Chapter 30

37 5 0
                                        


"Lights... Camera... Action!"

Tirik na tirik ang araw habang ginagawa namin ang nasabing pagsasadula ng  kung umanoy 'love story'  ni Ate Pauline at Kuya Renz.

Nagsimula na ang pagaarte ko...

Naupo ako sa isang bench ng 'kunwaring' naging campus nila Ate Pauline at hinintay ko nalang ang sumunod na pag arte kung saan tatabi sa akin si Yohan-(Kunwaring Kuya Renz).

"Cut!" Sigaw ng direktor namin....

Walang iba kundi si Darcy... kesyo AB Audiovisual graduate daw siya kaya nagpresentang maging direktor. Ibang iba nga yung bestfriend ko.... from bestfriend turn to a monster... Pano ba naman ang sungit tska akala mo kunting mali mo gusto kana sabunutan...

"Ano ba 'yan aktyeng mo!" Mala bading pa rin na wika niya habang pinapagalitan si Yohan.

Paano ba naman nakaka 8 na kami na paulit ulit pero 'di niya magawa. At ang katunayan pang nasa pinakaumpisa palang kami ng istorya na nakasulat sa notebook na binigay sa akin ni Rochelle.

"Sabi dito sa kwento... First meeting! i-to-tour kayo ni Techer sa campus tapos si Gwent-(As Ate Pauline) Nag Cinderela pa effect... Natanggalan siya ng swelas ng sapatos tapos ikaw naman nagpasabog lagim effect may LBM na naganap tapos pareho kayo iiwan ni Teacher sa isang bench kaya kayo nagkakilala!" Hahaha! Hala walang epekto yung pogi effect ni Yohan at bongga kung makabulyaw 'tong si Darcy. "Enchendes!!! Kaya kung maglalakad ka papunta sa bench para maupo lagyan mo naman ng kembot yung tipong nagpipigil na may lumabas."

Napakamot naman si Yohan sa batok... Alam ko naman na nahihiya siyang gawin iyon... halata naman sa itsura niya. Napabuntong hininga nalang siya at nag okay sign kay Darcy.

"Lights... Camera... Action!"

Hindi na ako pinaalis ni Darcy sa bench at tanging si Yohan na lamang ang kinukunan kung saan maglalakad siya ng....

-_0

0_-

0_0

"Bwhahaha!!" Napahawak ako sa tiyan ko. Hala! 'di ko na napigilan bumigay na ako. Paano ba naman kasi--whahahaha!!!

LAPTRIP!!!

este Laughtrip pala!

Natigil na ako sa pagtawa ng mapansin kong nakatingin na sa akin yung tatlo... Si Yohan, Darcy, at si Paulo na camera man.

Natawa din naman si Paulo pero bungisngis lang... pero akin yung pinaka malakas. Pambihira! Ang sama ng tingin sa akin ni Darcy.

"paano ba 'yan ulitin nalang nati---"

"What!!! What the h*ll!" Pagputol ni Yohan sa dapat sanang sasabihin ni Paulo.

"Hehehe... joke lang." Nag peace sign pa si  Paulo pero 'di ito pinansin ni Yohan at tumalikod dito. "Ayos bro! Kung maka kembot hu-mi-hiwalay ang balakang ahh! Bwhahaha!" Sinundan iyon ni Paulo ng malakas na tawa.

"Shut up." Sinamaan naman ito ni Yohan ng tingin.

Nagpatuloy ang buong araw at tuloy tuloy din ang pagsasadula. Sa pagkakakilala... Ako-(as Ate Pauline) at Yohan-(as Kuya Renz) roon sa bench na pinag iwanan kunwari sa amin ng teacher. Nagkahiyaan pa ng dahil sa nasaksihang epic failed na unang pagkakakilala.

Kung iisipin nakakahiya naman na nagsasadula kami tapos malalaman ng lahat yung pag kakaro'n ng LBM ni Kuya Renz. Pero sabi naman ni Paulo okay lang daw 'yon sa bayaw niya kesyo natatawa nalang daw yung bayaw niya sa tuwing naalala iyon tska highlight daw yun ng love story ng kapatid at bayaw niya.

Will You Be Mine  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon