[Coddle]
Gwent's POV
'jusko, grabeng bigat ng matela ko! Kundi ko lang talaga kailangan ang lahat ng 'to ibabalibag ko 'to sa basurahan.'
Ngayon na ang alis ko sa Bicol. Tatalikuran ko na yung mga alaala at yung dating ako. Handa akong magbagong buhay at tuklasin ang bagong ako.
'Ang arte mo kasi Gwent! maynalalaman ka pang pagtanggi!!!'. Sigaw ko sa sarili mula sa isipan lang.
Kasi naman ehhh...
Falsh back
"Darcy, aalis na ako." Medyo naiiyak iyak ko pang wika. "Hindi na ako nagpaamal kay Yohan, ayoko na din siyang maabala... at yung tunkol sa deal namin sabihin mo nalang sa kanya na wag niya na iyon isipin."
Tinaasan niya ako ng kilay. Sa totoo lang bakit ako lang ang umiiyak? Di ba niya ako mamimiss???
'Hoy bakla! Ang sabi ko aalis na ako. Hello?'
Gusto ko iyon isigaw sa pagmumukha ni Darcy. Parang wala lang kasi sa kanya na aalis na ako.
"Ahh okay." Tipidna sagot niya. Tinaasan ko siya ng kilay at mukhang nagulat siya sa ginawa ko. "ahh, Mami-miss kita, huhuhu." Umarte siya at lumapit sa akin na parang naiiyak at yumakap.
Medyo convincing naman kaya naniwala nalang ako sa kanya.
"Basta babalik ka ulit dito ahh." Sambit niya pa.
"Oo, at pagbalik ko ibang Gwent na ang makikita mo." tumango tango ako habang sinasabi ko iyon.
"oh, siya... akin na maleta mo.... ihahatidna kita." Umakto siyang kukunin yung maleta.
"Ahhh, wag na." Nilayo ko sa kanya iyon upang di niya maabot. Syempre sa magkakaibigan uso din ang pakipot. "Ayoko mapagod ka... Kaya ko ng mag isa papuntang terminal."
"ok." Mabilis na sagot niya.
Lintek, Kumagat naman siya sa pag-iinarte ko.
"Pero kung gusto mo... sige samahan mo ako." Pagbabawi ko ng alok niya.
"Ay 'di na... kaya mo na yan ehh." Nginisian niya ako.
Napalingon nalang ako sa maleta kona sobrang laki. Iisipin ko palang na mag isa ko yung dadalhin para akong papasan ng krus sa likod ko.
End of flash back
Sandali ako napatingin sa reloko.
5:15 pm !!!Nataranta ako lalo at nabuhat ko ng di ko nalalaman kung paano yung maleta ko. 5pm kasi ang alis ng buss ko. Habang tumatakbo ako pasan ko pa tong mabigat na maleta. Napansin kong napadaan yung Buss sa harapan ko at yun nga yung sasakyan ko pabalik ng Manila.
"Manong! Sandali!!! Wait!!" Mapapatid yung ugat ko sa leeg kakasigaw. Pero wala hindi nila ako marinig. "Kuya hintay!" Hinabol ko sa yung buss pero di sila huminto.
Napaupo ako bigla sa sobrang pagkadismaya. Pambihira! Parang ayaw ata ako paalisin! Pambihira! Napatingin pa ako sa langit...
"Makisama ka naman ohhh." Bulong ko at naramdaman ko yung paglasik sa akin ng tubig na mayhalong...
PUTIK?!!!
Napatayo agad ako at masamang sinundan ng mga tingin ko yung dumaan palang na kotse.
"Hoy walang modo! May tao dito ohh!!!" Sabay turo ko pa sa sarili ko!
Wala din naman ehh, nakaalis na yung sasakyan. Pambihira!!!
"ohh, last trip na to." Napalingon ako sa lalaking kondoktor ng ordinary na buss.

BINABASA MO ANG
Will You Be Mine [On Going]
Teen FictionIsang babae na gagawin ang lahat para hanapin ang isang tao na minahal niya ng sobra. Pero paano kung sa paghahanap na iyon ay nakatagpo siya ng iba. At biglang dumating ang taong hinahanap niya. Kanino kaya niya maspipiliin sumama?