31. Recruit

391 41 27
                                    

CHAPTER 31

October 14, 2012 2:15 pm

Pilit isinasantabi ni Yasmine ang tagpong nagpapukaw sa damdaming hindi na sana muling sumibol kung hindi lang dahil sa isang tingin. Saka din lang n'ya napagtanto na marahil ay yun ang naging paraan ni Miko para makuha nito ang kanyang buong atensyon at syang naging daan para magkaharap sila. Ngunit ang isa sa ipinagtataka n'ya ay ang bigla nitong pagkawala ng halos dalawang buwan. 

Naudlot ang kanyang paglalakbay-diwa nang mapansin n'yang nasa unahan na pala s'ya ng pila at tinatanong na s'ya ng babae sa counter kung ano ang kanyang order. Tigtatatlong coffee, burger at french fries ang kanyang inorder. Matapos mabayaran, dala ang isang tray, agad s'yang nag-ikot para maghanap ng bakanteng mesa. Sakto namang paalis na ang tatlong estudyante kaya dali-dali n'ya itong tinungo. Tinawag ang attending crew para iligpit ang naiwang kalat, at inilapag ang dala matapos malinisan ang mesa. Tinimpla ang kape at humigop ng kunti habang hinihintay ang katagpuan.

Muli n'yang naalala si Miko. Pesteng bubuyog 'to, pilit hinahawi ng utak ang umaali-aligid sa kanyang pusong singtamis ng honey. Pasalamat s'ya dahil tumatawag si Reyner kaya kahit papaano'y malilingat si bumblebee... ng pansamantala.

"Hey Green Rey!"

"Hi founder. How's the beautiful and charming witch in town? Nasan ka ba ngayon at bakit parang medyo maingay dyan?"

"I'm good Rey. Musta ka? Nasa McDo may hinihintay na kaibigan. Heto, na ata s'ya." Pinaypay n'ya si Zeny at agad naman s'ya nitong nakita. "S'ya yung natitipuan kong maging bagong myembro ng Hexon Group." Umupo ito sa harap n'ya.

"Hi kamo."

"Hi daw sabi ni Reyner. Siya yung sinasabi ko sayong engineer na nasa ibang bansa. S'ya ang pinakamayaman sa grupo namin." sabi nito kay Zeny habang tinuturo ang kanyang sariling telepono.

"Hello po." pahayag ni Zeny at napasulyap sa katabing upuan ni Yasmine.

"Huwhat!? Mayaman kamo sa buhangin." Bahagya ding napatingin si Yasmine sa kanyang kaliwa.

"Kailangan ba ang bakasyon mo dito? Makakauwi ka ba sa foundation day natin next year?

"Yan nga ang itinawag ko. Hindi ako pinayagan ni boss umuwi this coming February dahil kailangan naming makaabot sa deadline sa ginagawa naming condo. Baka sa May or June na ako makauwi. Sorry."

"Ay sayang naman. Anyway nandyan naman si Skype." Humigop ito ng kape at sumenyas kay Zeny para sa kape din nito.

"Yeah. Uy, malapit na pala ang D-day, two months na lang. Ano pala ang ibabaon mo?

"Alin yung sinasabi ng Mayan calendar na sa December 21, 2012 daw mangyayari ang itinakdang pagkagunaw ng mundo?"

"Yap. Hot topic na nga yan kahit dito sa amin."

"Nanananaman naman. Hindi na tayo natuto sa pang-uuto nila. Remember yung June 6, 2006?"

"Oo naman. Yeah, naalala ko na nagpagawa ka pa nga noon ng t-shirt ng 666. I like that shirt." Uminom ng kape si Zeny pero napansin ni Yasmine ang paggalaw ng mata nito papunta sa kanyang kaliwa na parang may tinitingnan.

"At dahil dun sa shirt, ikaw ang una kong naging recruit sa Hexon Group."

"Tumpak. Alam mo, marahil dahil dun sa pelikulang 2012 kaya napaparanoid ang mga tao ngayon. Napanood mo ba yun?

"2012? Yung movie na pinagbibidahan ni John Cusack? Oo, napanood ko. Kung totoo man yun, dapat ngayon pa lang nararamdaman na natin ang sinasabi nilang delubyo hindi yung mismong araw na itinakda na package na lahat at sa isang iglap, nag-rally ang lahat ng disasters. Tunaw ang mundo. At sa tanong mo na kung ano ang baon ko? Fita lang." Muli naman gumalaw ang mata ni Zeny. Tumingin sa may bakanteng upuan.

Alt Key: The Devil's Code (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon