Chapter 22

42 5 0
                                        

[Meet the Girlfriend]

Gwent's POV

December 21, Ito ang ikatlong araw magmula ng magising si Brylle. Ngayon din lang kami nakabalik ni Yohan magmula ng araw na nagising si Brylle.

Di ko maiwasang kabahan ng sobra sa kung ano ang maaring reaksyon niya kapag nagkita kami.Hindi ko alam kung sakaling maalala niya ako o ano...

Napabuntong hininga ako tska isinandal ang likod sa upoan ng passenger seat. Pumikit pa ako at pinapaypay ang sariling kamay sa kapraningan.

"Kaya mo 'to Gwent..." Wala sa sariling wika ko. "Kaya mo 'to."

Pagkukumbense ko sa sarili at patuloy sa pagpaypay ng kamay sa sarili ko habang nakapikit. Ramdam ko yung pagtawa ng kasama ko. Si Yohan. Unti unti kong minulat ang kaliwang mata ko upang lingonin ko siya. At tuluyan ko nang minulat ang magkabila kong mata at hinarap siya... Nagmamaneho siya ng kotse pero kahit nakatingin siya sa daan alam kong ako ang pinagtatawanan ng mokong na 'to.

"Araaay..." Naisambit niya matapos ko siyang paloin sa balikat. "Bakit?" Natatawang wika niya.

'Tsk! Pataymalisya pa siya!'

"Wag mo kasi ako pagtatawanan." Sambit ko at tumigil na din siya pero nakangiti pa rin siya.Pakiramdam ko nagpipigil siya ng tawa. "Yo, Kinakabahan ako."

Palipatlipat siya ng tingin sa daan at sa akin. "Don't worry everything will be okay..." Sinserong wika niya.

"Paano kung maala niya na ako..." Maykapraningan na sa pananalita ko na di ko na mapigilan. "Tapos...tapos sabihin niya ayaw niya sa akin tapos kamuhian niya ako sa ginawa ko sa kanya---."

"Shh... you're over thinking." Pagpipigil niya sa akin. "Be positive... sa tingin mo ba... bilang isang Brylle kaya niya kaya iwan ang isang Gwent?"

Sa totoo lang may punto siya. Kung bumaliknga ang dating Brylle... ang Brylle na naaalala ang nakaraan... sa tingin ko di niya basta basta ako itataboy. At alam kong di siya naniniwala na kaya ko din siyang iwan at alam kong maghahanap siya ng sagot at kahit maliliit na impormasyon na maaring dahilan ng makikipaghiwalay ko sa kanya noon ay hahalungkatin niya. Pero bakit nga ba hindi iyon nangyari. Masyado ko nang kilala si Brylle at alam kong di niya ako pakakawalan ng walang sapat na.dahilan.

"Hindi..." Panimula ko at nakita kong napatingin siya sa akin sa gilid ng mga mata ko. "Hindi niya ako iiwan ng ganon lang..." Napangiti ako ng wala sa sarili. "Ganon niya ako kamahal... At alam kong alam niya kung gaano ko siya kamahal..." Napalingon ako sa kanya na nasa daan na ang paningin niya. "Hindi ako mapapagod na mahalin siya at maghahabol ako hanggat alam kong mahal niya pa ako."

Napangiti siya ng mahina sa sinabi ko. Ewan ko kung bakit parang awkward sa kanya yung sinabi ko. Siguro dahil sa di pa siya nagkakaroon ng tunay at seryosong relasyon. At dahil na din siguro sa nangyari sa mga magulang niya.

"We're here." sambit niya.

Agad naman ako napalingon sa labuoan ng lugar... sa hospital. Pinagmasdan ko pa muna yung kabuoan ng hospital at napabuntong hininga ako bago kami tuloyang pumasok. Hindi na muling hinawakan ni Yohan ang kamay ko tulad ginagawa namin tuwing kasama namin ang pamilya niya. Ayaw din kasi niya makita na masyado akong bumidikit sa kanya tuwing nandiyan si Brylle.  Tanging ang pag akbay niya lang ang ginawa niya upang maalalayan niya ako papasok ng hospital.

Habang naglalakad kami sa hallway di ko maiwasan ang pagbalik sa isip kong ng kung anu ano. Di ko alam kung bakit kinakabahan ako ng ganito na para bang maymangyayari na di ko inaasahan.

'Tama siguro si Yohan... I'm over thinking.'

Napahinto pa muna kami sa paglalakad ng nasa harapan na kami ng pinto ng kwarto ni Brylle. Tinanggal na ni Yohan ang pagkakaakbay sa akin at nanguna siya sa pinto upang pagbukasan ako.

Will You Be Mine  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon