CHAPTER 22
Nang biglang may sumigaw na bata sa kabilang upuan sa gawing kanan. Nabaling ang tingin ni Meynard sa mag-ina. May tinuturo ito sa may bandang altar. 'Bakit po kasi ayaw mong maniwala sakin,' nadinig n'yang sabi ng batang babaeng edad walo o siyam na taong gulang. 'Tumigil ka na n'yan Rose at masasaktan ka na talaga sakin!' mahinang sigaw na sabi ng ina sabay kaladkad sa bata palabas. Saglit na sinundan n'ya ito ng tingin at muli dahan-dahan n'yang ibinalik ang tingin sa harapan. Nang matapat na ang kanyang tingin sa paanan ng imahe, huminga s'ya ng malalim at dahan-dahan n'yang iniangat ang kanyang ulo hanggang sa matapat ang kanyang tingin sa mukha nito. Hindi na si Kristo ang nakabitin sa krus kundi... si Queeny! Ipinikit n'ya ang kanyang mga mata at sa muli n'yang pagdilat, si Queeny pa rin ang nandoon. Agad s'yang napa-sign of the cross at mabilis na lumakad palabas ng simbahan ng hindi lumilingon.
*****
Wala masyadong alam si Yasmine sa French dishes kaya't Saucy Chicken Cordon Blue na lang ang inorder nito samantalang Beef Bourguigno naman kay Ulysses. Tumanggi ng red wine si Yasmine kaya't ice tea na lang ang kinuha nilang drinks. Habang naghihintay ng kanilang order, napag-usapan muli nila ang tungkol sa photography. Lubos na humanga si Yasmine sa galing ni Ulysses at umaasang matututunan din n'ya ito kahit yung basic lang.
After 20 minutes, dumating ang kanilang pagkain. Pansamantalang natigil ang kanilang pag-uusap at tanging ingay ng utensils ang maririnig at ang mahinang pagtatalo ng magkasintahan sa kabilang mesa. Bahagyang nagulat si Yasmine nang biglang ibagsak ng malakas ng babae ang kutsara nito. Tumalsik ang isang piraso ng karne sa kanilang mesa at muntik ng makapasok sa plato ni Ulysses. Tumayo ang babae sabay kuha sa bag nito at mabilis na iniwan ang kasama. Napailing na lang ang lalake habang patuloy parin ito sa pagkain. Tinakpan na lang ni Ulysses ng tissue ang tumalsik na piraso lng karne.
Binalewala na lang nila ang eksana at balik sila sa kanilang pag-uusap. Hindi na inungkat pa ni Ulysses ang napagdaanan nitong pagsubok na nagpabago sa pagkatao into. Pero muli nilang sinariwa ang nangyari sa photo exhibit at maging ang mga sumunod na pagkakataong muntik na silang magkakilala. Pero may isang bagay lang na gustong malaman si Ulysses, ang tattoo sa kamay ni Yasmine.
"Ahh.. Yas, may gusto lang sana akong itanong."
Napatingin si Yasmine kay Ulysses habang umiinom ito ng ice tea, "ano yun?" tanong nito matapos ibaba ang baso. Tumayo na rin ang lalake sa kabilang mesa, at humingi ito ng dispensa sa kanila at malugod naman nila itong tinanggap. Pagkaalis ng lalake...
"Aaa Yas.. hexagram ba yan.. yang tattoo mo sa kamay?"
Napasulyap s'ya sa kanyang tattoo, "Eto ba?" sabay turo dito.
Napatango lang si Ulysses.
"Yeah, bakit mo naitanong?"
"Wala naman. B-bakit yan ang... pina-tattoo mo?" Gusto sana n'yang bawiin ang tanong, kaso huli na para gawin ito. Muli kasi n'yang naalala ang kanyang panaginip.
Nakatingin lang si Yasmine, nag-iisip kung saan siya mag-uumpisa. Hindi n'ya alam kung lahat ba ay sasabihin n'ya.
"Okay lang kung hindi..."
"No no no it's okay no big deal. Mmm... three days after ng graduation namin sa high school, at ilang araw din bago kami..." napahinto at napatingin s'ya sa kanyang kinakain, "... bago kami ng pamilya ko tumulak ng Cebu, nag-bonding muna kami ni Queeny at naisipan nitong magpahula sa isang psychic. Meron itong booth kagaya nung nakita natin kanina pero mas malaki dun."
"Kaya pala napahinto ka kanina," sabi ni Ulysses.
"Yeah, doon ko kasi unang nakita ang simbolong ito... ang hexagram. Ewan ko, para kasing may kung anong humahatak sa akin noon na hindi ko maintindihan." Minabuti n'yang hindi na ikuwento kay Ulysses ang naging reaksyon ng manghuhula. Napahinto dito ng pagkain si Ulysses at kita sa mukha nito ang pagkainteresado sa pinaguusapan.
![](https://img.wattpad.com/cover/63279792-288-k315868.jpg)
BINABASA MO ANG
Alt Key: The Devil's Code (Completed)
Misterio / SuspensoScifi/Paranormal A dark mystery yet to be unfolded. An incident that abruptly altered the life of a simple girl. The catalyst of the Devil to accomplish centuries old plan, exploiting ancient and modern inventions. But the...