CHAPTER 17
April 30, 2011
Matagal na pinaghandaan ni Ulysses at Art na lumikha, gaya ng suggestion ni Meynard, ng isang cyber-clone maliban sa tao. 'Pakakawalan' ito ni Ulysses sa kalawakan ng internet gamit ang isang encrypted program. Sa umpisa, hindi sangayon dito si Art pero kalaunan ay pumayag na rin ito. Ang iniiwasan kasi ni Art ay malaman ng iba ang kanilang ginagagawa kung sakali mang mabulilyaso ito. Ngunit buo ang tiwala ni Ulysses sa sarili na hindi yun mangyayari dahil alam n'ya ang kanyang kakayahan. Kakayahang hinahangaan na rin ni Art. Paghangang simula pa pagkabata nang kahiligan nito ang photography hanggang sa umusbong ang isang pangarap na hindi basta binitawan.
Gaya sana ng unang pangarap ni Ulysses, hindi ito kagaya ng computer virus na dadami kapag nakapasok sa system para makapaminsala. Dadaan lang ito at hindi mag-iiwan ng bakas kaya't tinawag n'ya itong... si Trekk. Tanging programing languages ng Facebook ang kaya munang i-adopt ni Trekk pero hindi malayong makakagawa din siya ng program na kayang pumasok kahit saan . Medyo nahirapan silang mapasok ito dahil sa lahat ng popular sites sa internet, tanging Facebook ang may pinakamadaming languages na ginagamit. Mahigit sampu ang languages nito, gaya na lang ng Hack, PHP, Python, Java, Erlang at marami pang iba. Pero dahil sa tulong ng iba pang hackers, dalawa galing Thailand, isa sa Europe, at dalawang anonymous, magagawang i-bypass ni Trekk ang security system ng Facebook.
11:33 PM
Ang pagkakataong pinakahihintay ni Ulysses ay mapapatunayan at mahuhusgahan sa mga oras na yun. Nag-upload muna si Ulysses ng isang larawan sa kanyang Facebook account. Dito nakatago ang codes na magpapalaya sa kanyang creation. Matapos makapag-upload, nagcomment naman s'ya ng 'Fly' na siya nitong activating command para gumana ang codes. Sa mismong larawan, sa tabi ng isang gumamelang pula, unti-unti gumalaw ang mga pakpak ng puting paru-paro na may stripes na itim, dahan-dahang nagkabuhay at ilang saglit pa'y kumawala ito sa animo'y pagkakadikit nito at tuluyan ng lumipad sa Facebook page ni Ulysses. "Lipad may friend... lipad," ang tanging nasabi n'ya at bakas sa mukha ang saya dahil sa tagumpay ng kanilang ginawa. Ilang segundo ring nagpagalagala ito sa screen at lumipad patungong kaliwa saka nawala. Hahayaan n'ya itong gumala nang mga sampung oras saka n'ya ito pababalikin.
Agad din n'yang tinawagan si Art para ibalita ang nangyari at binati naman s'ya nito. Kinuha din ang Johnny Walker Blue sa ref para selyohan ang tagumpay. At habang tumatagay, nagbrowse ng ilang updates si Ulysses. Madami na ang naglike at nag-comment sa larawang kanyang ini-upload kahapon.
May isang babaeng nagsabing, 'Ako yan Uls, napasobra lang ng kain ko ngayon. May red headband din ako kagaya nun.'
Reply naman ng isang bading, 'Gaga, hiniram mo lang sakin yang headband. Binabawi ko na para maangkin ko na si Uls. Oh my Ulysses, I'm getting wetty in here.'
Sagot naman ng isa 'Hahahaha... magdiatabs ka kasi chokra. Yan tuloy inabutan ka.' Natawa si Ulysses sa palitan ng mga comments.
Reply ni Ulysses... 'Thanks guys sa mga comments, pero kung sino man ang nakakakilala sa kanya, bibigyan ko ng reward, isang linggong Mcdo treats three times a day.' Hindi pa man siya nakakalog-out, madami na kaagad ang nag-reply.
May 1, 2011
Nagpapasalamat siya sa lahat ng pwede n'yang pasalamatan dahil twenty-five times na s'yang nagising sa araw ng kanyang kaarawan na humihinga pa ng maayos. Hindi labor breathing bagamat Labor Day.
5:04 am. Medyo napaaga siya ng gising ng anim na minuto kaysa sa alarm. Alam n'yang hindi pa nakakaluto ang kanyang Lola kaya't minabuti muna n'yang bisitahin ang kanyang Facebook account. Habang hinihintay na mag-boot ang computer, tumunog ang alarm ng kanyang cellphone, ini-off at tiningnan ang inbox na may lima itong messages lahat pagbati. At s'yempre nauna si Queeny, 12:05 am at sigurado siyang consistent maging sa Facebook.

BINABASA MO ANG
Alt Key: The Devil's Code (Completed)
Misteri / ThrillerScifi/Paranormal A dark mystery yet to be unfolded. An incident that abruptly altered the life of a simple girl. The catalyst of the Devil to accomplish centuries old plan, exploiting ancient and modern inventions. But the...