Chapter 31

30 5 0
                                    


MABILIS akong napabangon ng makarinig ako ng ingay. Ingay na nagmula sa kusina. Mukhang nag uuntugan na mga kawali't kaldero.

5am palang ahhh... sinong tao sa....

Hala! pinasokan ata ako! May akyat bahay sa loob ng bahay ko!

Medyo kinabahan ako dahil mag isa lang akong nakatira sa dati naming bahay. Oo, sa dating bahay ko ako umuuwi ngayon. 'Di naman kalakihan ang bahay ko meron itong dalawang palapag pero maganda ang kabuoan nito.

Dahan dahan kong dinukot yung arnis na project ko pa nung college na di namam napakinabangan. Dahan dahan akong naglakad pababa at napadaan pa muna ako sa sala. Tska ko sinipa ng malakas yung pinto ng kusina para bumukas.

Humarap agad ako upang makita ang akyat bahay. Sisigaw palang ako ng matigil ako ng makita kong nakaupo si Kyle sa mesa habang si Yohan nagluluto.

"Good morning!" Masiglang bati sa akin ni Kyle ngunit napalitan ng pagtataka ang kaninang masiglang mukha ng makita niya ang arnis na nakatutok sa kanya.

Agad kong tinago ang arnis sa likod ko. at takang napalingon sa nakangising si Yohan.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Agad akong napaayos ng buhok at inipit iyon sa tenga ko.

"Well, obviously I'm cooki---" Hindi ko na natapos pakinggan ang sasabihin niya at agad akong tumakbo paakyat ng kwarto ko.

Nakakahiya! Paano nalang kung may mapa pala ako ng Pilipinas sa malapit sa bibig ko.

Mabilis akong nagsipilyo at naghilamos. Kunting suklay at ayos sa at punas ng mukha. Agad naman akong bumaba at naabutan si Yohan na nilalagay na ang platong may laman na ulam sa mesa habang si Kyle at titig na titig sa mga iyon habang nakaabang na ang kutsara't tinidor na tumuhog ng ulam.

"Yummy, yummy, yummy." Sambit ni Kyle habang kumukuha ng ulam.

"Why so early?" Bungad ko at agad napalingon sa akin si Yohan. Nakanguso namang lumingon sa akin si Kyle matapos niya punuin ng pagkain ang plato.

"We're going to church, ate Gwent." Pilyo itong ngumiti sa akin tska ibinalik ang paningin sa plato at nagsimulang kumain.

"Lumuwas ng Manila sila dad kaya ako ang sasama kay Kyle pagsimba." Paliwanag ni Yohan. "Nangunglit kasi si Kyle na isama kita---"

"Huh? Kuya ako kaya yung kinulit mo... ginising mo pa ako ng sobrang aga tapos--" Maagap na tanakpan ni Yohan ang bibig ng kapatid niya.

Natawa ako sa kanilang dalawa. Nilapitan ko si Kyle kaya tinggal na ni Yohan ang kamay niyang nakatakip dito.

"Of course... Sasamahan naman kita magsimba." Wika ko kay Kyle sabay kurot ng mahina sa pisngi nito. Hehehe... ang lambot!

GINAWA ko ang lahat para 'di makatulog habang nagsasalita si Father sa unahan. Pero sa tuwing imumulat ko ang mata ko, kundi ako nakasandal sa balikat ni Yohan, nakayuko ako. Huling beses kong minulat ulit ang mga mata ko tanging ako lamang ang naka upo habang lahat sila ay nakatayo.

Huhuhu! Hindi ko talaga magawang magising ng tuloy tuloy at ramdam na ramdam ko ang antok na pati ang upoan na kahit na siyang nagpapasakit ng pwet ko ay napagkakamalan kong ulap na masarap tulugan. Hay!

Nasa ikatlong upuan sa unahan kami nakaupo dahil na din sa napaaga kami ng dating sa simbahan. Si Kyle ang nakaupo sa pinakagilid sumunod ako at si Yohan na katabi niya din sa kabila ay 'di kilalang matandang lalaki.

Pipikit na sana ulit ang mga mata ko ng mapalingon ako kay Kyle ng hilahin nito ang gilid ng dress ko upang napansin siya. Sinalakay ako ng hiya ng makita na tanging ako na lamang ang nakatayo habang lahat sila ay nakaupo na.

Will You Be Mine  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon