52. Interconnectedness

378 34 16
                                    

CHAPTER 52

Tumanggi ang dalawa sa alok na kape ni Meynard. Parang sa tingin n'ya ay hindi mababawasan ang inorder na pizza ni Queeny. Pero s'ya, kailangan na n'yang kumain dahil nakakaramdam na s'ya ng pagkahilo kahit pa nabawasan na ang sakit ng kanyang ulo.

"Ayaw n'yong kumain?" kumuha ng isang piraso si Meynard. Umiling lang ang dalawa. Halatang apektado sa mga nangyayari lalo na siguro kapag nalaman ni Queeny ang sinapit ni Ulysses.

"Sandali ha, di pa kasi ako nag-lunch. Wait, kuha lang ako ng tubig." Tumayo itong tangan-tangan ang pagkain. Kumuha ng pitsel at dalawang baso. Sinalinan ang mga ito at ibinigay ang isa kay Queeny. Matapos maubos ang pizza at makainom ng tubig, muling ipinagpatuloy ni Meynard ang pagsalaysay.

"Bago pala ako dumako sa sinabi kong petsa kanina, balik tayo sa YOU." Binuksan ulit ang laptop, tinungo ang MS Word at tinayp ang Y O U sa 40 points. Habang hina-highlight ito at klinik ang Font, "Alam n'yo ba kapag kinonbert nyo ang salitang Y-O-U sa Wingdings Font ay--"

"Hexagram, flag at cross." pasingit na sabi ni Yasmine. Napalingon si Queeny sa kaibigan. Hindi na maintindihan ni Queeny ang mga naririnig. Pero sa timbre ng pananalita, alam n'yang naiinis na si Yasmine. Nagulat din si Meynard sa biglang pagsagot ni Yasmine.

"C-correct. At ang letter O ay.. ay ang panglabin-limang letra sa Latin alphabet and fifteen is.. is also the numerical symbol of.. of Saturn." Nahalata na rin ni Meynard ang pagbago ng mukha ni Yasmine pero itinuloy pa rin n'ya ang pagkuwento. Hindi na n'ya sinabi ang tungkol sa tattoo ng dalawa.

"At.. at eto pa. Dito ako namangha, kapag pinalitan mo ang YOU, pero sa ngayon ay Wingdings 2 na Font naman."

Nagtayp ulit ng YOU si Meynard at pinalitan ang Font sa Wingdings 2. Numerong 5 6 1 ang lumabas. Walang reaksyon ang dalawa. Samantalang si Yasmine ay hinihilot na ang kanang sintido ng kanang kamay.

Kinuha muli ang sketch pad at sa next page isinulat ang tatlong numero sa pormang triangle. Sa taas ang six, bottom left ang five at bottom right naman ang number one.

6
5 1

"Compare mo ito Yas sa birthday n'yo ni Ulysses, may nakikita ka bang pattern?"

Hindi sumagot si Yasmine. Si Queeny na lang ang sumalo na aminadong namangha rin.

"Holy smoke! Totoo ba ito? Ang birthday ni Yasmine ay May 1, 1986 or 516 at kay Ulysses naman January 1, 1986 or 156. At five plus one is.." Hindi na naituloy ni Queeny ang gusto n'yang sabihin nang biglang sumingit si Yasmine. Galit at may diin ang mga salita.

"So anong gusto mong palabasin Meynard na.. na may kaugnayan ako sa kanila, ha?! Oo, ako nagturo kay Ulysses ng witchcraft at kung anu-ano pang kaalamang itim. Yan ba ang gusto mong idiin na tinutulungan ko s'ya? Pesteng YOU na yan, hanggang ngayon hindi na ako pinatatahimik!" Tumulo na ang luha n'ya kasabay na nilamon ng iyak ang mga salita n'ya.

"S-sis, calm down," tinapik ni Queeny sa braso si Meynard na nasa gitna para lumipat ng puwesto sa single sofa. Hinawakan ni Queeny ang kanang braso ni Yasmine ngunit hinawi lang s'ya nito sabay tayo.

"Anong gusto mong mangyari, na.. na ako na ang susunod sa kanila na magpapakamatay. Ano Meynard, magbibigti rin ba ako, maglalaslas ng pulso, mag-iinom ng lason?!! ANO, SABIHIN MO NA NG MATAPOS NA ITOOH!!!"

Nagulat si Queeny sa sinabi ni Yasmine at napatingin kay Meynard. Agad namang tumalikod si Yasmine at mabilis na lumabas ng bahay. Tumayo din si Queeny pero bago nito sinundan ang kaibigan, nag-iwan muna ito ng paalala kay Meynard habang tinuturo ito.

"Mag-uusap tayo."

Sa may balkonahe naabutan ni Queeny ang kaibigan na nakaupo sa isang steel chair. Lumapit s'ya at muling inakap ito.

Alt Key: The Devil's Code (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon