Chapter 35

25 2 0
                                    


Lumipas ang ilang araw pati na din ang buwan. Tulad ng pangako ni Yohan... Lahat ng lugar na may kinalaman ang nakakaraan ko kay Brylle ay binabalikan namin at gagawa kami ng panibagong masayang alaala. Yung alaala na kapag binalikan ko iyon na ang maalala ko, hindi ang alaalang may kinalaman kay Brylle.

Sa ngayon nasa loob kami ng wildlife. Nakasakay kami sa kanya kanayang bisikleta na nerentahan.

Nangunguna ako sa kanya habang siya nakasunod lamang sa likod ko. Sadyang nagpapakitang gilas.

"Huy, ano? 'Di mo ako mahabol nuh?" Tatawa tawang sigaw ko sa kanya.

Nakita ko lang siyang ngumisi. At natawa lang ako sa reaksyon niya. Halatang 'di siya komportable sa suot niya ngayon. Naisipan ko lang naman kasi ang kabaliwan na magpaka asal bata sa ngayon. At pareho kaming nakasuot ng maong na jumper. Akin shorts ang ibaba tapos yung kay Yohan hanggang paa at pinasuot ko siya ng napapalooban na pulang shirt kaya nag mukha siyang super mario. Ang cute.

Huminto ako sa pagpedal ng medyo makaramdam ng pagod. Kaya nagawa niya naman akong mahabol. Huminto siya upang makaharap ako.

"Tama na muna." Iwas ng tinging habang sinasabi niya iyon. "Kain muna tayo." Hinimas n'ya pa tiyan niya kaya natawa ako.

Sumunod naman agad ako at pumunta kami sa isang malawak at bakanteng lupa na pwede maupo sa mga damo. Naglatag kami ng sapin tapos pag bukas niya ng basket natuwa ako ng sobra ng makita ko na puro pambata yung pagkain namin.

"Wow! Saan mo nakuha 'yan." Tanong ko sa kanya. Kasi sa pagkakaalala ko, ng huling makita ko yung mga pagkain na 'to ay maysado pa akong bata noon.

"Nakuha ko 'yan sa drawer ni Kyle." Sambit niya. Bigla ko tuloy naalala si Kyle. Dapat pala dinala namin siya dito, kaso ayaw ni Yohan magsama ng iba. Kesyo kami lang daw na dalawa.

Kain lang kami ng kain ng pambatang pagkain. Nakita ko si Yohan ng kunin niya yung ice gems tapos tinanggal niya yung matamis sa tuktok tapos binigay sa akin yung biscuit.

"Hala! Ang daya!" Protesta ko sa ginawa niya. "Gusto ko din nung may matamis sa tuktok."

Hinablot ko kaagad sa kanya yung supot na pinag ipunan niya ng matamis na iba iba ang kulay tapos. Hindi naman siya nanglaban tapos pinaghiwalay ko yung kulay ta's kinuha ko lahat ng kulay pink. Pati din yung meregue kinuha ko yung pink.

Kumain lang kami doon sa wildlife tapos umalis na din kami.

"Hawak ka mabuti." Sambit niya. Hindi kami nagdala ng kotse... nas masaya daw kasi magmotor kaya ayon. Kaso nakakahiya sa tuwing... "Yakap ka."

Siya na mismo kumuha ng kamay ko tapos inikot niya sa bewang niya kaya napadikit yung katawan ko sa likod niya.

Walang umiimik saaming dalawa habang tinatahak namin ang daan. Hindi naman awkward dahil maingay dahil na din sa malakas na palo ng hangin sa mukha namin. Masarap sa pakiramdam iyon kaya nanatili lamang ako sa ganun.

Nagmaneho lamang si Yohan na parang alam niya kung saan dapat pumunta.

Masyado akong nawili sa sariwang hangin na hindi ko namalayan na huminto na ang motorbike kumg hindi pa nag anunsiyo si Yohan.

"We're here." Sambit niya at tska lang ako bumitiw sa pagkakayakap sa bewang niya.

Nauna akong bumaba sa motorbike at pinagmasdan ang paligid. Habang pinagmamasdan ko ang luhar na iyon ay 'di ko mapigilan na ma miss ng sobra ang mga alaala ko dito. Masasabi kong hindi na ako malungkot ng makita ko ang paligid at sadyang napapangiti na lamang ako.

Will You Be Mine  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon