Present Time

424 36 13
                                    

February 12, 2017

Para kay Yasmine, ang kamatayan ay isang tuldok sa unahan ng bagong talata. Nangangahulugan lang na may sisibol pang panimula at muling isusulat, ilalathala ng tadhana.

Lumipas ang labing-tatlong taon nang baguhin ng trahedya ang kanyang simpleng buhay na nagbigay daan naman para mabuo n'ya ang Hexon Group. Dumating si Miko at kasabay naman nitong nalagas ang pangalawa n'yang pamilya. Pero hindi dito nagtapos ang pag-ikot ng kanyang kapalaran dahil sa ngayon, kaharap n'ya ang pinaka rason kung bakit lahat iyon ay naganap ayon sa itinakda.

Si Mikey, ang regalo sa kanya ng langit para ipagpatuloy ang misyon na kanya ng lubos na tinanggap kahit pa ang daang kanilang tatahakin ay wala pang katiyakan.

Nangilid ang kanyang luha nang maalala ang kanyang Lola habang pinagmamasdan ang kanyang anak na nakikipaghabulan sa ilang bata. Alam n'yang masaya ito kahit pa ni nais sana n'yang makita at mayakap nito ang kanyang apo.

"Mikey, pahinga na muna ng saglit at baka mawalan ka ng hangin mamaya. Magbo-blow ka pa ng candles." paalala nito sa anak.

"Sandali na lang po, Nanay." pasigaw nitong sagot.

"Huli ka!" bigla namang sumulpot ang kanyang Lolo at inakap si Mikey sa likuran.

Napangiti na lang si Yasmine sabay sabing.. "Sana napapanood mo ito Lola."

Napawi ang kanyang pagbabalik-tanaw nang isang babae ang lumapit sa kanyang anak at may iniabot itong regalo. Nagpasalamat at nagmano si Mikey at kinamayan naman ito ng kanyang Lolo.

Lumapit s'ya dito para kanyang anyayahan. "Hi, Mrs. Meneses. Salamat at nakapunta kayo. Kain po muna kayo."

"Salamat hija pero hindi naman ako magtatagal. May pupuntahan pa kasi ako. Iniabot ko lang yung.. yang regalo." Tinignan ng ilang segundo si Mikey. "Ang bilis ng panahon, ano?"

Ngumiti at tumango lang si Yasmine pero sa likod nito, may hindi s'ya maintindihang pakiramdam.

"So, paano.. alis na ako. Happy birthday Mikey." turan ni Mrs. Meneses habang hinahaplos nito ang mahabang buhok.

At makalipas ang dalawang oras, sa sala na nila binuksan ang mga regalo at panghuling binuksan ang regalong galing kay Mrs. Meneses. Nanghinayang ang kanyang Lolo nang bumungad sa kanila ang isang piguring anghel na putol ang isa nitong pakpak. Ngunit iba ang gustong ipahiwatig nito kay Yasmine dahil sa pagkakataong iyon, kilala na nila ang bawat isa.

* The New Beginning *

PLEASE VOTE, COMMENT AND SHAREThank you

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PLEASE VOTE, COMMENT AND SHARE
Thank you

Soundtrack para sa ending.. hehe.

A/N:

This is it. Maraming salamat sa mga hindi bumitaw hanggang dito. Sana muli n'yong tangkilikin ang susunod kong story na ilalabas ko sa February 14 , sa mismong araw ng mga puso. Sakto naman kasi ang genre nito na Scifi/Romance na may titulong Love Against Time. Sana pusuan n'yo rin ako.. hahaha.

O s'ya, kita-kits ulit. Thanks.

Kaching!

Alt Key: The Devil's Code (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon