[CARELESS GIRL]
Yohan's POV
''HOY! sino yang tinitingnan mo?'' Tinapik ni Jude yung balikat ko kaya napaiwas ako doon sa tinitingnan kong babae sa kabilang mesa.
''Nothing.'' Tipid kong wika tska ko ininom yung beer ko.
Tinignan pa nila akong tatlo na parang gusto pa ata akong asarin ng mga baliw kong kaibigan. Sabay sabay pa sila nagtinginan dun sa babaeng tiningnan ko kanina.
''Well, maganda siya.'' Sambit ni Lex. Nakahawak pa siya sa baba niya na parang nag-iisip. ''Pwede na.''
Napatingin ulit ako doon sa babae. Mag-isa siyang umiinom at mukhang lasing na siya. Bakit nga ba sa dinami ng tao sa bar siya yung unang pumukaw ng pansin ko?
Dahil siguro sa dinami dami ng babae dito sa loob ng bar siya lang yung nakasuot ng simpleng jeans tska T-shirt. Habang yung iba masisikip at fit na dress.
Well, i'll admit na maganda yung babae na iyon... pero mukhang lasingera.
''Ba't ka tumatawa mag-isa.'' Nagulat ako ng tapikin ako ni Jude.
Nakatingin silang tatlo sa akin at sabay sabay pa talaga silang lumingon doon sa babaeng tinitingnan ko. Sabay sabay na ibinalik nila yung mga tingin nila sa akin at sabay sabay pa talaga silang ngumiti na may halong kalokohan.
''Hay salamat.... sana naman siya na yung magiging weakness ng kaibigan natin.'' Saad ni Karl.
''Napatingin lang... type na agad.'' Depensa ko.
''Diyan ka nahuhuli ehh.'' Sambit ni Karl. ''Wala naman akong sinabi na Type mo ehh.''
Tiningnan lang niya ako ng mayhalong kalokohan.
''Why would i fall for her?'' Saad ko. Sabay sabay silang lumingon doon sa babae. ''People don't fall at first sight. They're just saying that. You know... people change and no one ever stays the same.''
Natigil silang lahat sa sinabi ko. Kahit ako hindi ko inaasahan na lumalim pa yung mga sinabi ko. There's no sense of lying... siguro i'd get used to it ng dahil sa parents ko.
Well, maybe...
''Sabagay... parang 'di na tayo nasanay.'' Saad ni Karl.
Napansin ko yung pagkailang nilang lahat. Napansin ko din yung pagbago nila ng topic. Maybe they just don't want to ruin the night.
Ito din ang dahilan kung bakit mahal ko ang mga kaibigan ko kahit na mga baliw sila. They really know how to lift me sa tuwing nahuhulog ako sa bagay na sumisira sa akin. They know how to handle me in my downs.
Maaga akong nagpaalam sa kanilang lahat. Medyo malayo din ang biyahe ko bukas kaya di na din nila ako kinulit pang magstay.
Papalabas na sana ako ng bar ng biglang may nakabangga sa akin. Napahinto ako sandali at napatingin kung sino man yung bumangga sa akin.
Siya yung babaeng mag-isang umiinom doon sa table... yung babaeng naka jeans lang at T-shirt.
Tiningnan niya ako ng masama. Halatang lasing na lasing na siya. At mapula na yung mukha niya.
''Anong tinitingin tingin mo.'' Mataray niyang wika sa akin. Masama pa rin siyang nakatingin sa akin. ''Hindi ka man lang hihingi ng sorry.''
''Huh? Sorry?'' Natatawa kong wika. Siya na nga 'tong nakabangga sa akin.
''Okay lang 'yon. Basta sa susunod maingat ka.'' Wika niya. Pinat niya pa ako sa balikat.

BINABASA MO ANG
Will You Be Mine [On Going]
Teen FictionIsang babae na gagawin ang lahat para hanapin ang isang tao na minahal niya ng sobra. Pero paano kung sa paghahanap na iyon ay nakatagpo siya ng iba. At biglang dumating ang taong hinahanap niya. Kanino kaya niya maspipiliin sumama?