"Kelan ba kayo unang beses nagdate ng apo ko?" Patuloy na tanong sa akin ni Carla habang naglalakad kami sa mall. "Ayieee, alam ko na... when and where was your firrst kiss with may apo?"
Tila na kinikilig ang matanda na katabi ko't kasabay maglakad. Habang ako pinagpapawisan ng malamig at 'di alam kung anong dapat na isagot.
"Ah... sa.. 'di ko na po maalala." Kinakabahan kong sagot. Yung tipong sa sobrang pagiging kabado ko eh pati pwet ko nagpipigil bumuga ng utot. "Medyo matagal na po kasi."
"Ano ka ba... you should remember those... Yung first kiss n'yo ni Yohan sa araw na sinagot mo siya at yung unang date n'yo na simpleng food trip ng midnight habang nakatingala sa tala." Tuloy tuloy niyang wika.
"P-po?"
"That's what Yohan says ng tinanong ko siya about it." Kuwento ni Carla na tila bang nasaksihan niya lahat ng kwento n'ya.
-_-
Jusko! ano naman isasagot ko sa kanya?
"Carla! Gwent!"
Natigil ang matanda sa pagkukuwento kahit 'di ko na maintindihan ang mga iyon. Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng tubig na iyon.
Si Rochelle.
Ngiting ngiti siya habang papalapit sa amin ni Carla. Kinilabutan ako sa kakaibang inaakto ng dalawa sa harap ko. Pareho pa naman sila ng suot na mga ngiti... yung ngiting alam mong maybinabalak na kakaiba.
Nakakatuwa ang personality ni Carla na parang bagets lang kahit lola siya ni Yohan pero at the same time nakakatakot. Mas mukha ngang bagets umakto ito kesa sa akin ehh. Para din siyang si Rochelle medyo bata kumilos.
"I'm ready!" Masiglang anunsyo ni Rochelle ng maka lapit na ito sa amin.
Magtatanong pa sana ako kung para saan ang 'I'm ready' na sinabi niya pero nahila na ako ng dalawa papasok sa isang restaurant dito sa loob ng mall.
Habang naglalakad kami papasok napapansin ko ang panay ang tinginan sa amin ng mga tao dito sa loob. Ewan ko ba kung kami o etong dalawa ang tinitingnan nila.
Naka dress yung dalawa at may poise talaga kung maglakad yung tipong pang beauty queen kung rumampa. Samantalang ako nakasuot lang ng jeans and t-shirt.
Sabay sabay kaming naupo at nag order ng kanya kanyang kakainin. Sobrang mahal ng mga dish ehh.
Walang imikan habang kumakain kaming tatlo. Ng umabot na sa pagkain ng dessert saka ko lang ulit narinig na magsalita si Rochelle.
"I need your help." Pouted lips pa nitong wika.
"Huh? saan?" sabi na nga ba may hihilingin 'to eh.
"Diba ako yung wedding organizer ni Ate Pauline... I was just thinking na maganda sanang idea na gumawa ng pagsasadula ng love story nila ni Kuya Renz." Sa kwento niya magandang idea nga yung naisip niya. "Hindi naman tatagal ng 20 minutes yung short film. At dahil sa Organizer ako ng wedding magiging busy ako para gawin iyon. At 'di ka pwedeng mawala sa kasal and you're not going anywhere at hindi ako papayag na bumalik ka ng Manila." Matapang na wika niya at lumabas naman ang pagka-bossy side niya. "You and Kuya Yohan will make the film. You as ate Pauline and Kuya Yohan as Kuya Renz. Here's the journal... naka summarize na 'yan ahh."
May inabot siya sa akin na hellokitty na notebook na may lock pa pero wala nang nakasabit na pad lock. Mukha na din itong luma at gamit na.
"Oh, there 's one more thing." Biglang nagsalita si Carla kaya nilingon ko ito at sa akin siya nakatingin at may ngisi pa ito sa labi. "You should convince Yohan."
BINABASA MO ANG
Will You Be Mine [On Going]
Roman pour AdolescentsIsang babae na gagawin ang lahat para hanapin ang isang tao na minahal niya ng sobra. Pero paano kung sa paghahanap na iyon ay nakatagpo siya ng iba. At biglang dumating ang taong hinahanap niya. Kanino kaya niya maspipiliin sumama?
![Will You Be Mine [On Going]](https://img.wattpad.com/cover/69525338-64-k228831.jpg)