Chapter 39

27 2 0
                                        


"Papa siya po pala si Darcy. Si po partner ko sa business and best friend ko po siya since high school." Pagpapakilala ko kay Papa at kay Darcy.

"Hello po Dad--ay Sir pala." Nagtaka ako sa medyo mahinhin na boses ni Darcy na akala mo dalagang pilipina. "Order lang po kayo kahit ano. Libre naman po--niya, ni Gwent."

Natawa si Dad sa inaasta ni Darcy. "Thank you Darcy for being my daughter's best friend. I'm happy that someone could cheer her up during her downs." Matamis na ngiti ang nakaukit sa labi ng aking ama habang kausap nito si Darcy.  "I'am thankful of it. If there's anything I could gave to you as a gift of gratitude."

Napansin ko ang mabilis na pagsagot ni Darcy.Alam ko tumatakbo nito sa utak eh. "Ay oo po... pwede naman sa akin nalang si---outchy." Tinapakan ko agad siya ng palihim. Lumingon naman ito sa akin at tinarayan ako ng palihim na para bang sinasabi niyang 'Bakla, masakit ahh.'. "Ibig ko po sabihin, Natural po talaga iyon at walang kapalit ang pagiging kaibigan ko sa anak niyo."

"Pa,sa kitchen muna kami." Paalam ko sa aking ama at tumango ito bilang tugon. "Kuya alis muna ako. You take care of Papa." Pangaral ko sa kapatid kong busy sa laptop niya.

"It's okay baby. don't worry too much about dad." Nakangisi nitong wika ng 'di man lang ako sulyapan at busy sa laptop.

Mabilis kong hinila si Darcy sa kusina ng café. Hinarap ko ito ngunit tulala siya sa hangin.

"Uy, Darcy." Niyogyog ko siya at tska lang siya na tauhan at sabay tititili na parang bugets na dinaanan ng crush.

"Narinig mo yun friend. Thankful sa akin si Dad tapos boto siya sa akin. Tapos tinawag akong baby ni Kevin babe." Kwento niya na kala mo may ulap sa itaas ng ulo niya at nagpapantasya. "Magiging tunay na tayong mag sis pag nagkatuluyan kami ni Kevin babe. In laws na tayo sis."

-_-

Si Darcy yung tipo ng  binabae na man hater at bihira makitaan ng ganyan na side. Gumaganyan lang 'yan ppag makalaglag panty--- este makalaglag brief yung boylet na makita niya.

Actually apat lang na beses ko 'yan nakitang ganyan. Naging ganyan iyan kay Brylle na pinag awayan namin(back-in-high-school), sa isang random guy, kay Yohan tska kay Kuya Kevin.

"Baliw." Binatukan ko siya ng mahina.

"Ouch, ayaw mo sa'kin?" Napahawak pa si Darcy sa dibdib niya na para talagang nasasaktan. "Sige ka... pag 'di kami nagkatuluyan ni Kevin babe liligawan ko si Kaye." Natawa nalang ako ng mahina sa biro niya. "Oo nga pala, 'di ko napagkikita nitong nakaraang si Yohan. Asan ba 'yon?"

Biglang nawala yung mga ngiti ko ng maalala ko ang tungkol doon.

Matapos ng unang pagkikita namin ni Papa hindi ko na nakita pa si Yohan. Dalawang linggo na nakakaraan. Wala man lang na paalam na aalis pala siya nalaman ko nalang basta kay Paulo na bumalik si Yohan sa Manila.

Sinubukan kung tumawag at magtext man lang para malaman ko kung humuhinga pa ba siya pero walang sagot. Kapagtinatawagan ko siya palaging patay ang cellphone.

ISANG LINGGO pa ang lumipas bago dumating yung araw na pagbalik ni Papa sa States. Nandito kami ngayon sa Airport ng Legazpi.

"I'll miss you so much." Niyakap ako ni Papa ng mahigpit at ganoon din ginawa ko. Parang ayoko nang bitawan si Papa pero hindi naman pupwede iyon. "Hindi ba talaga kita mapipilit pa na sumama sa amin?"

This time hinarap niya na ako at medyo sumilip pa siya sa mukha ko.

"Are you worried about Kaye and Brylle?" Tanong sa akin ni Papa. Alam niya na lahat ng tungkol sa amin ni Brylle. Hindi ko nga aakalain na alam niya ang lahat ng iyon. Si Yohan ang nagsabi sa kanya tungkol doon at nagpapasalamat ako dahil nahihirapan ako kahit sa isipan lang na sasabihin ko kay Papa ang tungkol doon.

"Hindi po." Tugon ko kay Papa. Basta alam ko sa sarili ko na hindi iyon ang pinaka dahilan ko. "Siguro po dahil may hindi pa ako handang iwanan dito."

"O sige, hindi na kita pipilitin. Wag mo kakalimutang tawagan ako. We should keep in touch." Pangaral pa sa akin ni Papa at puro tango naman ang tugon ko sa kanya.

Sakto naman na dumating si Kuya Kevin. We said our goodbyes tska sila sabay na umalis.

I'll miss them both.

Dumiretso ako ng bahay mataposng araw na iyon. Dapat sana doon lang ako ngayong araw na ito pero 'di ko kakayanin para akong mababaliw mag isa roon kaya mas minabuti ko na lamang na pumunta ng café kahit na alam kong isang oras na lang bago iyon magsarado.

Pagbaba ko ng sasakyan una kong napansin si Paulo na nasalabas ng café at nakatalikod ito mula sa akin at tila may kausap sa telepono.

"Yohan bro sure ka ba talaga?" natigilan ako ng marinig ko mula kay Paulo kung sino kausap nito. "No, wala siya dito." Nakita ko pang napasulyap sa loob ng café si Paulo tila may hinahanap. "Naka set up na ba? Puntahan ko na kaya sa bahay nila--"

Natigil si Paulo ng napalingon ito sa gawi ko.

"Bro, nandito siya... sige..." Mahinang sambit nito pero dinig ko pa din. Mabilis nito ibinaba ang telepono at sinalubong niya ako ng mga ngiti niya. "Gwent, kanina pa kita hinahanap."

Lumapit siya sa akin sabay lahad ng isang paper bag.

"Ano 'to?" Inabot ko naman iyon at sinilip ang loob. Dress?

"Surprise." Sambit niya sabay kindat pa. "Sige na hinihintay kana niya. Pumasok kana magpalit ka ahh hihintayin kita dito sa labas."

Nawala lang yung inis ko ng dahil sa nasabing surprise. O sadyang masya lamang ako dahil nakikita ko na siya ulit.

Mabilis ako nagpalit ng damit at napangiti lamang ako ng makita ko sa salamin ang isang puting bistida na gustong gusto niyang makita na suot ko.

Kasama ko si Paulo na siyang pinagdrive ako papunta sa nasabing lugar. Medyo nagiging pamilyar na saakin ang daan at alam ko na kung saan kami patungo.

Iniwan lamang ako ni Paulo sa lugar na iyon at nagpatuloy ako ng lakad hanggang sa makarating ako sa tree house. Hindi ko naitago sa sarili ko ang kasabikan na makita siya kaya halos magkandadulas na ako sa pag akyat roon at  maging ang magaganda at makikinang na dekorasyon ay 'di ko na magawang pansinin. Saktong pagbukas ko ng pinto nakita ko siyang nakatalikod sa akin.

Gusto ko siyang yakapin pero sinubukan kong magpigil. Gusto ko siya sumbatan ng biglaan siyang nawala.

"Ayos ng trip mo ah. Aalis alis ka tapos mayganito kang--"

Humarap siya sa akin na siyang nagpatigil sa akin at mabilisan akong niyakap. Sa sobrang gulat 'di ko magawang gumalaw.

Ba't ganito nararamdaman ko? Parang mali.

Will You Be Mine  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon