Chapter 7

62 7 0
                                    

[I found him]

Gwent's POV

''Gwent, anak nga pala siya ni tita Brianna...'' panimula ni Yohan. Dahan dahan na humarap sa amin yung lalaking tinutukoy niya. ''Siya pala si Brylle.''

Natulala nalang ako sa kanya. Ngumiti lang sa akin si Brylle tska tinaas niya yung kamay niya upang makipag kamay. Hindi ko na napigilan yung mga luha ko.

Biglang pumasok sa isipan ko yung mga nangyari ng huli naming pagkikita...

(Flashback...)

Ang maglakad papunta sa altar ay ang pangarap ng bawat babae. Pero this time hindi pa naman ako ikakasal. Trip lang talaga ng baliw kong boyfriend na maglakad ako papunta sa kanya. Sa altar kung saan niya ako hinihintay.

Nagkataon kasi na pumayag ako sa kabaliwan ng boyfriend ko. Magkunwari daw ako na ikakasal kami ngayon. Kaya, ayon... ginawa ko naman. At ngayon naglalakad ako sa gitna habang nakasuot ng bistidang puti.

Habang naglalakad ako kakaiba yung pakiramdam. Parang walang problema na pwedeng sumira ng araw ko.

Eto naman ako naluluha tuloy ako kahit alam kong kunwari lang ang lahat.

At yung baliw ko naman na boyfriend natatawa sa akin habang tinatanaw ako.

Ng makalapit ako sa kanya hinawakan niya yung mukha ko at pinunasan yung nababasa kong pisngi.

''Wag kang umiyak, mahahalin pa kita.'' Natatawa niyang wika.

''Wag ka nga diyan.'' Sambit ko tska hinampas ko siya ng mahina sa braso niya. Maslalo pa tuloy siyang natawa. ''Hindi ko kasi alam kung paano mo ako napapayag sa mga kabaliwan mo.''

''Kahit ako hindi din ako makapaniwala na gagawin mo talaga yung sinabi ko.'' Panimula niya. Para akong matutunaw sa mga titig niya sa akin. ''Hindi ko din inaasahan na maiiyak ka...'' bigla siyang natigil at natawa ng mahina. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa tska niya binalik yung tingin sa mga mata ko. ''Pero mas 'di ko inaasahan na susuot ka ng puting bistida.''

Will You Be Mine  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon