50. Tears Of The Sun

302 34 11
                                    

CHAPTER 50

June 5, 2013

Kung kailan pinipilit ni Meynard na makatulog, lalo naman s'yang iniiwasan nito. Halos isang oras na siyang papalit-palit ng posisyon ng paghiga, umaasang mapapagod din ang kanyang katawan. Pero mahirap pakalmahin ang utak na aktibo pa sa pag-iisip. Dalawang bagay na tila pinaghalong red bull at marijuana ang mariing sumisipa sa kanyang diwa. Ang kanyang na-crack na file sa dummy backup at ang posibleng senaryo mamaya sa Lab.

Sa unang pagkakataon ng kanyang buhay, dalawang oras na lang, beinte-quatro oras na s'yang gising at siguradong malayo pa ang kanyang mararating. Para lang hindi masayang ang enerhiyang bumabalot pa sa kanyang isipan, minabuti na lang n'yang buksan ang kanyang laptop na nasa katabing mesa. Tila kasi may kung anong bumubulong sa kanya para buksan n'ya ang kanyang Facebook account.

Kung kanina ay rb at mj lang, ngayon ay nakisali na rin sa rally ng mga stimulants ang limang kutsarang purong kape dahil sa kanyang nasaksihan.   Sa larawan ni Reyner sa isang desyerto, makikita itong nakatayo sa kaliwang bahagi ng isang dark blue 4WD Jeep at sa kanan naman ang isa nitong kasamang babae na s'yang may-ari ng sasakyan. Sa bughaw nitong kalangitan, maaaninag sa kanang bahagi ng larawan ang isang maputlang buwan na parang isang bangkang nakalutang sa mapayapang karagatan.

Ngunit nabulabog ang kapayapaan dahil sa isang imahe na dapat ay hindi naman kasali. Si Ulysses, na dati naman ay wala sa larawan ay katabi na at nakaakbay pa kay Reyner na tila matagal na silang magkaibigan. Noong isang taon pa kinunan ang larawan.

"Shit!" napasigaw na sabi ni Meynard.

Agad n'yang kinuha ang kanyang cellphone at may tinawagan. Sa pangatlong ring ito sumagot. Sa boses pa lang, alam na ni Meynard na magkabaliktad ang kanilang sitwasyon, dahil si Yasmine ay halatang nabulabog sa mahimbing nitong pagkakatulog.

"Hey.. Mey-nard.. what the--" sabi nito sa mababa at basag na boses.

"Hi Yas, sorry sa istorbo. Yas, may kailangan kang makita. May bago na naman kasing upload si Ulysses at yun--"

"Nard Nard stop! Grabe ka, hindi ka pa ba natutulog? Baka pwedeng bukas, I mean mamaya na natin yan pag-usapan?"

"Hindi kasi ako makatulog and--"

"Meynard, Meynard take a deep breath.. " utos ni Yasmine habang nakapikit.

"Impor--"

"I said take a deep breath, Meynard." muling utos na may kunti ng diin.

Walang nagawa si Meynard kundi ang sumunod sa nabulabog na witch. Huminga s'ya ng malalim at muling pinaulit ito sa kanya ng limang beses pa ni Yasmine. Sa pagkakataong yun, kumalma s'ya na parang ginamitan s'ya ng mahika.

"Sleep, okay? Bukas, shit, mamaya meron ka pa namang acting session. Matulog ka kahit isang oras. Gusto mo bang kantahan pa kita ng lullaby?"

Natawa na lang si Meynard, "No need po, Madam Witch." Ito ang kailangan n'ya na may sumupla sa kanya just to break the adrenaline and the idea rush. May hipnotismo man o wala.

"Good," humikab si Yasmine ng malakas para marinig ito ni Meynard sa kabilang linya, "Good morning Nard and goodbye."

"Yeah, good morning.. bye." Nahawa ng hikab si Meynard at sampung minuto matapos isara ang laptop, sa wakas nilamon na rin s'ya ng antok at kumawala sa reyalidad.

Alt Key: The Devil's Code (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon