CHAPTER 11
March 6, 2007
Masayang-masaya si Queeny dahil lahat ng kaibigan n'ya ay hindi lang pasok sa graduation, may mataas pang parangal na matatanggap. Maliban kay Miko. Nakakahiya mang malaman na ang kanyang boyfriend ay wala sa listahan, pero nagtaka rin s'ya kung bakit pangalan ng Dean ang nandoon. Sa pagkakataong iyon, karma ang idinidikit nang ilan sa mukha ni Miko dahil sa kayabangan nito. Ayaw na sanang tulungan ni Queeny ang kasintahan para madala, pero kung ang iba nga ay tinutulungan n'ya, si Miko pa kaya na malapit sa kanya hindi n'ya tutulungan.
Una din kasing nakilala ni Queeny si Miko dahil din sa pagmamalasakit n'ya. Isang araw, noong second year college sila, habang naglalakad siya papuntang canteen, nakasalubong n'ya ang dalawang babaeng halatang naiiritang nagkukwentuhan tungkol sa isang lalakeng parang hari kung makaasta. Malaki nga ang katawan, utak ipis naman... hindi, utak langaw, bawi naman ng isa. Nakilala n'ya ang tinutukoy ng dalawang babae, nang umupo siya sa kaharap nitong mesa. Kita ang pagkabalisa at halos mabutas na ang noo sa kakatusok ng likurang bahagi ng ballpen habang tinititigan ang libro ng blankong paningin. Algebra ang sinosolve ni kolokoy. Lumapit s'ya rito at doon nagsimula ang relasyong binigkis lang ng kapirasong papel na kahit pa naaayon sa hula na alam naman n'yang wala itong kaugnayan, dahilan para sagutin n'ya ito matapos lang ang isang linggong ligawan. Gaya ng papel, mahina, marupok dahil minsan na rin silang naghiwalay noong isang taon dahil lang sa ugnayan n'ya kay Yasmine kung saan napag-awayan nila ang pagsuot n'ya ng 666 na t-shirt. Naayos naman nila kaagad matapos ang tatlong araw.
Naulit ang eksena sa canteen nang makita n'yang balisa ang kasintahan dahil hindi nakasama ang pangalan nito sa listahan ng makaka-graduate. Hindi lang ito ang problema nito dahil nang ikumpirma nila, bagsak ang grado ng tatlong subjects nito ayon sa master file. Dalawa ang kaagad nilang naayos dahil salungat ito sa records nang kanyang dalawang professors. Maliban sa isa na gusto siyang paulitin ng exam. Napapayag lang ito sa isang kondisyon - makikinig sila nang isang oras ng makapanindig balahibong networking talk. Isang makapal na kurot sa hita ang pinakawalan ni Queeny na halos magkulay kamatis ang mukha ni Miko.
Matapos ang nakakapangilabot na talk, sa paglabas nila ng silid, nakasalubong nila sina Meynard at Ulysses. Isang matalim na tingin ang ipinana ni Miko. Matagal na tinitigan si Ulysses, halos mapaluha na sa di pagkurap nito at halos umikot na ang ulo ng 180 degrees dahil hindi nito binitawan ng tingin si Ulysses. Tanging batok sa ulo galing Queeny ang nagpabalik sa ulirat nito. Napangiti na lang ang dalawang hacker dahil sa mga tingin ni Queeny alam nitong sila ang salarin.
March 29, 2007
Dalawang araw bago ang pagtatapos, kaarawan ngayon ni Miko. Kinukulit nito si Queeny.
"Wala ka ba talagang naaalala ngayon? Ano ba kasi yang pinagkakaabalahan mo?"
"Miko, naiirita na ako sa'yo. Pang-anim na yang tanong. Isa pa at ipapalamon ko na itong papel sayo." Kinuha ang cellphone sa bag at tinawagan si Yasmine. Kahit maangas ang hanging dala ni Miko, marami ang nagtataka kung bakit pagdating kay Queeny, para itong flat na gulong. Marahil sadyang mabait naman ito paminsan-minsan, pahayag ng iba, maliban kay Yasmine.
"Yas, pwede ka ba mamaya? May ipapakita lang ako sa'yo na siguradong..." nang biglang agawin ni Miko ang hawak nitong papel..."Mikoo!!"
"Ano bang meron dito at mas inuuna mo pa ito kaysa sa akin?"
Namumuro na si Miko kay Yasmine. Sa kabilang linya, hindi napigilan ni Yasmine na magsalita ng Latin.
![](https://img.wattpad.com/cover/63279792-288-k315868.jpg)
BINABASA MO ANG
Alt Key: The Devil's Code (Completed)
Mystery / ThrillerScifi/Paranormal A dark mystery yet to be unfolded. An incident that abruptly altered the life of a simple girl. The catalyst of the Devil to accomplish centuries old plan, exploiting ancient and modern inventions. But the...