[Secrets]
Yohan's POV
Pagbalik ko ng bahay matapos kong ihatid si Gwent sa hotel na tinitirahan niya, may napansin akong maliit na piraso ng papel sa inuupoan ni Gwent kanina.
Isang litrato... mukhang ito yung litrato na tinititigan niya kaninang umaga. Pinagmasdan ko yung litrato. Si Brylle tska si Gwent. Masaya silang dalawa sa litrato habang nakayakap si Brylle mula sa likod ni Gwent.
Parang isang puzzle na unti unting nabuo sa isipan ko. Medyo malabo pa ang iniisip ko pero mukhang may kunti na akong idea tungkol sa kanya. Mukhang si Brylle pa ang tinutukoy ni Gwent na hinahanap niyang tao.
Nabitawan ko bigla yung litrato sa sobrang gulat ng may kumatok sa pinto ng kotse ko. Pagbukas ko ng pinto nakita ko agad si Kyle na bihis na bihis at mukhang may hinahanap siyang iba sa loob ng kotse ko.
''Kuya Yohan, where is she?'' Tanong niya sa akin. ''Where's my new sister?''
Ginulo ko yung buhok niya. Napaka inosente pa talaga niya.
''She's not your sister.... she's only my girlfriend.'' Paliwanag ko sa kanya.
''Then where is she?'' Tanong niya ulit sa akin. Mukhang excited siyang makita si Gwent.
''Sorry lil-bro... she went home.'' Biglang na lungkot si Kyle sa sinabi ko. ''Don't worry you'll meet her.''
Bumalik agad yung ngiti sa mukha ni Kyle.
''I heard she's beautiful.'' Sambit ni Klye. ''Kuya Brylle said...Is she?''
Natigil ako sa sinabi niya... hindi kaya may naalala sa kanya si Brylle?
Bigla kong naalala yung unang araw na nakita ko siya. Na kahit sobrang wasak na siya at sobrang gulo ng itsura niya, at naka simpleng T-shirt at jeans lang siya noon sa bar.
''Yes, she's beautiful.'' Sagot ko kay Kyle.
Inabot ni Kyle yung kamay ko... kahit maliit palang siya at medyo mahina pa nagawa niya akong hilahin papasok ulit ng bahay.
Lahat sila nakaupo na at magsisimula palang kumain. May dalawang bakanteng upoan para sa amin ni Gwent. Mukhang napansin din naman nila na 'di ko na kasama si Gwent.
''Where is she?'' Tanong ni tita Patricia.
Umupo na ako tska inalalayan kong makaupo si Kyle sa upoan ni Gwent, sa tabi ko.
''Hinatid ko na po siya pabalik ng hotel niya.'' Sambit ko. Medyo may question pa sa mga mukha nilang lahat. ''Masama po ang pakiramdam niya.'' Paliwanag ko. 'Di na din sila nagtanong pa.
''Baka buntis na.'' Singit ni Paulo. ''Aray..'' siniko siya ni ate Pauline.
''Why so early...'' sambit ni ate Pauline. ''I'm looking forward to meet her. Andaya naman, kay Brylle mo palang siya napapakilala.''
''Anong masasabi mo Brylle?'' Sambit ni Paulo.
Napatingin sila kay Brylle. Mukhang gulat naman si Brylle sa pansin na nakatutok sa kanya ngayon. Medyo nag-aalangan pa si Brylle sa sasabihin niya. Napa isip muna siya bago siya nagsalita.
''Well, she's beautiful.'' Napangiti ng mahina si Brylle. ''And i think she's kind.'' Dagdag pa niya.
''Yeah, I already expect that from bro Yohan. Ganon talaga kasi pag gwapo katulad namin, magaganda ang girlfriend.'' Sambit ni Paulo. ''Ouch, again?'' Siniko ulit siya ni ate Pauline. "Ehh kasi si ate Pauline kinulit pa ako bumili ng plane ticket online kaya di ko tuloy naabotan yung Girlfriend ni bro Yohan."
BINABASA MO ANG
Will You Be Mine [On Going]
JugendliteraturIsang babae na gagawin ang lahat para hanapin ang isang tao na minahal niya ng sobra. Pero paano kung sa paghahanap na iyon ay nakatagpo siya ng iba. At biglang dumating ang taong hinahanap niya. Kanino kaya niya maspipiliin sumama?
![Will You Be Mine [On Going]](https://img.wattpad.com/cover/69525338-64-k228831.jpg)