Epilogue

499 33 29
                                    

June 24, 2013

Malaki ang paghihinayang ni Denise nang mawala na parang bula ang website na nakapagbigay sana sa kanya ng ligaya dahil sa luhong animoy pinupulot lang sa lupa. Balak sana n'yang bumili ng bagong bag ang kaso, kahit ang kanyang Paypal account ay naglaho din kasama ng kanyang pera.

Binuksan na lang n'ya ang kanyang email at isang sulat na may kakaibang heading ang kanyang natanggap. Nagdadalawang-isip s'yang buksan ito dahil isang emoticon lang ang heading nito.

"Wala naman atang masama kung bubuksan ko." anito.

Nang buksan n'ya ang sulat, isang simpleng instruction ang tumambad sa kanya na nagpatingkad sa araw n'ya.

*****

Sa tingin n'ya, sapat na ang mga naipadala n'yang sulat ngayong araw. Ininom ang natitirang kape, kinuha ang isang maliit na kahon sa tabi ng computer mouse na kanyang natanggap kani-kanina lang via LBC at sinilip ang loob. Napangiti s'ya nang makita ang laman na isang singsing. Hinugot ito at inusisa. Makikita pa rito ang ilang bakas ng natuyong dugo. Ibinalik n'yang muli ito sa kahon dahil hindi pa ito ang tamang oras para gamitin n'ya ito. Tumunog naman ang kanyang cellphone.

"Romeo, okay na ba yung pinapagawa ko sa inyo?" tanong nito.

"Ayos na po Mrs. Meneses." sagot ni Romeo sa kabilang linya.

"Good. Wag masyadong marami at baka mapaaga tayo."

"Yes Ma'am."

"Salamat, bye" at pinutol nito ang linya.

Bumalik ito sa computer at binuksan ang Google site. Sa search box, itinayp ang apat na keys at lumabas ang isang letrang tila emoticon.

*****

Sa malawak na karagatan ng internet, nagpalutang-lutang ang natitirang strands ng coded DNA ni Ulysses. Wala ng silbi, wala ng saysay at maaaring kasama na itong maibabaon sa kawalan.

Nang biglang may umusbong na isa, dalawang strands at nasundan pa ng ilan. Hanggang sa umabot kaagad ng isang daan makalipas lang ang sampung segundo. Anim na bilyong strands pa ang kakailanganin pero dahil sa marami ang may nais makatikim ng kaunting luho, di malayong sa loob ng tatlong taon maaaring makalikom kaagad ng sapat na bilang para muling mabuo si Ulysses. At kahit hindi gumamit ng Alt Key, ang simpleng paggamit lang ng letrang ito, picture man o text, ay may katumbas na itong strands.

*****

Muling nag-type si Mrs. Meneses ng tatlo pa gamit ang Alt 666 at sa search box lumitaw ang apat na letra ng capital U na may tigdalawang tuldok sa taas ng bawat letra. Bilang pasasalamat, isinasalarawan nito ang kasiyahang nararamdaman ni Ulysses kung saan abot teynga ang kanyang ngiti.

"Be patient my son. Everything has its own time." ani Mrs. Meneses at pumindut muli ng dalawa pang Alt666.

Binuksan naman nito ang kanyang bank account at nakitang higit pa sa kakailanganin n'ya ang balanse nito para sa binubuo n'yang Alt key brigade.

*****

Marami ang nagsasabi na ito raw ang the modern Mark Of The Beast. Sa ngayon, idinidikit ito sa ilang sikat na personalidad gaya ni Justin Bieber dahil sa kanta nito na sinasabing may subliminal message partikular sa kanta nitong Where Are Ü Now.

Pero nagkakamali sila, dahil iisa lang naman ang pinaglalaanan nitong simbolo. Walang iba kundi para lang kay... Ülysses.

* The End *

PLEASE VOTE, COMMENT AND SHAREThank You

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PLEASE VOTE, COMMENT AND SHARE
Thank You

A/N:

Try n'yo po na mag-type sa search box ng Google maging sa Yahoo ng Alt 666 at maa-amaze kayo sa lalabas na letra. S'yempre ang Ü.. hehe. Pero iba ito sa Alt key na nasa kabuuan ng kuwento. Gamit ang MS Word, alam nating iba ang lalabas dun na simbolo.

Then try n'yo din na lagyan ng devil or demon ang Ü sa search box at lalabas sa results ang mga ikinakabit nitong issues na may kaugnayan sa simbolo kasama na ang kay Justin Bieber. Huwag lang madami ha at baka muling mabuo si Ulysses.. hehe.

Maraming maraming salamat po sa lahat ng sumubaybay, nagkomento at bumuto.

Kaching!

Alt Key: The Devil's Code (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon