Prologue

232 11 2
                                    

Ang maglakad papunta sa altar ay ang pangarap ng bawat babae. Pero this time hindi pa naman ako ikakasal. Trip lang talaga ng baliw kong boyfriend na maglakad ako papunta sa kanya. Sa altar kung saan niya ako hinihintay.

Nagkataon kasi na pumayag ako sa kabaliwan ng boyfriend ko. Magkunwari daw ako na ikakasal kami ngayon. Kaya, ayon... ginawa ko naman. At ngayon naglalakad ako sa gitna habang nakasuot ng bistidang puti.

Habang naglalakad ako kakaiba yung pakiramdam. Parang walang problema na pwedeng sumira ng araw ko.

Eto naman ako naluluha tuloy ako kahit alam kong kunwari lang ang lahat.

At yung baliw ko naman na boyfriend natatawa sa akin habang tinatanaw ako.

Ng makalapit ako sa kanya hinawakan niya yung mukha ko at pinunasan yung nababasa kong pisngi.

''Wag kang umiyak, mahahalin pa kita.'' Natatawa niyang wika.

''Wag ka nga diyan.'' Sambit ko tska hinampas ko siya ng mahina sa braso niya. Maslalo pa tuloy siyang natawa. ''Hindi ko kasi alam kung paano mo ako napapayag sa mga kabaliwan mo.''

''Kahit ako hindi din ako makapaniwala na gagawin mo talaga yung sinabi ko.'' Panimula niya. Para akong matutunaw sa mga titig niya sa akin. ''Hindi ko din inaasahan na maiiyak ka...'' bigla siyang natigil at natawa ng mahina. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa tska niya binalik yung tingin sa mga mata ko. ''Pero mas 'di ko inaasahan na susuot ka ng puting bistida.''

Tiningnan ko tuloy siya ng masama kaya mas lalo pa siyang natawa.

Ayoko kasi ng puting bistida tska ayoko din magsuot nito. Pero napilit niya pa rin ako magsuot nito. Things I do for love.

Hinalikan niya ako bigla sa noo ko. Tska niyakap niya ako ng mahigpit.

''God knows how much I love you.'' Sambit niya.

Kahit paulit ulit niya na akong nasabihan kung gaano niya ako kamahal. Parang first time palagi ang pakiramdam. Yung parang nagwawala na yung puso ko o kaya naman di ako makahinga. Yung tipong pag nasa jeep ka sisigaw si manong na maluwag pa kahit nagsisiksikan na.

Kumawala na siya sa yakap at hinarap niya ako. May mga luha akong nakita sa mga mata niya. Balak ko sanang punasan iyon gamit ang mga kamay ko pero hinawakan niya yung mga kamay ko.

''I wanted to spend the rest of my life with you.'' Seryoso niyang wika. Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko. ''Sorry 'cause i can't offer you a ring right now...'' parang alam ko na kung anong gagawin niya. Pero kahit ganon kinakabahan pa rin ako. ''All I can offer is my love.''

Naiiyak nanaman tuloy ako. Buti nalang walang tao sa loob ng simbahan maliban sa aming dalawa.

''I'll risk it all kung ang kapalit nun ay ang makasama ka hamabang buhay.'' Natatawa siya sa ginagawa niya pero may mga luha na tumutulo sa mata niya. ''I want to ask a question... pwede bang maging akin ka habang buhay?''

Pwede bang maging akin ka habang buhay?

---

Will You Be Mine
By: cutezilent
All Rights Reserved ®

Will You Be Mine  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon