38. Star-crossed

313 37 12
                                    

CHAPTER 38

May 25, 2013

Balak sanang kausapin ni Yasmine si Ulysses noong nakaraang araw nang mabalitaan n'ya kay Meynard na natapos na rin sa wakas ang ginagawa nitong Project. Ngunit hindi ito natuloy, dahil nagkaroon kasi sila ng kaunting selebrasyon sa bahay ni Art dahil naging matagumpay ang Project na kanilang pinaghirapan ng mahigit tatlong taon. Naimbitahan dito si Meynard kung saan s'ya ang naging unang saksi sa test run nito. Sa nasaksihan ni Meynard, dito na lalong bumilib si Meynard sa galing ng kaibigan.

Napawi din ang kanyang pangamba dahil malayo ito sa inakala n'yang posibleng gawin ni Ulysses. Nagkaroon kasi ng buhay ang kanyang cyber-clone gamit ang ilan sa kanyang memorya. Ngunit ang hindi n'ya inaasahan ay ang  bago nilang Project na batay parin sa DNA. Ito ay ang cyber-reality kung saan ang isang cyber-clone ay pwedeng mapagalaw gamit ang isip ng tao sa tulong ng isang improvised helmet. Ang kakaiba dito, halimbawa, kapag ang dalawang cyber-clone ay nagkaharap sa isang scenario sa internet, ano man ang gawin ng dalawa ay mararanasan nila ito na parang ginawa nila sa totoong buhay. Hindi pa man ito pulido pero abot kamay na nila ito.

Hindi ito naikuwento ni Meynard kay Yasmine dahil ang gusto n'ya, kay Ulysses mismo manggaling. Nang tawagan ni Yasmine si Ulysses para sana makausap ito ng personal, balak din pala nitong makipagkita pero sa 25 pa. Gusto sana nitong surpresahin si Yasmine at dahil nalaman na n'ya kay Meynard, sinabi na lang din n'ya na hindi s'ya pwede dahil nga sa gagawin nilang test run at sabay na rin sa kanilang celebration. Binati na lang din ni Yasmine si Ulysses sa tagumpay nito at nag-set na lang sila ng ibang araw, sa 25 sa dating plano ni Ulysses.

Kinakabahan si Yasmine sa maaaring kahinatnan ng muli nilang pagkikita ni Ulysses. Hindi n'ya alam kung paano ipapaalam sa binata ang kanyang naging desisyon na parang isang leong sasakmal sa pagkalalake nito. Gusto sana kasi n'yang makausap muna ito bago pa man ibigay kay Miko ang matamis nitong oo. Kahit si Queeny ay hindi na muna n'ya ipinaalam kahit gusto n'ya sanang kunin ang opinyon nito.

Bumili si Yasmine ng simpleng damit. Isang shaded dark gray sweatshirt na parang hinabi na may maliliit na zigzag patterned design. Mixed of lighter gray and black sa baba hanggang sa maging darker ang itaas nito. Black skintight pants at puting sandals naman ang ibinagay n'ya dito. Kabaliktaran sa suot n'ya ng magdate sila ni Miko kung saan ngayon ay balot na balot s'ya. Simple din ang make-up n'ya na dati ay may pagka-gothic. Nakalugay lang ang shoulder-length na buhok n'ya.

Napapansin na n'ya sa kanyang sarili maging ang kanyang Lola na napapadalas na ang pagsuot n'ya ng mga pang-girly na damit, pero hindi parin nawawala sa kanya ang itim na kulay.

Hindi na rin s'ya nagpasundo sa bahay nila at sinabi na lang n'ya kay Ulysses na may bibilhin muna s'ya sa mall at dun na lang s'ya nito sunduin. Makalipas ang isang oras, matapos itext si Ulysses na okay na s'ya, sa National Bookstore s'ya nito natagpuan. Hindi kaagad nakilala ni Ulysses si Yasmine dahil nanibago ito sa ayos nito. Lalo s'yang nabighani kahit hindi sila nag-match ng suot dahil naka-white printed shirt lang s'ya.

Sa pagkakataong yun, bagay na ang suot ni Yasmine sa lugar nang dalhin naman siya ni Ulysses sa isang mamahaling Japanese restaurant. Gaya ng dati, ala na naman s'yang alam sa mga pagkaing imported kaya nagpatulong na lang s'ya kung ano ang masarap. Matapos makuha ang kanilang order, si Yasmine na ang unang nangumusta. Medyo nag-aalangan siya dahil alam n'ya na may masasaktan s'yang taong napalapit na rin sa kanya.

"M-Musta Uls? Congrats pala sa Project n'yo. Grabe ang galing n'yo." Kulang ang confidence n'ya ng binitiwan n'ya ang mga salitang ito.

"Thanks. Bago pala ang lahat, gusto ko sanang humingi sayo ng pasensya for neglecting you this past days. So sorry Yas kung nakalimutan ko yung birthday mo."

Alt Key: The Devil's Code (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon