung ano ang kanyang misyon at kung ano ang magiging partisipasyon mo, Apo. Finally, I'm happy to reveal myself to you and I'm looking forward in uniting our forces together. Nice to see you all again." Pahayag ni Arturo at saka umalis na parang naglakad pabalik sa kaliwang screen hanggang sa mawala ito.
Apo? Bakit parang ang bait n'ya? What the hell, demon ba talaga s'ya? tanong ni Yasmine sa kanyang naguguluhang isip.
"So ano, gusto mo na bang malaman kung ano talaga ang misyon natin di--"
"Misyon mo lang. At wag mo akong idamay dyan sa mga kademonyohan mo." singit ni Yasmine.
Natawang bigla si Ulysses. "You think, kademonyohan lang ang misyon NATIN? Ay sorry, oo nga pala tama ka meron din palang konting kademonyohan. Konti lang naman.. but wait.."
Hindi nila inasahan na muling magbabago ng mukha si Ulysses hanggang sa maging kamukha nito si Piolo Pascual. Laglag-panga naman ang naging reaksyon ni Queeny pero nanatiling seryoso si Yasmine.
"Sinong hindi mabibighani kapag ganitong mukha ang kaharap n'yo." maging ang boses nito ay parang pinagbiyak na adam's apple ni Piolo. "Or ganito.." at nagpalit ulit ito ng mukha at naging si Marian Rivera.
"Hi Meynard, gusto mo bang matikman ang aking alindog?" mapanuksong tanong ni Ulysses sa boses at wangis ni Marian na may kasamang kagat-labi. Uminit ng bahagya ang pisngi ni Meynard pero hindi s'ya sumagot. Ngayon lang s'ya pinansin nito at nalulungkot si Meynard dahil tila nabura na ng tuluyan ang matagal na panahong kanilang pinagsamahan.
"Ang sarap pakinggan diba, nakakalibog." At bumalik ito sa dating mukha at boses ni Ulysses. "Hindi na uso sa ngayon ang demonyong naghahasik ng takot at lagim kundi tao na mismo ang maghahatid nito sa kapwa nila kapalit ng ligaya't saya. Ito ang misyon natin, Yas. To help people fulfill their dreams and desires na ayaw ibigay at kung ibigay man ay pahirapan pa at kailangan pang purihin, kulitin, sambahin ang diyos. Hindi ganyan ang diyos, Yas. Tayo ang magpupuno sa kakulangan ng karamihan sa kanila."
What the heck? Conflicting and deceiving statement, ibibigay ang hiling pero may kapalit naman, haha.. indeed a demon's game, pahayag ni Meynard sa kanyang sarili.
"Today, we will be creating a New World Order. A new kind of social-lism. We will call it.. SSS or Saturnian Socialist Society. We have all the money in the world and unlimited access to trillions of data. I can manipulate the stock market, steal money from financial institutions at marami pang paraan in a blink of an eye. I'm now Zeus of the net and we will be like gods.

BINABASA MO ANG
Alt Key: The Devil's Code (Completed)
Mystery / ThrillerScifi/Paranormal A dark mystery yet to be unfolded. An incident that abruptly altered the life of a simple girl. The catalyst of the Devil to accomplish centuries old plan, exploiting ancient and modern inventions. But the...