Kevin's POV
"Hihihi..." Kung saang sulok na nga ako nagtago pero narinig ko pa rin yung nakakainis na tawa ng babaeng iyon.
Alam kong papalapit na siya sa akin dahil sa kaluskos ng mga hakbang niya. Gayon pa man di ko siya nagawang lingonin.
Nasa madilim akong parte ng Hardin ng nobyo ng kapatid ko. Sapilitan akong napauwi ng pilipinas para bantayan ang pasaway na iyon.
'Tch! ginawa pa akong bodyguard.'
"Hello Kevin, hihihi." Sambit ng babaeng kanina pa naka buntot sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at agad ko iyon tinanggal. "May mga bisitang dumating... kailangan ka na doon." Napapahiyang wika niya.
Humarap ako sa kanya at sinenyalan kong mauna siya sa paglalakad. Agad naman niya iyon nakuha at nagsimula siya sa paglalakad. Natatanaw ko na ang maliwanag na garden. Pati na din si Paulo na kanina pang mainit ang ulo sa akin dahil dito sa babaeng nakabuntot sa akin. Bukod doon may dalawang tao pang nakatalilod sa gawi namin. Isang babae at isang lakaki.
"Hey guys!!! May bago tayong visitor... hihihi." Sambit ng babae.
Unang napalingon ang lalaki at napailing nalamang ako at napalingon sa ibang deresyon. Wala akong balak na magpakilala pa... tska di naman sila ang ponunta ko dito. Napalingon ulit ako sa kanila upang makita ang babae ngunit nasilaw ako ng tumama sa mukha ko ang ilaw. Ng makalaya na ako sa liwanag ay tska ko lang nakita ang mukha ng babae.
Napahinto pa ako sa paglalakad ng makita ko kung sino ito.
'Gwent.' bulong ko sa isipan ko.
Nabatid ko ang pagkagulat din sa mukha niya. Ang buong akala ko ay wala na siya sa Bicol at sumama na siya sa lola niya sa Amerika. Sa buong pamilya namin tanging ako lang ang nakakaalam ng posisyon niya sa buhay namin.
Natigil ako sa pag-iisip ng kung anu ano ng bigla siya akbayan ng lalakeng iyon at nag-umpisang maglakad papunta sa gawi namin. Sinundan ko ng tingin ang lalakeng nakaakbay kay Gwent habang papalapit sila. Bigla nitong inangat ang kamay niya upang makipag kamay. Napangisi ako sa kanya at hinayaan kong mangalay siya.
"I'm Yohan." Panimula nito. Napalingon pa muna ako kay Gwent at masama na siyang nakatingin sa akin. Wala na akong nagawa kundi makipagkamay sa lalaki na labag sa kalooban ko. "And also this is Gwent... my girlfriend."
Natawa ako ng sambitin niyang maydiin yung salitang 'Girlfriend'. Napalingon ako kay Gwent upang makita ang reaksyon niya.
'Huh... Mukhang masayang pagtripan 'tong Yohan. Saan ba naman 'to napulot ni Gwent?'
"Hello... I'm Kevin." Tipid na ngiting sambit ko kay Yohan at bumaling ako kay Gwent tska ako ngumiti ng wagas. "Hi Gwent." Sambit ko sabay dukot ng braso ni Gwent upang hilahin siya papalapit sa akin tska ko siya hinalikan sa pisngi.
Natawa ako ng maibalik ko sa dating pwesto si Gwent. Nakita ko nanaman yung angry face niya at yung iba pang kasama namin ay nagulat pa sa ginawa kong paghalik.
Nakikita ko sa itsura ni Gwent na parang gusto niya na akong batukan. But she can't, she should explain herself why the hell is she here.
"Excuse me..." Napalingon ako kay Yohan. Mukhang pikon siya sa ginawa ko.
'Tch! Jealous boyfriend!'
Nakita kong pinigilan siya ni Gwent at may ibinulong pa ito na nagpakalma sa nobyo niya. Nagulat ako dahil mukhang alam niya lahat ng tungkol sa akin. Normally, Gwent will avoid to discuss our situation kahit na isang malapit na kaibigan ka pa o ano pa man. But I guess malaki ang tiwala ni Gwent sa lalaking ito... kasi mukhang maynalalaman siya tungkol sa amin.
BINABASA MO ANG
Will You Be Mine [On Going]
Novela JuvenilIsang babae na gagawin ang lahat para hanapin ang isang tao na minahal niya ng sobra. Pero paano kung sa paghahanap na iyon ay nakatagpo siya ng iba. At biglang dumating ang taong hinahanap niya. Kanino kaya niya maspipiliin sumama?