CHAPTER 34
February 27, 2013
Maikli pa ang anim na taon para sabihing matatag na ang kanilang samahan. Pero lingid sa kaalaman ng iba, marami na rin ang naitulong ng Hexon Group sa ibat-ibang serbisyong pangkawang-gawa. Ang kanilang misyon ang s'yang nagbibigkis sa kanila hindi lang bilang isang Hexon kundi bilang mamamayang Pilipino.
Hindi sila nagpapakila bilang Hexon kapag meron silang nais na pag-abutan ng tulong kundi The 6th ang gusto nilang itawag sa kanila. Ninais kasi nila na maging pribado ang pangalan ng kanilang grupo. Kadalasan ay sa larangan ng edukasyon naka sentro ang kanilang pagtulong. May mga pagkakataon ding nagvo-volunteer sila sa mga relief operation kapag may mga sakuna. Pero ang hindi nila malilimutan ay ang araw kung saan meron silang nailigtas na mag-anak sa pang-aabuso ng kinakasama ng ina.
Sabado ng May 15, 2010, dalawang buwan bago tumulak si Reyner papuntang Dubai, naghanda sila para sa isang hiking and trekking sa isang malayo at liblib na lugar sa bayan ng Maipon, Guinobatan Albay. Pasok ito sa 6-kilometer danger zone ng Bulkang Mayon kaya't medyo pinag-iingat sila dahil kakatapos pa lang ang eruption nito noong December nang nakaraang taon. Halos tanaw na nila ang bunganga ng bulkan nang marating nila ang lugar.
Umalis sila sa Manila nang mga alas kuatro ng madaling araw lulan ng isang renentahang van at nakarating sila sa centro ng Guinobatan ng alas tres ng hapon. Dala ang ilang gamit, pagkain, gamot at dalawang camping tents para kung sakaling hindi sila magkasya sa bahay na kanilang tutuluyan ay meron silang matutulugan. Ang misyon nila ay makasalamuha ang isang pamilyang salat sa buhay kung saan makikitulog sila ng isang gabi. First time nila itong gagawin at balak sana nilang gawin itong taon-taon. Ang isa pang misyon nila ay malaman at kilalanin ang sekta o relihiyon na kanilang kinabibilangan na may maliit lamang na kongregasyon.
Yun ang itinurong lugar ng asawa ni Connery na isang Albayano. Isa kasi ito sa mga mahihirap na barangay sa Albay. Pero meron itong sektang tinatawag na Lola ng Maipon na sinasabing huling propetang magliligtas sa tao. Ang ipinapalaganap nilang pangaral na nasa kanila daw ang The True Salvation without sufferings and without deaths. Hango din ito sa Katolisismo dahil meron din silang mga religious images. Nais sana nilang makausap si Lola Maria ng personal kung hindi lang sana dahil sa insidenteng kanilang nakaharap.
Tatlong araw bago ang kanilang misyon, nakipag-coordinate na muna sila sa Kapitan ng barangay. At doon na rin sa bahay ni Kapitan iniwan nila ang van.
Alas kuwarto ng hapon, habang naglalakad sila sa medyo masukal at maniyog na lugar, nakarinig sila ng nag-aaway at nag-iiyakan. Natanaw nila ang isang maliit na kubo at maingat nila itong nilapitan. Sa labas ng pinto, may dalawang lalakeng nakaabang at bahagyang nakasilip sa loob. Halos kumulo ang dugo nila nang makitang wala na itong mga saplot sa ibaba at hawak-hawak ng mga ito ang kanilang mga ari.
Hindi sila napansin ng mga ito kaya kaagad kumilos ang mga lalake at nagpaiwan ang mga babae ilang metro ang layo. Iniwan ng tatlo ang kani-kanilang dalang gamit. Nagtago naman ang tatlong babae sa isang malaking puno ng pili.
Nakakuha kaagad sina Meynard at Reyner ng dalawang pirasong kahoy para pangdepensa sa kanilang sarili. Ngunit si Connery na expert sa martial arts ay mga kamay lang ang sandata. Sumenyas si Connery sa dalawa para sa target nila at ang isa naman sa kanya.
Dalawang metro, napansin sila ng isa at mabilis na hinablot nito ang kanyang pantalon at kumaripas ng takbo ngunit hinabol ito ng mga nagsiliparang kahoy. Sapul ito sa ulo ng ibinatong kahoy ni Reyner. Bumaksak pero agad ding bumangon at tumakbong hindi na bit-bit ang pantalon.
Samantalang ang isa ay hindi na nakapalag. Nahawakan ito ni Connery sa damit at malakas na ibinalibag sa maliit na mesang kanilang iniinuman. Laglag ang paubos ng bote ng gin maging ang ilang nakapatong dito. Hindi ito natinag at matapang na umatake ngunit sapatos ang sumalubong sa kanyang dibdib. Sa lakas ng tama, napaatras ito, tumama ang likod sa dingding at napahandusay. Kinapos ng paghinga pero dahil marahil sa adrenaline muli itong bumangon at nagpasuray-suray na tumakbo papalayo. Naiwan nito ang pantalon. Ang amain naman na nasa loob ay hindi na rumesbak pa. Sa likod na bintana ito dumaan at mabilis na tumakas.

BINABASA MO ANG
Alt Key: The Devil's Code (Completed)
Mystère / ThrillerScifi/Paranormal A dark mystery yet to be unfolded. An incident that abruptly altered the life of a simple girl. The catalyst of the Devil to accomplish centuries old plan, exploiting ancient and modern inventions. But the...