[DEAL]
Pagapasok ko ng café nilapitan agad ako nung baklang madalas na magserve sa akin. Mukhang alam niya na ang sadya ko dito.
''Good morning Sir.'' Wika niya. ''Mukhang ikaw po yung naka iwan nito.''
Inabot niya sa akin yung sketch pad ko. Perp walang ID na naka ipit.
''Wala ka bang nakitang ID.'' Tanong ko.
Napangiti siya sa akin at mukhang nag-aalangan pa sa sasabihin niya.
''Yon nga po Mr. Yohan Gonzales.'' Mukhang nasa kanya nga dahil nakilala niya yung pabgalan ko. ''Pwede po ba tayong maupo? May kailangan lang akong i-discuss.''
Naupo muna kami sa table na pinakamalapit sa counter.
''Yung ID n'yo po wala sa akin.'' Panimula niya. ''Kinuha kasi ni Hillary yung ID mo. Best friend ko siya also siya po yung co-owner ko sa café. Nakita niya kasi yung designs mo and gusto niya sana na makausap ka... gusto ka niyang kunin na architect. Kaya niya kinuha yung ID mo para masiguro niyang makakapag discuss kayo about it. ''
Parang pangba-blackmail yung strategy na ginawa ng kaibigan niya. Natawa nalang ako dahil dun.
''Sure...'' I won't hesitate na kunin ang offer niya. At least may rason ako para maging busy at siguro upang umiwas na din sa gusto ni dad mangyari. Baka sa kaling mapadali ang buhay ko dito. ''Where could I contact your friend?''
Binigay niya sa akin yung contact number ng kaibigan niya.
''By the way Mr. Yohan... I'm Darcy.'' Pagpakilala niya.
''Yohan nalang.'' Nakipagkamay ako sa kanya.
Mukhang okay naman si Darcy. Okay siyang kausap at ka negotiate.
---
Bukas na yung party pero hindi ko pa rin makita yung careless girl. Pwede naman akong maghanap ng ibang babae.... pero masyadong mahahalata yung pagkukunwari ko. Tska dilikado na kapag ibang babae ang makita ni tita Patricia na kasama ko bukas.
Ewan ko... parang ang imposible naman na nandito nga yung babaeng iyon. Baka namalik mata lang ako kahapon.
Kinuha ko yung phone ko tska sinubukan kong tumawag sa contact number na binigay sa akin ni Darcy kahapon. Pagpindot ko ng call biglang...
Wala akong pangtawag. Ito na bga ba yung disadvantages kapag hindi naka plan.
Maybe i'll just text Hillary.
Nagpakilala agad ako sa kanya. Mabilis din naman siyang nakapag-reply. Mukhang inaasahan niya nga yung pagtext ko sa kanya.
Sinabi na din niya sa akin yung place kung saan kami magkikita.
Embarcadero...
Hindi pa ako nakakapunta sa lugar na 'yon. Pero alam kong 'di siya gaano kalayo, at isang port na pasyalan ang lugar na iyon dito sa Albay.
Nagtanong tanong nalang ako sa mga taong nadadaanan ko kung saan ang lugar na iyon. Mga 30 minutes din ako nag-drive bago ako nakarating sa lugar.
Malawak yung lugar. 'Di ko alam kung saan ko nga ba siya hahanapin. Pagbaba ko ng kotse nagtanong na agad ako kay manong kung saan ba ang restaurant na iyon.
Nasa seaside yung mga restaurant dito. Pagpasok ko sa restaurant na iyon wala naman akong nakuhang Hillary sa loob.
Lumabas muna ako ng restaurant at pumunta sa harapan nito, sa seaside. Habang tumatambay ako maynakita ako babae na mukhang umiiyak. Hindi ko naman mapigilan yung sarili ko na bigyan siya ng panyo.

BINABASA MO ANG
Will You Be Mine [On Going]
Teen FictionIsang babae na gagawin ang lahat para hanapin ang isang tao na minahal niya ng sobra. Pero paano kung sa paghahanap na iyon ay nakatagpo siya ng iba. At biglang dumating ang taong hinahanap niya. Kanino kaya niya maspipiliin sumama?