44. Boa and Arrow

405 38 20
                                        

CHAPTER 44

June 3, 2013

5:15 pm

Biglang kinabahan si Yasmine. Tiningnan n'ya ang kanyang cellphone, walang Miko na nagparamdam. Tinawagan n'ya ito pero hindi nito sinasagot ang kanyang mga tawag. Sinubukan na lang n'yang mag-text.

"Hi, musta mga lakad mo? Sori sobrang bc kami knina sa skul."

Naghintay ng ilang segundo, walang reply na dumating. Muli n'ya itong tinawagan, unattended pa rin.

Marahil ay nasa byahe pa ito, sinusubukan n'yang pakalmahin ang kanyang sarili. Hindi n'ya namalayan na ilang blocks na lang ay malapit na s'ya sa kanilang bahay. Nang marating ang bahay, binayaran ang taxi driver, pumasok sa bahay at dumiretso kaagad sa kuwarto. Nasa labas kasi ang kanyang Lolo at Lola.

Naghubad ng damit at nang mag-ring ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng kama, simbilis ng kidlat na dinampot n'ya ito sa pag-aakalang si Miko ito. Ngunit si Queeny lang pala ang tumatawag. Napaupo s'ya kama at sinagot ang kaibigan.

"Hello, Queen."

"Hey witch. Nabalitaan ko pala ang nangyari kay Gab. Grabe naman ang gumawa nun."

"Oo nga." Kaso lalo s'yang nangamba nang marinig ang pangalan ni Gab. Gusto na n'yang putulin ang linya para tawagan muli si Miko. Ngunit hindi n'ya na ito magagawa sa kaibigan lalo pa't may ipagtatapat din s'ya. "P'wede ba tayong mag-usap mamaya? Tawagan kita later" napansin n'yang naka-panty lang pala s'ya.

"Sure. Bakit hindi na lang tayo magkita mamaya? Treat ko na lang dahil parang wala ka sa sarili. Ang tamlay ng boses mo."

"Ayos lang ako. Umuwi ka ba?" tanong ni Yasmine.

"Di man akong natuloy pa-Subic. May ipapaasikaso kasi sakin dito si boss ng one week. Game ka ba mamaya?"

"Okay shoot. Pero huwag tayong masyadong magpapagabi, ha? May gagawin pa kasi ako."

"Oki. Papunta na ako d'yan."

"Okay, bilis mo naman.."

"Ay Yas sandali, napanood mo na ba yung viral video sa net? Malupet, sinadista ang sarili."

"Oo, pero hindi ko na tinapos. Disturbing masyado."

"Yeah, disturbing talaga. Pero nakita mo ba yung iniukit nito sa kanyang dibdib gamit ang labaha? Mas disturbing yun para sa akin."

"H-hindi. Ang layo kasi ng fast forward ko. Ano yun?"

"Walang iba kundi ang isa sa simbolo natin. Ang hexagram."

"Hexagram? No kidding."

"I'm not. Kung gusto mong panoorin, ifast forward mo sa 48 minutes. O s'ya mag-ayos ka na at malapit na ako d'yan. Maya na lang natin yan pag-usapan. See you, sis."

"Okay, see yah."

Bago nagbihis, muli n'yang tinawagan si Miko at gaya kanina walang Mikong sumasagot.

Hexagram? tanong n'ya ulit sa kanyang sarili. Shit.

*****

5:47 pm

Alam n'yang bilang na ang kanyang mga araw dahil malalaman na rin ng kapulisan ang kaugnayan n'ya sa karnaping, kidnaping at ilang serye ng pagpatay. Kaya bago pa man ang araw na yun, kailangan na n'yang magtago. Dahil kapag nangyari yun, hindi lang awtoridad ang magha-hunting sa kanya kundi pati na rin ang sindikatong kinauugnayan n'ya. Isasama n'ya sa pagtakas ang kanyang kabit na si Samantha. Isang entertainer sa club at part-time pusher ng ecstasy.

Alt Key: The Devil's Code (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon