Chapter 10

67 7 0
                                    


[Ribbons]

"Akala ko di mo na babalikan ang apo ko." Sambit ni Grandma habang nakayakap pa rin siya sa akin.

Medyo matagal kami sa posisyon namin ng biglang lumuwag yung pagkakayakap sa akin ni Grandma. Nakangiti pa siya ng harapin niya ako.

Sa totoo lang paranghahatiin na yung katawan ko at gusto nang lumabas ng puso ko sa sobrang kaba sa kung ano ang sasabihin ni Grandma ngayon.

Nakita ko bigla yung unti-unting nawala yung mga ngiti sa mukha niya at biglang kumunot yung noo niya.

"Teka sino ka nga pala?" Pagkasabi noon ni Grandma nakahinga ako ng maluwag. May part sa akin na nalungkot ako.

Pero inisip ko nalang na normal na iyon kay Grandma. Meron siyang alzheimer, normal na din iyon sa kanya kasi matanda na din si Grandma.

"Ma, she's Gwent..." Panimula ng mommy ni Yohan. "She's Yohans' girlfriend... and soon she'll be part of our family."

Ngumiti naman sa akin si Grandma. Kita ko na malungkot yung mga ngiting iyon. Inalalayan na din siya ni ate Pauline para makaupo.

"Yohan already introduce you to her." Bulong ng mommy ni Yohan sa akin. "Meron siyang alzheimers kaya siguro bigla ka niyang nakalimutan matapos niyang tawagin pangalan mo."

Matapos noon umupo na kaming lahat sa isang mahabang mesa. katabi ko si Yohan samantalang kaharap ko naman si Brylle. Napapansin ko pang napapaiwas sa akin ng tingin si Brylle. Di ko alam kung naiilang siya sa akin o baka nag a-assume lang ako.

Habang kumakain kami ako ang palaging laman ng kwentohan at napapatanong pa sila ng kung anu-ano at kung paano kami nagkakilala ni Yohan.

Nagkwento nalang ako na admirer ako ni Yohan dati pa at super suplado niya at bihira lang manpansin at snobero. At sinubukan ko lahat para pansinin niya ako pero bigo ako. Until oneday ng napagod na ako sa paghabol sa kanya ginawa ko lahat para iwasan siya. At kung mamalasin naman nagkataon noon na mayhumarang sa akin na mga lalaki at tanging si Yohan lang ang tumulong sa akin. Na para bang siya yung super hero ko. At simula noon lagi na ako nakabuntot sa kanya at sinikap ko malaman kung bakit ganon na lang siya kalungkot palagi. Until one day we became friends and di inaasahan na magkakagusto na din pala siya sa akin.

Pagkakweto ko ng lahat ng iyon bigla akong natawa ng wala sa sarili. Di dahil sa alibi kong kwenento, kundi sa totoo iyong mga pangyayaring iyon... iyon nga lang kwento namin 'yon ni Brylle.

Napatingin agad ako sa kaharap ko. Para akong sinaksak ng makita ko si Brylle na nakatingin lang sa akin at para bang kahit na ano man sa mga kwento ko ay wala siya maalala tungkol sa akin.

Nararamdaman ko na gusto ng tumulo ng luha ko kaya inalis ko yung tingin ko kay Brylle at lumingon ako kay Yohan.

"Ahhh, ang cute naman ng love story niyo ni Kuya Yohan." Sambit ni Rochelle na katabi ni Paulo at ni Brylle. "Sana makatagpo din ako ng Super hero ko."

Narinig kong natawa sila kaya medyo nawala na din yung mga luha sa mga mata ko na gustong bumagsak kanina.

"Wag kanang umasa..." Singit ni Paulo. "Baka ikaw pa ang mapagkamalan na kriminal ng sinasabi mong superhero."

Binatukan naman ni Rochelle si Paulo. Para silang aso at pusa na away ng away. Natawa nalang ako sa kanilang dalawa.

Napatulala nalang ako sa kanilang dalawa. Naalala ko kasi nung mga araw na nagiging magkaibigan na kami ni Brylle.

Lagi niya din ako noon inaasar. Pero di ako magsasawang asarin niya dahil sa ganon na paraan ko lang siya nakikitang napapangiti. Ang hirap din kasing pangitiin noon ni Brylle. Mas malala pa siya sa babaeng laging nadadatnan. Natawa nalang tuloy ako.

Will You Be Mine  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon