Chapter 18

50 7 0
                                    


[Signs]

Gwent's POV

Medyo umiwas pa ng tingin sa akin si Yohan matapos niya akong yakapin. Inalalayan niya naman ako pero naiilang pa rin siya at nakatingin lang sa ibaba kaya napansin niya din yung paa ko.

"Anong nangyari diyan?" sabay nguso niya sa paako.

Napaka weird lang at nawala yung malalakas na kidlat kanina pero nandiyan pa rin yung ulan.

"Take a sit... I'll check your foot." Pinaupo niya agad ako. "Tsk." singhal niya ngmapansin niyang namumula na yung paa ko. Bigla siyang tumayo at hinubad niya yung jacket niya. "Wear it."

"Huh, bakit?" Taka ko habang inaabot niya iyon sa akin.

"Basta wag ka nang makulit, isuot mo lang." sinunod ko naman yung sinabi niya. Matapos kong suotin iyon bigla siyang upo sa harapan ko pero nakatalikod siya sa akin.

"Huy, anong ginagawa mo?" tinapik ko pa siya.

"Ano pa? pasanin kita." Nagtaka nalang ako sa sinabi niya at di kumibo. "Ano ba nangangalay na ako... sakay na ka---"

"Kaya ko naman maglakad." pagpipigil ko.

"Malamang may paa ka." serkastikong wika niya. "Pero paano nalang kung mabubog yang paa mo... wag mong sabihin na isusuot mo pa yang sapatos mo."

"Mabigat ako eh--"

"Alam ko... ilang beses na kitang nabuhat ehh." pagpigil niya sa akin.

Hey right... TSK! Alam niya naman pala ehhh--Whatttt!!! Anong mabigat!!!! Gusto ko siyang sipain para masubsob yung mukha niya sa sahig.... hindi naman ako ganon kabigat ehhh. Nagbibiro lang naman ako sa sarili ko pero ginatungan pa niya.

"Oh, ano pang inaarte mo dyan.." Bakas sa tono ng boses niya yung inis. "Hanggang sa kotse lang tayo." paliwanag pa niya.

Wala naman akong nagawa kundi umangkas sa kanya. Medyo nahirapan pa siyang makatayo... Ganon ba ako kabigat? Hindi ako mabigat!!! Sadyang payat lang siya at lampa. Tama yan Gwent.

Nakaramdam nalang ako ng mainit sa kamay ko. Napalingon ako doon. Nakalapat yung kamay ko sa bandang leeg niya. Kaya napasandal ako sa likod niya at doon ko lang masnaramdaman yung init. Hindi normal na init at mukhang nilalagnat na siya ehh. Magsasalita pa sana ako pero agad niya akong inupo sa loob ng kotse niya at bumalik siya doon sa waiting shed. Ng makabalik siya dala niya yung maleta ko.

Tahimik lang siya at di ako nilingon ng makapasok sa kotse niya. Tahimik lang siyang nagmaneho at wala ni isa ang nagbalak ng kumibo. Medyo sumasakit na din ang ulo ko kaya isinandal ko lang yung ulo ko at nakatingin lang sa labas.

Maya maya pa ay huminto kami sa tapat ng isang coffee shop. Napaangat ako ng ulo ko at inilibot ko ang paningin ko.

"Bakit tayo nandito?" Takang tanong ko sa kanya. Di siya umimik at mukhang wala pa siyang balak magsalita. "May coffee shop naman kami ahh... bat dito p---"

"Sirado na." Pagputol ng sinasabi niya sa akin. "Bago kita hanapin galing ako doon at maagang nagsara si Darcy." dagdag pa niya.

Napa 'ahhh', nalang ako sa paliwanag niya.

Bumaba agad siya mapatos maka park. "Hintayin mo nalang ako diyan." sambit niya bago tuluyang makalabas. Tumango lang ako sa kanya.

Mga limang minuto ako naghintay bago ulit siya bumalik at magbitbit siya mula sa coffee shop. Hindi na ako umimik at hinayaan ko siya kung saan man niya ako dadalhin. Nagulat nalang ako ng mapanisin yung dinadaanan namin. Papuntang sa isang sikat na pasyalan. Isang mataas na lugar kung saan madalas puntahan kapag gusto mong makakita ng magandang view ng Mayon.

Will You Be Mine  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon