Chapter 37

19 3 0
                                    


"Gwent."

Mabilis akong napatayo sa kinatatayuan ko at tumakbo papalapit sa kanya sabay yakap kaya halos matumba kaming dalawa sa ginawa ko.

"Kuya Kevin." Na miss ko agad siya. Kumalas ako sa yakap tska ko siya sinilip. "Kakauwi mo palang galing Palawan?" Iyon kasi yung naalala ko. Pumunta siya ng Palawan para sa business.

"Last week pa ako nakauwi sa States." Sambit niya sabay gulo niya ng buhok ko. "Actually kakarating ko lang galing States." Sambit niya sabay lingon sandali kay Yohan.

napalingon din nga ako kay Yohan. Tumango lang ito sa kapatid ko tsaka naglakad papalayo. Wala akong ibang nagawa kundi ang sundan lang siya ng tingin.

DINALA ako ni Kuya Kevin sa isang restaurant. Gusto niya daw ako makausap kaya pumayag naman ako. Hinanap ko pa si Yohan para sana ipaalam tungkol dun pero 'di ko na siya nakita matapos dumating ng kapatid ko.

"Kumusta kana, Kuya?" Masiglang sambit ko. Ang laki ng ngiti ko sa kanya.

"Hala, napapadalas pagtawag mo sa 'kin ng Kuya ahh." Biro pa nito.

"Oh, edi. Huy Kevin, Kumusta?" Sambit ko sa kanya na parang tropa lang kami.

"Huy! i-kuya mo ako. Masmatanda ako sayo." Giit niya. Natawa lamang ako sa kanya kaya nawala na din yung seryosong tingin niya sa akin at ngumiti ito sa akin. "Ngayon ko lang napansin..." Napatitig siya sa akin kaya tumigil ako sa pagtawa. "You two really look a like."

"h-huh? Sino?"

"Kaye." Tipid niyang wika. "Sa kilos at itsura." Dagdag comento niya pa. "You two were like twins.... your the goody one, and she's.... she's the spoiled one." Tumawa siya ng mahina. "No wonder napagkamalan siya." Mahinang wika niya na hindi ko naintindihan.

"huh?" Napakunot ako ng noo.

"Nothing." Mabilis siyang umiling at nagpatuloy muli sa pagkain.

Naging tahimik na kami sa pagkain ng dahil doon na parang ayaw niyang may masabi dahil baka magkamali siya. Hindi ko tuloy napigilan mapaisip kung tungkol saan ba iyon at biglang nagkaganun siyan.

Bigla siyang nag angat ng tingin na parang na hulaan niya yung iniisip ko laya napaiwas ako ng tingin. Inabot niya kamay ko at hinawakan ng mahigpit kaya lumingon ako dito.

"I wish I could tell you but I don't want you to jump into conclusions. I'm not even sure about that thing." Paliwanag niya at tumango ako. Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa natapos kami tsaka ko lang siya natanong tungkol sa pagbalik niya dito sa Bicol.

"Ba't ka po pala bumalik dito?" Sambit ko na parang magalang na bata. Natigil ako sa mapaglaro kong biro sa kanya ng makita ko siyang mag seryoso.

"I'm with someone." Panimula niya. "I even lied na kailangan ko siya dito sa Bicol para sa isang business proposal..." Marahang pinisil ng kapatid ko ang hawak niyang kamay ko bago nagpatuloy. "...I'm with dad."

Natulala ako sa sinabi niya. Pinilit kong magsalita pero walang lumabas na kahit ano sa bibig ko.

"Kailangan ka niya makilala...." Magsasalita pa sana ako ng pinangunahan na ako nito. "no but's." Napatikom nalamang ako ng bibig ko. "Whether you like it or not ihaharap kita sa kanya. Kung kailangan kita kaladkarin o kidnapin gagawin ko."

Napangiti ako sa sinabi niya. 'Di ko mapigilan na matuwa sa katotohanan na sabik na sabik ako makilala siya. Na akala ko hanggang panaginip nalang iyon.

Will You Be Mine  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon