[On Chase]
Gwent's POV
Napaunat unat pa ako habang gumugulong papunta sa kabilang side at sinubsob ko yung mukha ko sa malambot na kama.
Napamulat ako ng mga mata ko at una kong nakita si Kyle na nakatayo lang at mukhang hinihintay niya akong gumising.
"Good morning my princess." Masayang bati sa akin ni Kyle.
Agad akong napabangon tska ko lang nalaman na nasa kwarto ako ni Yohan nakatulog dahil sa nakita kong picture frame sa may side table.
Hindi ko pinansin si Kyle at napatayo ako at napatakbo upang maghanap ng salamin. Kinabahan ako dahil nung huling beses na nakatulog ako at siya yung kasama ko puno ng ink at drawing yung mukha ko. Pumasok ako sa bathroom ng kwarto ni Yohan. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong malinis yung mukha ko at walang bahid ng ink.
Paglabas ko ng Bathroom sinalubong ako ni Kyle. At naka pajama pa siya. Ang cute niya talaga.
"I said good morning my Princess." Masayang bati niya sa akin at agad akong ngumiti sa kanya.
"Good morning to you too my Prince." Sambit ko at ginulo ko yung buhok niya.
"Okay... sasabihin ko nalang kay kuya Yohan yung sinabi mo." Nakangiti niyang wika kaya nagtaka ako. "He told me to send you his message that 'Good morning my Princess'. And I'll tell him naman na said that 'Good morning my Prince'."
Ahh, si Yohan pala ang nagpapasabi. Akala ko panaman si Kyle.
"Asan na siya baby boy?" Tanong ko sa kanya.
"On their way to Cagsawa ruins." Paliwanag niya.
Their? it means may kasama siya.
"With who?" tanong ko.
"With everyone." tipid niyang sagot.
Mukhang pinagtripan pa ako ni Yohan. Talagang iniwan niya ako at di man lang ako ginising.
"Kuya Yohan said na ihahatid mo daw ako sa school." paliwanag pa ni Kyle.
Pinaligoan ni manang Fe si Kyle upang maghanda papuntang school. Inabotan naman ako ni Manang ng damit pampalit. Mabilis din naman ako naligo, baka malate pa si Kyle.
"Wow! ang gwapo ahh." Puri ko ng makita kong nakauniform si Kyle.
Maslalo siyang nagmukhang cute sa suot niya. Mukhang excited pa siyang pumunta sa school ahhh.
Umalis din naman agad kami at hinatid kami ng family driver nila Yohan. Pagdating namin sa school bumaba naman agad si Kyle at hinatid ko siya sa classroom niya.
"Manong pwede po bang pababa ako sa Cagsawa ruins?" tanong ko agad kay manong ng makabalik ako sa kotse.
"Okay po maam." Nakangiting sagot nito sa akin.
Wala pang 30 minutes nakarating kami sa Cagsawa ruins. Nagpaiwan na ako kay manong.
Base kasi sa sinabi sa akin ni Kyle nandito daw sila Brylle. Gusto ko lang makasama si Brylle bago pa siya umalis.
Pagpasok ko palang namangha ako sa ganda ng pasyalan. Kahit ilang beses na ako nakapunta dito lagi parin akong nagagandahan sa tanawin.
Kinuha ko agad yung phone ko para alamin kung saang lupalok makikita sila Yohan.
"Hello?" Sambit ko agad ng sagotin niya yung tawag ko. "Asan ba kayo?"
"Ligñon hills." Tipid niyang sagot tska binabaan ako ng telepono.
BINABASA MO ANG
Will You Be Mine [On Going]
Teen FictionIsang babae na gagawin ang lahat para hanapin ang isang tao na minahal niya ng sobra. Pero paano kung sa paghahanap na iyon ay nakatagpo siya ng iba. At biglang dumating ang taong hinahanap niya. Kanino kaya niya maspipiliin sumama?